8 years ago.
First day jitters doesn't feel the same for Jessica. Unang araw, unang kabanata ng kanyang buhay bilang estudyante. Maliban sa kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Jane na nasa ibang section ay wala nang nakakakilala sa kanya.
She felt excited about the thought of being a mystery. Her solitary attitude loves the set-up. No strings attached, no anything. Just her and her best friend.
Habang nagsusuklay ay napatitig si Jessica sa salamin, patuloy parin ang kamay sa paghagod ng suklay sa kanyang mahaba at alon-alon na buhok. Jett black kung tawagin. Natural at makapal. Ngunit bibihira ang matandang nagkakagusto sa buhok niya. Karamihan sa mga ito'y nagsusuhesiyong ipatuwid ang buhok at ipakulay; ipagupit o di kaya'y panipisan. Kung ang mommy niya'y madaling kausap ito ngunit matindi ang pagtanggi ni Jessica na huwag pakikialaman ang buhok niya. So far, Brazillian Treatment was the most she permitted when doing her crowning glory. Other than that is a no.
Iisa lang din naman ang balak niya sa buhok kundi ang ipusod ito. Pakiramdam niya'y sayang ang rebond kung babalik lang naman ang totoong anyo nito katagalan and she was just being conscious about her parents' expenses. Gaano ba siya nakasisiguro na palaging masusustentuhan ang maintenance ng rebond? Not that she's against with people who does it. Gusto niya lang limitahan ang sarili sa luho. Ang tanging luho lang sa kanya ay ang novelty items na may kinalaman sa Marvel.
Naiisip ni Jessica ang kahihinatnan kung sakaling lumagpas siya sa limitasyong nilaan para sa sarili at kung sakaling masangkot nanaman sa iba't ibang tao sa paligid.
She had enough of that back in Junior High School. No one would know but Jane that she was a victim of verbal bullying.
Isang malalim at mahabang buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Ang mga balikat ay pawang binagsakan ng ilang sako ng buhangin.
Excited siya, yes pero hindi niya mapigilang hindi maconscious sa sariling katangian.
Nilinga niya ang Ipad at sinipat ang oras. 12:30 na! Hindi magkamayaw na isinalang niya ang kanyang palda sa ibabaw ng mini table at pinasadahan ng plantsa ang tela.
"Sh*t!" inilayo niya agad ang plantsa nung makitang nalukot ang tela. Nasunog ito! Agad niyang inangat ito at sinipat. Maliit lang naman ngunit nadismaya parin siya sa nagawang pagkakamali.
So much for first day jitters!
Dahil sa ibabang binti naman ang maliit na sunog ay minabuti nalang ni Jessica na kalimutan ang pangyayari. Ibinalik niya ito sa table at hinagod muli ng plantsa. This time, hininaan niya ito. Dahil sa kaba'y natagalan siya ng kaunti sa pagplantsa ngunit ayos lang dahil hindi na naulit ang sunog.
MATAPOS ang preparasyon ay lumabas si Jessica sa kanyang kwarto. Naroon na si Jane sa dining table at hinihintay siya kasama ang landlady na si Tita Laura; na siyang ina rin ni Jane.
Ang dormitoryong kanyang tinutuluyan ay pag-aari ng magulang ni Jane. Katabi lamang ito ng Santa Rebecca High kung saan sila kasalukuyang naka-enroll at kung hindi lang dahil kay Jane ay hindi naman talaga papayag ang kanyang ina na mag-dorm siya. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay naging magkaibigan narin ang kanilang mga ina at habang abala ang kanyang mga magulang sa negosyo ng pamilya'y ang kanyang tita Laura ay tinuring na niyang pangalawang ina.
Gayunman, hindi naman talaga siya masasabing nag-iisa sa dormitoryo maliban kay Jane. Kasama niya rin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Grant. Nasa men's dormitory naman ito sa kalapit na building at pumapasok na kolehiyo upang magpakadalubhasa bilang Mechanical Engineering sa Santa Rebecca Institute. Paminsan-minsa'y nagkikita sila nito lalo kung sabay na uuwi sa Candelaria - ang katabing bayan ng malawak na Santa Rebecca.
YOU ARE READING
Destiny 1: Rafael
Romance"I'll remember to love, you taught me how.", 'yan ang linyang tumatak sa isip ni Jessica noong mabasa niya ang ang lyrics ng kantang "First Love" ni Utada Hikaru. Walong taon na ang nakalilipas noong makagraduate si Jessica ng Senior High School at...