Life Without Him 4: Pain.
"Nathan? Anong ginawa mo habang wala ako?" Andito kami ngayon sa isang malaking puno nakasandal siya sa puno habang ako naman ay nakasandal sa kanya. Napakaganda rito. Sabi niya hindi pa daw ito ang Heaven. Pero ngayon pa nga lang napakaganda na dito. Payapa. Parang walang magiging problema.
"Wala akong ginawa kung hindi ang isipin ka." napangiti ako. Ang lupit niya talaga magpakilig. Kinuha ko yung kamay niya at hinawakan.
"I love you Nathan."
"Mas mahal kita. If only I could turn back time. Sana ay nalaman ko agad ng mas maaga na may sakit akO sana- sana.." Aissst! Crying Nathan na siya! Bakit ba mas iyakin pa siya sakin? Humarap ako sa kanya and cupped his face.
"Sssh what important is magkasama na tayo. Heto na ako. Hindi na tayo magkakahiwalay."
"Pero pansamantala lang lahat ng ito. I'm sure magbabago ang isip mo." Umiling ako at hinalikan siya agad. Umiiyak na naman ako. Bakit ba pinagtatabuyan niya ako?
"Ano bang problema mo Nathan? Bakit ayan ka na naman? Pinagpipili- tan mong bumalik ako? Hindi na kita iiwan for crying out loud!"
"Dahil maling nandito ka. Mali na ginawa mo iyon. Mali na sinulat ko pa ang mga..."
"Ewan kO sayo!" Yun lang at tumayo ako at iniwan siyang nagiisa! Nakakainis ka Nathan! Nakakainis ka? Mahal mo ba talaga ko? Sayo lang ako sasaya! Sayo lang! Malayo- layo na din yung nalalakad ko at hindi ko na alam kung nasaan ako. Pero nagulat ako nung biglang nasa harap na ako ng batis kung saan ako dinala ni Nathan. Ang balak ko ay lagpasan nalang iyon at umalis na pero. Hindi ko alam kung bakit dumeretso pa ako. Bakit ba nandito ako? But I saw my dad. He's in pain. He's crying while holding my hand.
"Dad."
"Sky! Bakit mo ba kasi ginawa yun? Bakit? Si Nathan nalang ba ang mahalaga? Paano naman kami ng kapatid mo? Di mo ba ami naisip? Sky. Gumising ka na. Please anak. Hindi pa ako nakakabawi sayo e. Limang taon pa lang kitang nakakasama tapos heto ka parang lantang gulay." Para akong itinulos sa kinatatayuan ko. Bakit may boses na ngayon? Bakit naririnig ko si daddy.
"I'm sorry daddy. Patawad. Pero hindi ko na po kayang mabuhay kung hindi lang din si Nathan ang kasama ko. Patawarin niyo ako." Napaluhod ako sa sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko nanghihina ako.
"Anak bangon ka na please? Buman- gon ka na diyan. Gusto ko ng makita kang masigla. Sky bigyan mo naman ako ng dahilan para ipagpatuloy ko pa din ang buhay ko. Sabi ng mga doktor aparato nalang daw ang dahilan kung bakit ka humihinga. Pero hindi ako naniniwala. Alam kong babalikan mo si Daddy. Di ba anak? Mahal mo ako di ba?" Natukop ko ang bibig ko. Yes dad. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. But please try to understand! Mahal na mahal ko din si Nathan. Nathan is my life! Pero labis kong ikinagulat lahat ng nakita ko. I saw myself crying. Bakit umiiyak ako. I mean ang katawan ko? No hindi na ako babalik! Dito lang ako sa tabi ni Nathan. Kasama ni Nathan. "O my God! Anak Doc! Doc! Ang anak ko! Oh my god sky! Umiiyak ka? Umiiyak ang anak ko! Doc!" Yun lang at patakbo akong umalis sa harap ng batis. I'm sorry dad. Sorry. Palakad-lakad pa rin ako habang umiiyak.
"Asawa ko." Nilingon ko siya. He's in pain.
"Nakita ko si Daddy kanina."
"Ganun ba? So anong balak mo?"
"I don't want to go back. Ayoko."
"What? Ayoko lang maging selfish!" Sa inis ko ay nilapitan ko siya at hinalikan. Yes. I kiss him. I deepened the kiss. Mahal na mahal ko talaga siya. "Mahal na mahal kita Sky. Mahal na mahal." Ang higpit ng yakap niya. Parang takot na takot akong pakawalan. "Natatakot din akong mawala ka ulit. You don't know how much I suffer Sky. Sa tuwing iniisip kita. Na baka may makita at makilala kang iba. I love you that much na lahat ng gawin mo natatakot akong bigla kang mahulog at mainlove iba. Alam kong nag-promise ka pero takot ako. Natatakot ako na isang araw hindi na ako ang mahal mo."
"Hindi mangyayari yun Nathan dahil mula noon hanggang ngayon? Mas lalo pa kitang minahal."
"Hindi na kita pipilitin. lgagalang ko ang desisyon mo Sky. Pero hindi kita pipigilan kung anong magiging desisyon mo pitong araw mula ngayon."
"My decision is final Nathan. I'm sorry but you're my life. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay noon. Dahil nangako ako sayong ipagpapatuloy ko pa din ang buhay ko. Na magtatapos ako ng pagaaral. But now. You want me to come with you. Here i am Nathan. Ganito kita kamahal." He kissed me. My kissing Monster. I closed my eyes. Ikaw ang buhay ko Nathan. Ikaw at ikaw lang ang dahilan kung bakit ako mabubuhay.
To be continued.
BINABASA MO ANG
LIFE WITHOUT HIM | Completed! (My Kissing Monster Book 2)
General FictionSino nga ba ang makakalimot sa story ni Nathan and Sky? Mula sa pagsilay Ni Sky sa corridor hanggang sa naging si Blue siya at nalaman Ni Sky that Nathan is dying at walang magagawa para mapigilan ito. Sino ang hindi tumulo ang luha? Nanghinayang? ...