Chapter 2

181 8 1
                                    

Cam's point of view.

Umiiyak nanaman ako..

Palagi nalang akong umiiyak dahil sa mahal ko.

Wala na atang araw na hindi namaga yung mata ko kakaiyak.

"Bess, ano pang kulang?" Tanong ko sa bestfriend ko.

"Wala ka namang pagkukulang eh, hindi lang s'ya marunong makuntento." Puno ng positivity yung buhay n'ya. Lagi n'yang pinapagaan yung loob ko.

"Pero bess, bakit ganun? Araw-araw na-nalang.. A-araw-araw nalang ka-kaming nagaaway." Pero nature ko na ata yung pagiging negative sa buhay..

Niyakap ako ni Chard, sobrang higpit. Habang hinahaplos n'ya yung buhok ko mas lalo akong naiiyak. Sana si Chard nalang, kaso kahit gusto ko, hindi pwede..

"Andito naman ako." Lumayo ako ng paunti unti sa sinabin n'ya. Di ko alam kung tama ba narinig ko kaya medyo nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Andito naman ako, para patahanin ka sa t'wing pinapaiyak ka ng boyfriend mo. Andito naman ako kung kailangan mo ng mayayakap kapag may problema ka, andito naman ako, ako na bestfriend mo." Dugtong n'ya. Bakit ba kasi sa dinami dami, ikaw pa yung naging bestfriend ko? Masasaktan ka lang naman sakin eh.

"Thank you bess! Kaya mahal na mahal kita eh!" Niyakap n'ya ulit ako at pinunasan n'ya yung mga luha na tumutulo sa mata ko. Napaka swerte ko talaga sa bestfriend ko.

"You're the best bestfiend in the world!" Sabi ko naman.. Lagi n'ya akong napapasaya. Sobrang saya ko at may bestfriend akong tulad n'ya. Pero malungkot rin kasi ha--

*Ringggg!!!* (Ringtone yan wag kayo.)

"Hello." Bungad n'ya

"H-hello?" Kinakabahan kong sagot. Si Charlie yung tumawag.

"Let's meet." Sincere nyang sambit

"T-talaga?" Tanong ko habang nakatngin kay Chard, naka busangot nanaman yung muka n'ya, naiinis nanaman s'ya kasi napaka easy to get ko sa boyfriend ko. Kailangan eh. Para sa kanya rin naman 'to..

"Oo, para mahiwalay ka na kay Chard. Alam ko namang kasama mo s'ya eh." Si Charlie lang yung nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit hindi pwede..

"S-sige!" Agad naman akong pumayag. This will be the last.

"Thanks, I love you." It breaks my heart whenever he says this.

"I love you babe!" And it breaks my heart even harder when I reply.

"I lo--" Binaba ko na yung phone, di ko na s'ya pinatapos. Humarap ako kay Chard ng nakasmile at kunwari kinikilig.

"Bess ayos na kami ng kapatid mo!" Oo, kapatid n'ya yung boyfriend ko. Kaptid n'ya yung sinasabihan ko ng I love you, kapatid n'ya yung alam n'yang nagpapaiyak sa'kin. Kapatid n'ya yung dahilan kung bakit s'ya nasasaktan. Oo, alam kong mahal ako ng bestfriend ko. Hindi ako manhid, sadyang hindi lang pwede.

"That's good to hear. Ano may date kayo ni kuya?" Tumango ako sa kanya as a sign na tama s'ya kahit yung totoo ay maguusap lang naman kami ni Charlie, kahit yung totoo ay iiyak lang naman ako sa kapatid n'ya. I wore a 'kinikilig' mask and acted like it is all okay.

"Yes, meron. Sige na bess! I have to go, ayokong ma late sa date namin!" Hinihiling ko na pigilan n'ya ako, hinihiling ko na sana sabihin n'ya na mahal n'ya RIN ako. Na pipigilan n'ya ako sa pagkikita namin ni Charlie, hinihiling ko na sana yakapin n'ya ako at sabihin n'ya saakin na "sa'kin ka lang bess, mahal kita bess".

"Sige, take care." Yan lang? Bakit yan lang? Wala na bang pahabol? Wala ka na bang sasabihin pa? Wala bang kahit I love you man lang?

'Di ko na kinaya, ayoko ng mag expect. Ayokong maghintay at baka sa kakahintay ko maiyak lang ulit ako. Tumalikod ako at tumakbo na.

I took a cab to go the our meeting place. Ilang minuto lang ay narating ko a yung venue, I saw him from afar, sitting. 

Lumakad ako papalapit kay Charlie at yung luhang pinipigilan ko tumulo na. Niyakap n'ya ako ng sobramg higpit.

"Tahan na.. Andito lang ako, tama na." Naaawa ako kay Charlie, he loved me with all his heart, pero hindi ko man lang yun masuklian ng pagmamahal. Alam kong mali 'to, pero I have no choice. 'Di ko kayang saktan yung mahal ko.

"I'm sorry.." Mas lalo nyang hinigpitan yung yakap n'ya saakin.

"Shh, it's fine. Don't cry, I understand your situation. Ayaw mo lang masaktan yung kapatid ko." Lagi s'yang ganito. He's always understanding. Lahat nalang iniintindi n'ya, he pretends he's okay even though he's not..

"I-it's my last day.. Tomorrow." Di pa ako handang iwan si Chard, he's too special.

"Don't say that, always think positive.." Like Chard, he also sees life positively. Ugh, it's really hard. Kung naguguluhan kayo, isa-summarize ko nalang yung kwento kung bakit sinasabi kong last day ko na bulas.

Tinaningan na ng doctor yung buhay ko, may butas ako sa puso, matagal na. Pero walang nag do-donate ng puso. Sino ba namang tanga ang gugustuhing mamatay?

Hanggang bukas na lang ako. Yun yung dahilan kung bakit hindi pwede, kasi ayokong dumating yung point na'to. Yung mawawala na ako, ayokong masaktan si Chard kapag nawala ako. Nag prisinta si Charlie na maging boyfriend ko, alam n'ya yung sitwasyon ko. Pumayag naman s'ya kahit na hindi ko s'ya mahal. As long as hinahayaan ko daw s'yang mahalin ako.

Nung una, ayaw ko sanang pumayag, pero naisip ko lang na baka mas mabuti na yun, para iwasan ni Chard na mahalin ako, para hindi n'ya ako niligawan. Kaya din naging bestfriend ko si Chard kasi alam kong pahahalagahan n'yan yung friendship namin at di n'ya ako liligawan. Pero mali ako.. Minahal n'ya ako. At minahal ko din s'ya.

"Cams!" Nagbalik ako sa sarili ko nung narinig ko yung pagtawag ni Charlie. Tinignan ko s'ya at ngumiti naman s'ya.

"Sabi ko, uwi na tayo kasi gabi na." Nag smile ako at tumango sa kanya.

Habang nasa kotse kami tahimik lang kami. Naninikip ng konti dibdib ko pero di ako umiimik. Para hindi n'ya yun mapansin, pumikit nalang ako. Akala ko bukas pa, I didn't know na ngayon na pala.. I can feel it already. I'm ready..

Medyo umuungol na ako sa sobrang pagsakit ng dibdib ko, napansin na ata ni Charlie kaya medyo inuuga n'ya ako. Tinatawag n'ya ako pero tanging ungol lang yung naibibigay ko. And then everything, went black.

-----

AUTHOR'S NOTE.

This is Cam's point of view, naisipan kong gawan ng point of view si Charlie kaya yun na siguro yung last chapter, next chaper na yung point of view ni Charlie.

Happily Ever After: a bestfriend's taleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon