Note:
The picture is not mine I got it from google or pinterest.~Vicet
----------------------------------VICET POV
3 DAYS AGOMataman kong tinititigan ang magiting kong tenyente habang tulog pa ito sa hospital bed na kinahihigaan nito.
Nag iisip ako ng magandang pang bara sa mga sasabihin nya pag gising nya dahil sigurado na isusumbat nya na naman na hindi ako nakinig sa kanya.
Hayyy . . .
Ang hirap talaga pag ang tenyente mo ay bestfriend mo rin.
I was in that state when I saw my bestfriend opened her eyes.
"You scared me" monotone ang boses na sabi ko sa kanya. Lumingon naman ito tsaka ako tinitigan. Kinabahan naman ako, matinde ang tama sa ulo nito kaya sabi nung doctor baka magkaroon ito ng temporary amnesia.
"THIS scared you" sabi nya rin sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag tsaka inis na tumingin dito.
"Hay ikaw talaga! Kinabahan ako doon ah! akala ko hindi mo ako nakilala" sumbat ko sa kanya. Nakita ko naman na umikot ang eyeballs nya dahil sa lapit ko sa kanya ay nakita ko ang puti ng eyeballs nya.
"Yang mukha mo, makikilala ko yan hanggang sa susunod ko na buhay" sagot nya naman. Napangiti naman ako. Hay, wala talaga. Malakas nga ang tama nito sa ulo.
"Anyway Captain Obvious, anong nangyari?" tanong nya sakin.
"Well Lieutenant Sarcasm, tatlong araw ka ng tulog kaya nag alala ako ok?" sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.
"Wha---t?!" shock na sigaw nya.
"Yup. The doctor said that aside from your injuries, your body was exhausted and needs rest" pag babalita ko sa kanya.
"Doctor?" nagugulohan na ulit nya sa sinabi ko tsaka tiningnan ang paligid nya tsaka tumingin ulit sakin.
"This is a VIP hospital room. Does my father kno--"
"Nope" putol ko sa litanya nya.
"Then how?" maikling tanong nya.
Bago pa ako naka sagot ay bumukas ang pinto at pumasok sila Dustine.
"Sila" maikling sagot ko rin sa kanya.
Nanlalaki naman ang mga mata nya habang naka tingin sa mga bagong dating. Lumapit naman kaagad si Dustine sa kanya at tinanong sya kung okay lang ba sya. Puro tango lang rin ang sagot nya sa tanong ni Dustine dahil ang atensyon nya ay nasa kasama ni Dustine.
"It's been so long. Kamusta?" tanong ni Ryleen sa kanya.
Tumitig pa muna sya kay Ryleen tsaka sumagot.
"Ito . . . maganda pa rin" seryoso nyang sagot. Na pangiwi ako sa narinig ko.
"Sabi ko naman sayo. Wag yan ang itanong mo dahil automatic na yan ang isasagot nya" pangangaral ko kay Ryleen.
"Little hater!!" narinig kong sabi ni Yell sa akin. Agad ko naman sya binigyan ng isang malaking ngiti.
"Mag iingat ka. Ako pa naman ang kasama mo sa bahay" banta nya sa akin. Napalunok naman ako ng laway.
"Joke lang yun Yell ano ka ba syempre maganda ka naman talaga" bawi ko sa sinabi ko pero inismiran lang ako. Napakamot na lang ako sa ulo.
"Wow. Such confidence" narinig kong komento ni Ryleen.
BINABASA MO ANG
Exceptional
Teen Fiction(Book ll of Extraordinary) "Loving someone is not only fighting for the one you love, it's also giving them freedom and trusting them to comeback to you after all this time And if they do NEVER let them go ever again." Ichi Zaumi is a prudent and a...