Kabanata 25

16 3 0
                                    

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperor
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 25: Engagement I
Gemsparks Empire, Main Palace
Winter 1610 | Same day, Nighttime

"Naihanda ko na po ang inyong susuotin, prinsesa." nakayukong sambit ni Maria sa prinsesang nakaupo sa harap ng kanyang mesa.

Kasalukuyang naninirahan ngayon si Alina sa main palace dahil inaayos pa lamang ng emperatris ang mga katulong na pupunta roon upang alagaan ang kanyang anak. Namimili rin ng mga kawal sa unang kumpanya upang bantayan ang moonstone palace. Pansamantala ay bumalik muna si Alina sa kanyang kwarto sa palasyo.

"Salamat po." nakangiting sambit ni Alina at isinara ang binabasa nitong kakaibang sulatan. Napansin ng prinsesa ang pagtingin ni Maria sa hawak niya kaya't itinabi na niya ito sa aparador na mayroong mahikang magpoprotekta mula sa ibang tao.

Dali-daling ibinaba ni Maria ang kanyang mga mata habang si Alina ay bumaba sa kanyang inuupuan upang lumapit. Tinulungan siya nitong magpalit nang kasuotang magpoprotekta sa lamig ng panahon.

•••

Binuksan ni Maria ang pintuan at lumabas sa kwarto ng prinsesa. Tiningnan niya ang dalawang kawal na nagbabantay at pinasalamatan ito sa kanilang trabaho na ginawa rin pabalik ng mga kawal. Sinundan ng tingin ng dalawang kawal  ang personal na tagapaglingkod ng prinsesa.

Ang natatanging tagapaglingkod ni Prinsesa Alina, si Maria Nagiya. Halos lahat ng nagtatrabaho sa pamilya ng Gemsparks ay alam kung gaano kabuti tratuhin ng batang prinsesa ito. Kahit kanina ay napansin ng dalawang kawal ang nagniningning na hikaw nito na iniregalo sa kanya ni Prinsesa Alina. Kahit ang ibang aristokrat ay inaayos ang kanilang kilos sa tuwing makakasalubong nila ito.

Sa mata ng iilang mga tagapaglingkod at mga katulong, si Maria Nagiya ay isang tusong tao na inakyat ang kanyang daan patungo sa puso ng mabait at inosenteng prinsesa.

Bumaba si Maria sa hagdan at dinayo ang kusina kung saan nagkukwentuhan ang ibang katulong habang kumakain ng natitirang tinapay. Tumigil sila sa paguusap nang mapansin ang bagong dating.

"Oh Maria, may ipinapagawa ba ang prinsesa?" tanong ng babaeng panadero na nakapagpaalala sa kanya ng sinabi ng prinsesa.

"Maria, dalhin mo ito sa pavilion ng hardin."nakangiting utos ni Alina kay Maria bago ito lumabas ng kwarto.

"Opo." sagot ni Maria at umayos na ang mga katulong at ang baguhan na panadero.

Pagkatapos ang kalahating oras na paghahanda ng mga ito para sa pagkain ng prinsesa, lumabas na si Maria dala-dala ang tray ng iba't ibang tinapay at

After half an hour of preparing for the princess' snacks, Maria and another maid helped arrange and bring the trays. There were small slices of cakes, chocolates and some that were freshly baked. The other maid got confused as she look at the the trays.

"May bisita ba ang prinsesa?" takang tanong nito at tumingin sa personal tagapaglingkod ng prinsesa. Tahimik na nakatingin sa kanyang dinadaanan si Maria. Hindi niya rin alam ang sagot kaya't "...Siguro?" na lamang ang tanging isinagot niya sa kanyang kasama at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

'Hindi magandang kwestyunin ang ginagawa ng prinsesa.' isip nito habang tinitingnan ang matatamis na pagkain na kanyang bitbit.

"Para sa prinsesa?" tanong ng kawal nang makita ang hawak nila.

"Opo." sambit naman ng kasama niyang katulong. Yumuko ang mga ito sa isa't isa bago sila magpatuloy sa paglabas.

"Dalian na natin." sambit ni Maria nang makita ang prinsesang nagiisang nakaupo sa pavilion. Binilisan nila ang kanilang lakad sa hardin na puno ng niyebe at halamang pang-taglamig.

Gandeloune: The Prophecy of The Tyrant Emperor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon