Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.- Ichi Zaumi
-------------------------ICHI POV
6 MONTHS AGOIpinikit ko saglit ang mga mata ko. Mahapdi na ang mga yun dahil kanina pa ako nag babasa ng mga papeles na kinakailangan ng pirmahan ng Oyabun at sa panahon na 'to, ako yun.
Apat na taon na ang lumipas at nasa tamang edad na ang anak ni Loyd Lee pero hindi pa ito handang gampanan ang pwesto na dapat naman talaga sa kanya kaya ito ako ngayon.
Napa buntong hininga na lang ako. Nakakapagod ang tungkuling ipinasa sa akin ni Loyd Lee. Isang maling desisyon ko at buhay ang kabayaran sa pagkakamali na yun.
Bumukas ang pinto at pumasok si Dustine. May dala itong pagkain sa tray. This past four years ay tumangkad din ang kapatid ko. Nagka muscles na rin kaysa noon na patpatin ang pangangatawan. Ang pinaka malaking kaibahan kay Dustine ngayon ay ang paraan ng pag harap nya sa mga tao.
Wala na ang mahiyain at tahimik na Dustine. Hindi ko nga napansin ang pagbabago nya dahil sa bilis nun. Na bigla na lang ako ng minsang nakita ko sya na pinapagalitan ang isa sa mga tauhan namin.
Hindi ako maka paniwala na nagawa nyang takutin ang taong double ang laki sa kanya. Hindi ko tuloy maintindihan kung matutuwa ba ako o mag aalala para sa kanya.
"Hey big bro, dinalhan na kita ng pagkain dahil hindi ka pa daw kumakain simula kaninang tanghali hanggang ngayong gabi.
Siguro balak mong magka sakit para may dahilan kang "mag leave" at magliwaliw sa kung saan" sabi nya habang naka ngiti sakin at pasalampak na umupo sa harap ng table ko.
May opisina ako dito sa bahay ko at kanina pa ako dito dahil sa dami nga ng mga papeles na naka tambak.
Nginitian ko lang rin sya at itinuloy ang ginagawa ko. Kailangan ko na 'tong matapos kung gusto kong makatulog ng mahaba-haba ngayong gabi.
Naka limutan ko na ang pagkain sa table ko pati na ang presensya ng kapatid ko dahil nakatutok ang atensyon ko sa ginagawa ko kaya nagulat pa ako ng marining ko ang click ng camera.
Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Dustine na tatawa tawa pa habang naka tingin sa phone nya.
"Anong nakakatawa?" nagpipigil ng hikab kong tanong sa kanya.
"Nah! wala yun. nakakatuwa lang ang reaction ng fan base mo sa picture mo" natatawa nya pang sabi.
"Huh? anong picture?" nagtataka ko pang tanong sa kanya.
"Yung kinuha ko ngayon. Alam mo bang may nag pro-propose pa ng kasal sayo dito hahahaha!" parang baliw na tawa nya.
Huminga ulit ako ng malalim. Hindi lang kasi ang obligasyon sa clan namin ang ipinsa sa akin ni Loyd Lee kundi pati na ang mga legal na negosyo nila dito sa Japan.
Dahil doon ay nasama ako sa listahan ng mga eligible bachelors na mayayaman when in fact hindi naman talaga sakin 'to.
Pansamantala lang ang pag upo ko bilang CEO at Oyabun ng angkan namin. Pag kaya na ni Cydric pumalit sa pwesto ko ay uuwi na ako sa pinas.
"Tingnan mo 'to Kuya Ichi" naka ngiti pa rin na ipinakita sakin ni Dustine ang cellphone nya. Tumingin naman ako sa screen habang inaabot ng kamay ko ang sandwhich na dinala nya.
Alam kong hindi ako titigilan ni Dustine hanggat hindi ako kumakain.
"Ichi baby ang gwapo mo pag naka eyeglasses ka pakasalan mo na ako please!" matinis na boses pa ang ginamit ni Dustine habang binabasa ang mga comments sa picture ko.
BINABASA MO ANG
Exceptional
Teen Fiction(Book ll of Extraordinary) "Loving someone is not only fighting for the one you love, it's also giving them freedom and trusting them to comeback to you after all this time And if they do NEVER let them go ever again." Ichi Zaumi is a prudent and a...