Kabanata 8

8 2 0
                                    

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 8: Clyde, The Prince of the Empire I
Main Palace, Clyde's Chamber
Winter 1610 | The next day

"Kuya, I'll miss you." sambit ni Alina kay Clyde at niyakap ito. "Uuwi ka po bago ang kaarawan ko, diba?" Ngumiti ang prinsipe at bahagyang tumawa sa kanyang nakakabatang kapatid at niyakap ito pabalik.

"Of course, I will. Malapit na ang kaarawan mo kaya dapat lang na naandito ako." sabi ni Clyde at ipinatong ang kanyang kamay sa tuktok ng ulo nito. "Ah... gusto mo bang matikman ulit ang kinain natin noon? Gusto mo bang imbitahin ko ang nagluto?"

"Gusto po pero... papayag po ba si Mama na magdagdag pa ng magluluto? Ayos na raw po kasi ang lahat." ani ng kanyang kapatid at nagisip. "Sabihin po natin kay Mama?"

"She's busy preparing for your party so I'll handle it." ngumiti ng malaki so Alina kaya't ngumiti si Clyde pabalik. "Thank you po."

"Anytime, Alina." tumayo ng ayos si Clyde at isinuot na sa kanya ng isang tagapaglingkod ang kanyang coat.

"Tara na." Naglakad na sila papalabas ng kwarto at nakita si Avarica na nakatayo sa tabi ng pinto. Tiningnan siya ni Alina ngunit iniwasan niya ito ng tingin.

"Hi po..." mahinang bati ni Alina sa kanya.

"...Hello," lumapit si Avarica kay Clyde at niyakap ito. "Kuya Clyde, aalis ka na?"

"Yes," sagot ni Clyde. "Anong gusto mo pagbalik ko?"

"Anything!"

"Hahaha, sige. Behave okay? Aalis na ako."

"...Okay,"

Bumitaw na ng yakap si Avarica at napansin ni Clyde na tumingin ito kay Alina. Tiningnan ni Clyde ang kanyang kapatid at nakitang nagtatago ito sa kanyang likod. Nilagay niya ang kanyang kamay sa tuktok ng kanyang ulo at sinabing, "Huwag kayong magaaway ha?"

"Opo, Kuya." ngumiti si Alina ngunit naramdaman ni Clyde na nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. Tumalikod si Clyde at binuhat ang kanyang kapatid.

"Mauuna na kami, Avarica." sambit nito. Napansin ni Clyde na lumungkot ito habang nagpapaalam ngunit nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Marcela, susunod ka rin ba papuntang eskwelahan?" tanong nito sa kawal na nakasunod sa kanila.

"Yes, your highness. Iyon ang inutos sa amin ng Emperador." sagot nito. Napabugtong hininga na lamang si Clyde.

"..." napansin ni Clyde na kanina pa tahimik si Alina habang yakap siya nito sa kanyang leeg. Hindi makita ni Clyde ang mukha ng kanyang kapatid kaya't hindi nito alam kung anong nararamdaman nito.

"Takot ka ba sa pinsan natin, Alina?" tanong ni Clyde ngunit hindi siya nito sinagot. Marahang tinapik ni Clyde ang likod nito ng maramdaman niya na humigpit lang ang yakap nito sa kanya.

"I already scolded her pero pinsan natin siya kaya ganoon ko siya itrato. Huwag ka nang magtampo, okay? Bibilhan rin kita ng pasalubong."

"Okay po.."

Ibinaba na ni Clyde si Alina nang makababa sila sa pangalawang palapag. Alam kasi nitong ayaw bumaba ni Alina kapag maraming taong nasa unang palapag.

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon