Life Without Him 1: Selfish.
"Sky. Alam kong kapag binasa mo ito ay wala na ako. Sinulat ko ito habang may lakas pa ako. Alam mo ba? Mahal na mahal kita."
Mahal din kita Nathan. Hanggang ngayon hindi nabawasan yun.
"Sorry dahil nilihim ko sayo ang sakit ko. Ayoko lang kasing masaktan ka pa. Naisip ko sobra-sobra na yung mga pangyayari sa buhay mo. Alam ko namang tutuparin mo ang pangako mo sakin. Ako lang hindi ba? Alam kong tutuparin mo na makapagtapos ka ng pag-aaral. Ang patuloy na mabuhay."
Tinupad ko Nathan, tinupad ko.
"Pero Sky. Selfish ba ako ng hiniling ko na ako lang? Na wala ka ng ibang mamahalin kung hindi ako lang? Masama ba ako para hilingin yun?"
Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi, hindi Nathan kahit hindi mo hilingin yun ang gagawin ko dahil ikaw lang.
"Kahit kasi ata sa kabilang-buhay hindi ko kakayaning may ibang may magmamay-ari sa puso mo."
Biglang kumabog ang puso ko sa sumunod kong nabasa.
"Selfish din ba ako kung hihilingin kong samahan mo na ako dito? Ang lungkot kasi kapag hindi kita kasama. Sorry kung selfish ako, pero hindi ba pwede?"
Nathan. So all this time matagal mo na pala akong inaantay? Nathan-- Bakit ngayon ko lang ito nabasa? Bakit kasi ngayon ang ako umuwi. Hindi ka selfish. Hintayin mo ako Nathan. Please hintayin mo ako. Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko. Habang nagmamaneho ay malalim ang iniisip ko. Lord, hindi naman masama ang gagawin ko hindi ba? Matagal ko pong tiniis yung sakit. Limang taon akong nagtiis, nasaktan at umiyak. Ngayong alam kong hinihintay niya ako, matagal na pala niya akong hinihintay. Siguro naman pwede na akong maging masaya.
Life without him?
It's like living like a zombie.
It's like a living hell!
Ginagawa ko ang lahat para mapasaya ang ibang tao.
Ang pamilya ko pero ang totoo sobrang lungkot ng puso ko. Pakiramdam ko kaya lang ako nabubuhay ay para tuparin ang pangako ko kay Nathan na ipagpapatuloy ko ang buhay ko. Na magtatapos ako ng pag-aaral. Which is ginawa ko naman. Tinupad ko. Pero ngayon na nabasa ko ang sulat niya? I don't think kakayanin ko pa. Sobrang hirap ng wala siya.
Yes I love my family. I love daddy. I love Lindsay. Pero hindi ko na talaga kaya. Five years is enough. Tiniis ko yung sakit ng pagkawala niya. Tinis ko yung lungkot. Tiniis ko lahat ng karayom na nakatusok sa puso ko tuwing maaalala ko si Nathan. Pinilit kong maging masaya kahit ang totoo ay nagluluksa ang puso ko. I suffered too much mentally and emotionally. Akala ng iba, akala ng pamilya ko okay lang ako but deep inside i'm really dying. Hindi nila alam kung anong sakit ang nararamdaman ko tuwing magisa nalang ako sa kwarto. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at idinial ang number ni Daddy.
"Anak? Bakit? Narinig kong pinaandar mo yung sasakyan." Sorry daddy. Sorry.
"Daddy I love you, say I love you too kay Lindsay, pati sa pamilya ni Nathan, kila Jane at Donna. Please Dad, kahit anong mangyari ginawa ko ito dahil dito ako sasaya.."
"Anak ano bang."
BEEEEEEEP!!!!
"Sorry, sorry dahil hindi ko na talaga kayang mabuhay ng wala siya." Nakita kong may paparating na 10 wheeler truck.
BEEEEEEEEEEEEPPPPP!!
Kinabig ko ang kotse at sumalpok ako deretso sa unahan nito. Narinig ko pa ang pagtawag ni Daddy sa linya. Sorry daddy. Patawad.
Hintayin mo ako Nathan. Malapit na tayong magkita. Napagdesisyonan ko na. Hindi na kita hahayaan pang magisa at malungkot diyan. Hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa tayo. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalan na hilingin mong makasama mo ako. Kagustuhan ko lahat ng gagawin ko ngayon, ayoko ng masaktan. Diyan tayo kung saan pwede tayong bumuo ng pamilya.
Konting oras na lang..
Magkikita na tayo..
My Kissing Monster.
To be Continued..
BINABASA MO ANG
LIFE WITHOUT HIM | Completed! (My Kissing Monster Book 2)
General FictionSino nga ba ang makakalimot sa story ni Nathan and Sky? Mula sa pagsilay Ni Sky sa corridor hanggang sa naging si Blue siya at nalaman Ni Sky that Nathan is dying at walang magagawa para mapigilan ito. Sino ang hindi tumulo ang luha? Nanghinayang? ...