Charlie's point of view.
Mahal ko si Camille, mahal na mahal. Handa akong masaktan wag lang s'ya yung masaktan. Pero I think I failed to do such thing, kasi nasasaktan pa rin s'ya. Mahal n'ya yung kapatid ko, pero hindi pwede.
Nung una, ayaw pumayag ni Camille sa plano ko, pero nung nagpakita na ng motibo yung kapatid ko, napilitan s'yang pumayag. Kahit anong iwas ang gawin ni Camille, di n'ya maiwasang mahulog sa kanya si Chard. Iba talaga ang nagagawa ng love no?
Nasa kotse ko kami ngayon, tahimik lang si Camille, nung tinignan ko s'ya nakapikit s'ya. Nakaidlip na ata.
Camille, sana ako nalang. Sana ako nalang yung may sakit ngayon, sana ako nalang yung mamamatay. Para sana nabigyan kayo ng chance ng kapatid ko. Kung pwede ko lang kunin yung sakit mo gagawin ko para maging masaya ka.
Ang unfair no? Mahal mo, may mahal s'yang iba. Mahal mo, mahal ka pero.. Hindi pwede.
As much as possible ayokong isipin ni Camille na last day n'ya na bukas. Alam kong nawawalan na s'ya ng pagasa, pero pinipilit n'ya pa ring magpakatatag. Kahit ako, pinipilit kong hindi isipin na malapit na s'yang mawala. Sobrang lapit na.
Natutulog pa rin si Camille. Muka s'yang anghel. Napaka amo ng muka n'ya. Di na ako magtataka kung bakit nagustuhan s'ya ng kapatid ko. Ang ganda na n'ya, mabait pa s'ya. Mas gugustuhin n'yang masaktan s'ya kesa sa s'ya yung makasakit.
"Mahal na mahal kita, kahit may mahal kang iba.." Pabulong kong sinabi.
"Hmmmm" naririnig kong mahinang ungol n'ya. Nung una akala ko nananaginip lang s'ya. Pero habang tumatagal lumalakas yung ungol n'ya. Saglit kong ihininto yung sasakyan sa tabi, nung tumingin ako sa kanya nakahawak s'ya sa dibdib n'ya.
"CAMILLE HINDI PWEDE. CAMILLE!" Agad kong pinaandar yung kotse. Di pa pwede, bukas pa diba? Diba bukas pa? Camille wag mo muna akong iwan...
Ilang minuto lang nakarating na kami sa hospital. I dialed chard's number. Kahit di ko pa nakakausap yung doctor I know this is the right time para sabihin ko na sa kanya yung totoo. Sasabihin ko na lahat.
Napagusapan namin ni Camille na kapag alam kong oras n'ya na, aminin ko na kay Chard lahat. Yung kasunduan, yung sakit, yung taning, yung feelings n'ya. Ayokong maging selfish, ayokong itago kay Chard yung totoo dahil lang mahal ko si Camille. Mahal ko si Camille pero mahal ko rin yung kapatid ko.
Sinagot ni Chard yung tawag and I immediately told him to go to the hospital. Nung una puro s'ya tanong, pero nung sinabi kong it involves Camille he immediately hung up the phone.
After 10 minutes lumabas na yung doctor. Tumayo agad ako and asked him, but before I say anything, nakita kong nakayuko na s'ya. By this alam ko na agad yung meaning n'ya but I don't want to jump into conclusions.
"I'm sorry.." Parang tumigil yung mundo ko nung narinig ko yun. The love of my life, is gone...
Pumasok ako sa room ni cams at nakita kong nakatakip na s'ya ng kulay puting tela. Dun ko na naramdaman na lumuluha na pala ako. Iniwan n'ya na ako.. Iniwan na ako ni Camille..
"Doc doc!" Narinig kong sumisigaw yung nurse sa labas. Ewan ko kung bakit pero parang kinabahan ako.
"Anong nangyare?" Tanong naman ng sa tingin kong doktor.
"Doc nabangga ng isang truck yung minamaneho n'yang sasakyan." Mas lalo akong kinutuban ng masama nung narinig ko yun..
Hindi na ako nag dalawang isip pa at lumabas na ako, hinahanap ko yung pasyente pero wala akong nakita. Pumunta ako sa isang nurse at tinanong ko kung nasaan yung pasyente. Nung una ay hindi n'ya pa ito tinuturo pero nung sinabi kong baka kapatid ko yun at itinuro n'ya na rin saakin.
Nung mapuntahan ko yung tinuturong kwarto ay dali dali akong pumasok. Saktong pag pasok ko ay ang...
Ang pag takip ng puting tela sa bangkay..
Sana hindi s'ya, sana hindi si Chard.. Sana mali ako. Diyos ko, wag naman sanang pati kapatid ko..
"Dead on arrival s'ya iho. Kaano ano mo ang pasyente?" Hindi ko sinagot yung doktor, unti unti akong humakbang papalapit sa bangkay at mabagal kong inalis yung puting tela sa muka nya.
Nung makita ko ang buhok nito ay dun na ako nanlumo. Hanggang sa inalis ko na ang naka taklob sa muka n'ya. Dun na ako nawalan ng lakas at napaluhod nalang ako sa gilid ng bangkay..
Bangkay ng kapatid ko.
Humagulgol na ako at inaalalayan ako ng mga nurse.
"BAKIT PATI KAPATID KO?! ANO BANG NAGING KASALANAN KO SA INYO HA?! BAKIT LAHAT NALANG NG MALAPIT SAAKIN KINUKUHA N'YO?!" Sigaw ko habang umiiyak at nanghihina
"Sir tama na po"
"Sir kumalma ho kayo"
Yan ang sinasabi saakin ng mga nurse.
"kumalma? Patayin ko kaya yung mahal nyo at kapatid nyo! Tignan natin kung kumalma kayo!" Sigaw ko sa kanila
Pilit nila akong inaalalayan hanggang sa nawalan na ako ng lakas na magpumiglas, hanggang sa.. Naging blanko na ang paningin ko.
--
author's note.Last chapter na to, sunod epilogue na! Hihi
BINABASA MO ANG
Happily Ever After: a bestfriend's tale
RomanceBestfriend mo, bestfriend ka. Mahal mo, mahal ka. Ang kaso, hindi pwede.