PROLOGUE

2 1 2
                                    

*****CASSIE POV*****

Hillside Academy. Isa sa mga prestihiyosong academy sa lugar namin. Kilala sya sa maganda nitong mga facilities, mga mababait at mga professional na mga guro, at ang main attraction nito na ang Angel Hill of Love. Kilala rin sya sa mga achievers at mga amazing na estudyante sa lahat ng larangan. Mapamusika man, intellectual, sayawan, sports at iba pa.

Pero kaming anim, magaling kami sa isang larangan na di kayang tumbasan ng lahat. Ang pagkakaibigan. Ang mga estudyante kasi dito, nagiging kaibigan lang kapag may kailangan. Kumbaga, pag may importante silang kailangan sa isang tao katulad ng pagiging partner sa competition, pagiging mentor sa isang quiz, at pagiging groupmates sa isang team building games. Pero kami, magkaibigan kami sa lahat ng oras. Iba't-iba man ang larangan na aming minamahal, iisa lang ang aming hangarin sa buhay. Yun ay maging matatag palagi at magtulungan sa lahat ng oras.

Ako si Cassandra Elisse Estrella. Pero tawagin nyo nalang ako sa pangalang Cassie. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Anak ako ng isang famous businessman sa bansa na si Wendell Estrella at ni Camila Mendoza-Estrella, isang beteranong photographer at nagsisimula palagi ng panibagong trend ng photo exhibits sa bansa. Magaling ako sa studies ko, at bibliophile ako. In short, mahilig ako magbasa ng libro. Lahat ng libro. Favorite subject ko ang Math at English, since gustong-gusto kong ginagamit ang isip ko sa pagsolve ng mga math problems at pagsasagot sa mga tanong na ibinibigay sa akin. I'm 16 years old na pala.

May kapatid akong babae. Sya si Venice Antonette Estrella. Pero Venice ang palayaw nya. Kung magaling ako sa studies ko, mas magaling pa sya kaysa sa akin. As in, she really is good at academics. Kaya nga palagi nalang akong kinukumpara kay Ate ni papa. Tsk who cares?

Anyways, she is a gymnast since her elementary days. Sya palagi ang representative ng school namin sa nationals pagdating sa gymnastics. Kung hindi sya pinapalad sa 1st place, 2nd place naman ang nakukuha nya. Kaya walang duda na napakagaling nya pagdating sa gymnastics.

1 year and 11 months ang agwat nya sa akin. Kasi May sya at April ako. Pero hindi sya nakapagsimula kaagad ng pag-aaral ahead of me kasi naging late bloomer sya dahil sa pagsasalita. Kaya minsan ay tinutukso ko sya dahil doon. At dahil din doon, nag-aaway kami na parang aso't-pusa. Ang saya diba?

Pero ito talaga ang pinakaneutral sa aming lahat. Ang kuya naming dalawa ni Ate Venice. Si Kuya Remo. O Remcell Owen Estrella sa tunay na buhay. Sya ang panganay sa aming lahat. At sya ang referee sa lahat ng bagay. Kung hindi nagkakaintindihan sina mommy at daddy, sya ang gumagawa ng paraan upang magkaayos sila. Kumbaga hindi lang sya referee ng aming pamilya, sya rin ang guidance counselor ng pamilya. Varsity player sya sa amin, at drummer sya sa drum and lyre namin dati. At drummer rin sya sa banda ng school namin. Pero ang kaibahan nya sa amin, hindi sya masyado matalino pagdating sa academics. Kaya naman disappointed si daddy sa kanya dahil sya daw dapat sana ang magmamana ng aming business. Pero bilang forever baby girl ng pamilya, ako ang palaging nagcocomfort kay kuya pag sinusumbatan sya. 2 years ang agwat nya sa amin, kaya isang taon nalang ay malapit na syang magtapos ng hayskul.

Meron kaming tatlong friends. Sina Larry, Oliver at Emerald. Unahin natin si Larry.

Si Larry o si Larry James Buenaventura, classmate namin sya nina Ate. Kung si Kuya ang drummer ng banda, sya naman ang vocalista. Kaya naman magkaibigan talaga sila ni Kuya pagdating sa lahat ng bagay. Kaya nga pareho din sila na mahina sa academics eh hihihi.

Si Kuya Oliver o si Niel Oliver Buenaventura, sya naman ang nakatatandang kapatid ni Larry. Classmate sila ni Kuya pero iba si Oliver sa kanya. Dahil si Oliver ang future architect at topnotcher sa klase nila. In short, napakatalino siya sa lahat ng bagay as in.

Anak sila ng isang famous architect na si Emelio Buenaventura at may-ari ng isang clothing line na si Jessica Buenaventura.

At balita ko daw, nililigawan nya si Ate Venice. Pero ewan ko kung anong masasabi ni Ate Venice tungkol dyan hihihi.

At ang SSG President ng school namin. Oo friend namin ang aming SSG President. Si Emerald Clarisse Millenstone o si Emerald. Sya lang ang nag-iisang friend namin na anak ng isang foreigner. Kumbaga half-American half-Filipino sya. OFW kasi dati sa America ang mama nya kaya doon na sya nakapag-asawa at nagkaroon ng anak. Classmate sya nina Kuya, kaya naman palagi syang natitipuhan ni Kuya. Pero alam ko naman na hindi talaga gusto ni Ate Emerald si Kuya eh. Di nya lang sinasabi hahaha. She is the dancer of our group. She is the SNSD Hyoyeon of our group.

Sa lahat ng tao na nakilala ko, sila talaga ang the last friends standing sa puso ko. And for that, we have our friendship named CLOVER 🍀. THE SIX-MEMBER LUCKIEST GROUP OF ALL.

FROM PAIN TO HAPPINESS WE GO! 🎉

PLEASE CATCH UP TO MY FOLLOWING STORIES:
📌 Suho and Jisoo Love Story BE MINE
📌 BOYFRIENDS NEXT DOOR
📌 SWAY (BTS Jin and Blackpink Jisoo)
📌 Kai and Jennie Love Story CAN WE LOVE AGAIN
📌 GIVE ME A SIGN
📌 IRIS (EXO Xiumin and Twice Mina)
📌 Chanyeol and Rose Love Story WE DO FIT TOGETHER
📌 Sehun and Lisa Love Story I'VE LOVED YOU
📌 BEAUTY AND MADNESS (BTS Jimin and Blackpink Rose)
📌 CATCH ME I'M FALLIN' (EXO Suho and Red Velvet Irene)
📌 THAT THING I CALLED FOREVER (EXO Baekhyun and SNSD Taeyeon)
📌 I LIKE YOU THE BEST (SHINee Minho and EXO Baekhyun)
📌 THOUGHTS OF BEING ME
📌 TEAM BELLISSIMA
📌 PRETTY BEAUTIFUL YOU
📌 PAST PERFECT PRESENT TENSE
📌 MAKE THAT HEART THROB (EXO D.O. and Twice Nayeon)
📌 HELLO, CLASSMATE 👋
📌 MY LAWFULLY UNWEDDED WIFE (fx Victoria and 2pm Nichkhun)
📌 THE REUNION

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

Hope that you will like it guys 😁
          - Hey I'm Charlie 🌈

CLOVER 🍀Where stories live. Discover now