Chapter 1

330 9 3
                                    

Chard's point of view.

Umiiyak na naman s'ya.

Inaraw araw n'ya na yung pagiyak n'ya dahil sa letcheng boyfriend n'ya na yan.

Lagi nalang namumugto yung mata n'ya dahil sa araw araw na pagaaway nila ng boyfriend n'ya.

"Bess, ano pang kulang?" Umiiyak na naman s'ya.

"Wala ka namang pagkukulang eh, hindi lang s'ya marunong makuntento." At eto naman ako, pilit s'yang pinapatahan, pilit na pinapagaan ang loob n'ya.

"Pero bess, bakit ganun? Araw-araw na-nalang.. A-araw-araw nalang ka-kaming nagaaway." At eto nanaman s'ya, humahagulgol na parang bata.

Niyakap ko s'ya ng sobrang higpit habang hinahaplos ko yung buhok n'ya. Bakit kasi s'ya yung pinili mo? Bakit kasi s'ya pa yung minahal mo, bakit kasi nagpapaka tanga ka sa isang lalake?

"Andito naman ako." Ramdam ko ang unti-unti nyang paglayo sa akin, at bakas sa muka n'ya ang pagtataka.

"Andito naman ako, para patahanin ka sa t'wing pinapaiyak ka ng boyfriend mo. Andito naman ako kung kailangan mo ng mayayakap kapag may problema ka, andito naman ako, ako na bestfriend mo." Bestfriend.. Bestfriend lang naman di'ba? Bestfriend na iniiyakan mo, na pinagke-kwentuhan mo ng tungkol sa boyfriend mo, tungkol sa sweetness nyo. Bestfriend na kahit nasasaktan na, pinipilit ko paring maging masaya para sa inyo, kasi bestfriend mo lang naman ako.

"Thank you bess! Kaya mahal na mahal kita eh!" Niyakap nya ako ng mahigpit at pinunasan nya ang luha n'ya.

"You're the best bestfiend in the world!" Ani n'ya. Bestfriend lang talaga. Hanggang dun lang.

*Ringggg!!!* (Ringtone yan wag kayo.)

"H-hello?" Panigurado boyfriend n'ya yung tumawag.

"T-talaga?" Panigurado nakipag ayos nanaman 'to sa kanya.

"S-sige!" Panigurado inaya nanaman s'ya ng date ng boyfriend n'ya.

"I love you babe!" At panigurado ayos na naman sila.

Binaba n'ya yung phone n'ya habang naka smile at halatang kinikilig. Hanggang kelan ka ba magpapaka. Martyr Cams?

"Bess ayos na kami ng kapatid mo!" Oo, kapatid ko yung boyfriend n'ya. Oo, yung lagi n'yang iniiyakan, yung lagi n'yang sinasabihan ng I love you, kapatid ko yun. Oo, boyfriend ng mahal ko ang kapatid ko. Pero ano bang magagawa ko? Bestfriend lang naman ako.

"That's good to hear. Ano may date kayo ni kuya?" I wore the mask that has a smile and tried to act like I wasn't hurt.

"Yes, meron. Sige na bess! I have to go, ayokong ma late sa date namin!" I want to grab her arms and hug her then tell her that I love her not just as my bestfriend, but as someone special. Pero alam kong pag ginawa ko yun, pwedeng mailang s'ya sakin, pwedeng mawala s'ya sakin.

"Sige, take care." I love you.

Then there, she ran with her flats trying to catch a cab to go to her date with my beloved brother.

And here I am, alone. Kung sana hindi nalang kami naging mag bestfriends para wala sana kaming iniingatang pagkakaibigan, edi sana walang matatakot samin na pumasok sa isang relasyon.

Kung sana hindi kami mag bestfriends edi sana matagal ko na s'yang niligawan, kung sana hindi kami mag bestfriends baka mas naunahan ko pa yung kapatid ko.

Kung sana hindi kami mag bestfriends, may pagasa pang maging kami ngayon.

-----

AUTHOR'S NOTE.

This is Chard's point of view ukol sa feelings n'ya for cams, the next chapter is all about Cams' point of view.

Two chapters lang 'to kasi short story lang 'to.

Happily Ever After: a bestfriend's taleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon