Kabanata 21

3 1 0
                                    

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 21: The Essemal II
Gemsparks' Golden Palace
Winter 1610 | Same day

"Kuya?" gulat na tumingin sa likod sina Clyde at Rishelle bago tumigil sa pagkilos nang marinig ang boses na iyon.

"Alina?" nagtatakang tawag ni Clyde sa kanyang kapatid nang makita itong nakatayo sa likuran nila. Tumayo ito at lumapit kay Alina. Binuhat niya ito sa kanyang braso at nagtanong, "Bakit ka naparito?"

"Nasa hardin ka raw po, sabi ni Mama." sagot nito.

"Namiss mo ba ako?" nakangiting tanong ni Clyde sa kanyang kapatid bago ito umikot sa kanyang pwesto habang buhat si Alina. Natawa naman ang kanyang kapatid sa kanyang ginawa.

Samantala, dali-daling pinunasan ni Rishelle ang kanyang mukha gamit ang iniabot sa kanyang panyo ni Clyde kanina. Iniisip niya kung ayos lang ba ang itsura niya habang inaayos niya ang kanyang damit. Tumayo na siya at tumabi sa dalawang magkapatid.

"Tara na?" tanong ni Clyde nang huminto ito. Tinanong siya ni Rishelle kung ayos lang ba ang itsura niya at tumango naman ito. Napahinga ng maluwag ang babae at ngumiti sa prinsesa.

"Hi." bati nito at kumaway kay Alina. Nginitian naman siya ni Alina at kumaway rin, "Hello po!"

Ramdam ni Clyde na hindi alam ni Rishelle ang kanyang gagawin dahil na rin sa tahimik lamang itong nasunod sa kanilang dalawa. Naglalakad na kasi sila upang pumasok sa loob.

"...Mamaya na lang pala ako papasok." sambit ni Rishelle at huminto namg malapit na sila. Pansin niya ang tingin ng ibang tao sa hardin at hindi pa siya komportable sa ganoon. Paano kung may masabi na kung ano ang ibang tao sa kanila kapag nakita silang sabay na pumasok roon?

Habang nagiisip ito ay naramdaman niya ang paghawak ng prinsipe sa kanyang kamay. Tiningnan niya ito at nakita ang nakangiting mukha nito sa kanya hahang buhay niya sa isang braso si Alina.

"..." ngumiti siya pabalik kay Clyde bago hawakan pabalik ang kanyang kamay.

"Gusto mo po bang tumabi sa amin?" inosenteng pag-aya ni Alina sa kanya.

"Um..."

"Tatanggihan mo ba ang may kaarawan ngayon?" nakangising tanong ni Clyde sa kanya. Napatahimik siya at hinigpitan ang hawak sa kamay nito bago bumigay rito.

Sa araw na iyon ay nasaksihan ng mga bisita ang prinsipe na hawak ang kamay ng isang babae. Sa harap ng maraming tao, kakaiba ang ngiti ng prinsipe habang sinusulyapan ng tingin ang babaeng iyon. Para bang pinapaalam nito sa lahat na interesado siya rito.




•••

Gemsparks' Diamond Palace
Winter 1610 | Next day

"Sumasakit ang ulo ko sa iyo." sambit ng kababata ni Clyde na si Andreas Caleb Bonumer.

***introduced at chapter 9


They are currently inside a drawing room at the Diamond Palace where Clyde actually resides. Diamond Palace is a fancy palace but its area is pretty small compared to other palaces. (1)

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon