Aeolian

18 0 1
                                    

Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.
-------------------------

ADEN POV

"But Gi- err Captain Vicet, how come nag iba ang boses mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko nakilala ang boses nya noon hindi lang dahil sobra ang alak sa katawan ko kundi dahil nag iba talaga ang timbre nun.

"Puberty hits??" confused na sagot nya sakin na nakangiwi pa.

Binato naman ulit ito ni Yell.

"Bakero!" sigaw pa dito ni Yell. Well common term yun dito sa Japan kaya mabilis ko lang naintindihan yun.

"Hey! Oo nga noh?! iba na ang timbre ng boses nya kumpara noong nasa high school pa tayo" sabi ni Cade.

"Well actually may aksidente na nangyari at medyo na apektohan ang voice box nya kaya ganyan sya ngayon" sabi naman ni Yell.

"Really?! what happened?" tanong ni Cade.

"Alam nyo naman siguro na sniper ang team namin di ba?" tanong ni Yell at sabay pa kaming tumango ni Cade.

Sa totoo lang ay hindi lang yun ang na laman namin. Nalaman din namin na army brats sila Yell at Vicet, na unlike sa amin ni Cade at nila Aina, mayaman nga ang pamilya nila pero hindi lang sa family business nanggaling ang yaman nila, mula din sila sa mga prominanteng pamilya na kilala at nererespeto sa military.

Lalo na ang parents ni Yell. Kulang ang salitang shock sa naramdaman namin ni Cade ng malaman namin kung sino ang parents nya at noong panahon na yun ay akala namin yun na yung pinakanakakashock na impormasyon na malalaman namin yun pala ay nagkakamali kami.

Mas na shock pa kami ng malaman namin na si Yell ay isa palang tenyente sa isang elite sniper team at si Vicet ay Kapitan niya at ang handler nila ay ang kanyang ina mismo.

Akala namin ay simpleng tao lang sya na may komplikado na ugali yun pala lahat sa kanya ay komplikado pero dahil doon ay mas naintindihan namin sya.
Kung bakit hindi namin sya makita ay dahil halos araw lang ang pagitan ng mga misyon nila.

Na kaya pala sya hindi pala aral noong high school ay dahil graduate na pala sya dahil sa pagkakaiba ng systema ng school na pinagmulan nya.

Na kaya pala ang hirap nya mahanap ay dahil sadyang binura ang identity nya dahil nasa special operations sya. Ang grupo nila Yell ang pinakabata na grupo sa special ops kaya sila din ang pinakasikat sa militar at pinaka iniidolo ng mga bagitong sundalo. Itinuturing din silang legends ng mga cadets dahil sa galing at husay nila.

" -sinakal sya ng alambre" yun na lang ang narinig ko na sabi ni Yell.

"Ano nga ulit yun?" hindi ko na pigilan na tanong ulit kay Yell.

"Lutang na naman tayo Aden ee" umiiling na sabi ni Yell sa akin.

"Okay, we were on a rescue mission in Alaska when that happened. While the rescue team was infiltrating the camp, there was a group of enemy scouts that spoted our team so while I was busy assisting the rescue team, Vicet here and two other of our team where fighting with them.

Sinakal sya ng alambre at na damage ang voice box nya kaya ganyan na sya parang palaging bagong gising" kwento ni Yell. Nakanganga naman kami ni Cade sa kanila habang inaasar pa ni Yell si Vicet.

That was a life threatening situation and they were treating it as a joke!

"How can you joke about it?" tanong ni Cade kina Yell.

Tumingin naman si Yell kay Cade na nakangiti pa.

"It's just an everyday event for us" kalmadong sagot nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ExceptionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon