Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.-Editing. Pls understand 😄
-Ichi and Yell
-------------------------YELL POV
Natatamad na tumayo ako at pinagpag ang likuran ng palda ko. Tumayo na rin si Vicet at yung iba pa nyang kasama, pinulot nya ang coat ko na hanggang bewang ko ang haba na kasama sa uniform namin dito sa school.
Tiningnan ko yun ng masama. Ang init init pero kailangan mag suot ng coat dahil kasama sa uniform.
Sino ba kasi ang nag design ng uniform sa school na 'to?
Naiiritang isinablay ko lang 'yon sa balikat ko. Maglalakad na sana ako ng mapansin kong nagtatawanan sina Vicet.
Tch! mga walang magawa sa buhay. Tinalikuran ko na lang sila at bumaba ng rooftop.
Nagugutom na ako at hindi ko kaylangan maghintay ng lunch break para masatisfy ang gutom ko.
Pumunta ako sa canteen pero walang tindang pagkain doon. Hindi pa daw lunch break tch! sa nagugutom na yung mga dragon ko sa tyan ee.
Napansin ko ang mga vending machines sa may gilid ng canteen.
Hmm sakto, its ramen time!
Dali dali akong kumuha ng pera sa bulsa ko para bumili ng ramen sa vending machine ng maalala kong na kay Vicet ang pera ko.
Sa sobrang katamaran ay nakikilagay na lang ako ng ballpen, isang maliit na notebook at pera sa bag ni Vicet.
Sa sobrang naiinitan ako sa uniform namin ay hindi ko kayang magdala pa ng bag.
Maarte lang siguro ako at feeling ko nasu-suffocate ako pag may dala akong bag tapos suot pa ang nakakainis na coat.
Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Vicet.
"Yo! gutom na ako. Nasa canteen ako, bilisan mo gusto ko na ng ramen" pagkatapos nun ay ibinulsa ko na kaagad ang phone ko.
Nakarinig ako bigla ng ingay sa labas ng canteen kaya na curious ako kung ano yun. Lumabas ako para malaman ko kung bakit nagkakagulo ang mga tao dito.
Papalabas pa lang ako ng canteen ng mabangga ako ng isang babae na nag mamadaling lumabas. Ang dami nyang chocolate na dala.
Napakunot ang noo ko. Chocolate? Hindi kaya ikataba nya yun ng matindi?
Binuksan ko ang pinto ng canteen at tumambad sa akin ang nagkakagulong mga babae.
May pinagkukumpolan sila pero hindi na ako lumapit. Bumalik ulit ako sa canteen.
Mas matutuwa pa ako sa ramen kaysa sa nakita ko sa labas.
Nakakainis. Palagi na lang pag may festival parang ginigisa ang school sa ingay dahil sa dami ng kinikilig at nagtatapat ng pag sintang pororot nila.
Nakasimangot pa rin ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng canteen. Ang tagal naman ni Vicet gutom na 'ko.
Bumukas naman ang pinto ng canteen at nagpanic ako ng slight kasi inisip ko baka yung mga kakorny-han sa labas yung pumasok, buti na lang at sila Vicet lang pala.
Pero hindi magkaugaga ang tatlo sa mga dala nilang chocolate. Tch! kaya pala ang tagal nila.
Akala ko pa naman mas matured pag collage na. Tch! akala ko lang pala.
"Gusto ko ng ramen" nakasimangot na sabi ko nung lumapit si Vicet. Pumunta naman sya sa vending machine at bumili nun.
Pagkatapos ay ini-abot nya kaagad sa akin yung ramen. U-upo na sana ako sa isang table ng bumukas ulit ang pintuan ng canteen
BINABASA MO ANG
Exceptional
Teen Fiction(Book ll of Extraordinary) "Loving someone is not only fighting for the one you love, it's also giving them freedom and trusting them to comeback to you after all this time And if they do NEVER let them go ever again." Ichi Zaumi is a prudent and a...