12 years na ang nakakalipas simula iwan nila ako.
12 years na ang nakakalipas simula ng mamatay silang pareho.
"Daddy is tita and tito happy na?" Tanong saakin ng anak ko habang nakatingin sa puntod nina cams at chard.
"Yes baby, tito and tita is now happy sa place kung nasaan sila." Sagot ko naman ng nakangiti.
Napatingin ako sa kalangitan at napangiti ako, sa wakas at magkasama na din kayo, sa wakas at pwede na rin kayong magmahalan ng walang humahadlang sa inyo.
Naniniwala ako na kayo talaga ang nararapat, naniniwala ako na kayo talaga hanggang sa huli, kahit hindi kayo nabigyan ng chance dito sa lupa ay alam kong masaya kayong magkasama sa kalangitan.
Flashback...
Nagising ako sa isang kwarto na kulay puti, may nurse din sa gilid ko.
"Buti naman sir at gising na kayo. Pasensya po kung kailangan pa namin kayong turukan ng pampatulog, hindi po kasi kayo kumakalma" sabi saakin nung nurse na nasa kwarto.
"Wala na silla.." Bumalik nanaman sa alalaala ko yung bangungot na nangyari.
"Alam mo sir, hindi naman po permanente ang buhay eh, kailangan po ay lagi tayong maging handa sa mga bagay na pwedeng mangyare saatin o sa mga taong nasa paligid natin." Sabi n'ya sabay ngiti ng mapait saakin.
"Kung makapag salita ka para namang ikaw yung nasa posisyon ko, hindi ganun kadaling mawalan ng taong mahal mo, lalo na kung dalawa sila, don't act like you feel what I'm feeling right now kasi you have no idea! Utang na loob iwanan mo muna ako!" Sa inis ko ay nataasan ko s'ya ng boses. Alam kong mali, alam kong mali yung pagsigaw ko pero I need to be alone.
Naglakad s'ya palayo na para bang nasaktan. I felt guilt pero I didn't stop her, I want to be alone. Nung malapit na s'ya sa pintuan ay lumingon s'ya sakin.
"Alam mo sir, mali ka. Namatay yung kapatid ko last last month dahil sa leukemia, nagpakamatay ang nanay ko dahil hindi n'ya kinaya yung pagka wala ng kapatid ko, yung tatay ko? Ayun sir, nasa mga babae n'ya. Pero kahit ganun yung nangyare sir lumaban pa rin ako, para sa sarili ko, para sa mga taong nagaalala pa sakin. Ramdam ko kayo sir, pero mas pinili ko lang magpaka lakas para sa mga taong andyan pa." Ngumiti ulit s'ya ng mapait saakin sabay yuko, at tuluyan na s'yang umalis.
I felt my conscience slowly killing me, napaka insensitive ko naman..
"Mabuti at gising ka na iho, mamaya ay pwede ka ng ma discharge. Condolence pala sa nangyare.." Hindi ko namalayan na pumasok na pala yung doktor. Chineck nya ako at lumabas na rin s'ya.
Tinawagan ako ng mga pulis dahil sa nangyare sa kapatid ko. Sabi ng mga pulis ay ayon daw sa mga witnesses ay napaka bilis daw ng patakbo ni Chard, hindi na din daw s'ya tumitigil sa stoplights kaya nahagip ng truck ang sasakyan nito.
Ilang buwan ang nag tagal, binibisita ko parin si Chard at Cams. Naka move on na ako kay Cams pero kahit wala na s'ya ay mananatili parin s'ya sa puso ko.
After some months, I met Leila, again. Si Leila yung nurse na nasigawan ko nung nasa hospital pa ako. I apologized and tinanggap n'ya naman yun. Dun na kami nagsimulang magkakilanlan pa ng mas malalim, she's sweet and caring. Maganda din si Leila at mabait.
Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog, hanggang sa nanligaw ako at sinagot n'ya rin ako. Naikwento ko sa kanya yung mga nangyari saamin nina Cams at Chard. Nagkwento din s'ya about sa past n'ya including her sister that died, her mom that died and her father.
Habang tumatagal ay mas lalo kaming tumatatag ni Leila, hanggang sa umabot kami ng 1 year, 2 years 3 years, then finally, nag propose na ako sa kanya.
Naging busy ako dahil saakin na pinapahawak ni daddy yung school namin pero I still manage na hatiin yung oras ko sa school namin at sa wedding preparations.
After a year of wedding preparations, kinasal na rin kami ni Leila. Naging masaya ako sa piling n'ya. Biniyayaan kami ng isang kambal. Si Blaire at si Alaire.
Lagi akong sinasamahan ni Leila pag binibisita ko yung puntod ng kapatid ko at ng babaeng minsan ko ng minahal. Okay lang naman daw sa kanya yun dahil laking pasasalamat n'ya sa kanila dahil kundi daw dahil sa kanila ay hindi kami magkaka kilala.
Naikwento narin namin sa mga anak namin kung sino si Cams at Chard at kung paano kami nagka kilala ni Leila. Sumasama na rin yung mga anak namin sa pagbisita sa puntod nila.
End of flashback..
"Hon? Gutom na daw yung mga bata, let's go na?" Tanong saakin ni Leila na katatapos lang makipag laro sa mga kambal.
"Sige hon, magpapaalam lang ako sa kapatid ko at kay Cams, una na kayo sa sasakyan." sabi ko sabay halik sa pisnge ng asawa ko.
"Oh pano Cams, Chard. Una na ako ha? Gutom na daw yung mga anghel ko eh. Bibisita nalang ulit ako sa inyo next time ha?" Tumayo na ako at for the last time, tumingala ako at ngumiti. Pare-parehas na kaming masaya.
--
author's note
Tapos na hehe :")
BINABASA MO ANG
Happily Ever After: a bestfriend's tale
RomanceBestfriend mo, bestfriend ka. Mahal mo, mahal ka. Ang kaso, hindi pwede.