LIHIM NA NANLAKI ang mata ni Jessica sa narinig.
"Luci?" sambit niya; hindi napansing nakuha ang atensyon ng guro at ni Rafael na lumingon bago pa makabalik sa kinauupuan nito.
"Yes, Ms. Lacsamana, right?", untag ng guro.
"Ha?" lalong nanlaki ang mata ni Jessica sa pagkapahiya nang ma-realize ang nangyayari.
Napalakas ang boses niya!
"You were calling me?", kasinglamig ng yelo ang boses nito. Ang malalim na boses nitong nagpakabang lalo sa kanya. At ang lalaki'y ingglisero! Hindi ba at mukha namang amerikano ito sa kaputian?
"Ha? Ah, ano...ikaw pala si Luci...", Napilitang tumingin si Jessica dito upang sabihin ang gusto. "Ano kasi...nabangga ko ang likod mo kanina gusto ko sanang mag-thank you." Pakiramdam niya'y kakainin siya ng lupa anumang oras; na sana nga'y mangyari dahil ramdam niya ang titig ng mga kaklase sa eksenang naganap.
"Oh, it's fine. Ang haba kasi ng palda mo kaya ka siguro nabuwal." Walang ka-abog abog na sambit nito at bumalik sa upuan. Napanganga si Jessica.
"Did he just insulted me?!"
Ngunit ang nagngingitngit na si Jessica'y sorry na lamang ang nasambit at lumingon sa harap.
Samantala'y lihim na nangiti si Rafael sa reaksyon nito. Gusto niya lang naman itong asarin, makita ang iba pang reaksyon sa mukha nitong napaka-inosente ng itsura.
Walang bahid ng anumang kolorete. Ang baby hairs ay parang wild flowers na nakasabog sa anumang paraan. Maliit na babae at may kaputlaan din. Hindi akma sa itsura nito ang edad na 17. Mas mukha pa siyang matanda sa edad niyang 16 at height na 5'8. Gayunman, hindi niya type ito. Maganda man ang hubog ng pwetan ay hanggang doon lang. Gusto niya ang mga katulad ni Morticia Addams ng 1964 at 1991 versions.
MATAPOS ang pagtuturo ng guro ay break time na nila. Nagsimulang magkumpulan ang mga grupong nauna nang magkakilala dahil sa orientation na naganap na hindi naman inabalang daluhan ni Jessica isang linggo bago ang pasukan.
"Ang gwapo talaga ni Luci." nakangiting sabi ni Paula na kulang nalang ay magkaroon ng puso sa mata. Ito ang katabi niya na mula pa kanina'y walang ibang bukambibig kun'di ang 'gwapong' si Rafael.
Nalaman niya ditong isang linggo bago ang pasukan ay nagkaroon ng house party sa bahay ni Shaina, ang babaeng katabi nito na kaklase din nila, kung kaya't nakabuo na agad ng grupo ang mga ito.
"Though kasama ako sa party na 'yon, hindi din naman kasi ako mahilig sa barka-barkada na 'yan, Jess." bulong nito sa kanya habang nasa gitna ng klase. Ang nickname na Jess ay dahil daw ang haba ng pangalan niya at ito naman daw ay tawagin niyang Pau. Napakadaldal nito at sa totoo lang ay kinakabahan siyang mapagalitan sa unang araw ng klase dahil sa harap pa sila nakaupong dalawa.
Ang katabi naman nitong lalaki ay si Derrick. Isa ring napakakulit at pilyong lalaki. Sa loob lang ng ilang oras ay dalawang beses na siya nitong kinausap na walang katuturan. Bigla-bigla'y mag-uungkat ng usapan na wala namang ibig-sabihin.
"Jessica, nakatira ako sa Maynila pero paborito ko color red." Ani nito habang ang mukha'y iisipin mong nakikinig sa guro.
"Ikaw ba, Jess, anong masasabi mo sa kanya?" untag ni Paula habang naghahanda ng baon niyang lunch box. Si Derrick na katabi nito ay katabi naman ni Pietro na may sariling kwentuhan.
Napamaang naman si Jessica sa tanong ni Paula. Ano nga bang masasabi niya? Crush niya rin ba ito? totoo namang napakagandang lalaki nito at kung ikukumpara sa iba'y iisipin mong napakalayo ng lamang ni Rafael sa ibang lalaking kaedad nila. Matured pumustura at akala mo'y business man sa pananamit gayung school uniform din naman ang suot nito. Ang buhok ay naka-istilo na maiksing pompadour at pagdaan nito kanina'y inatake ang kanyang ilong ng mabango nitong pabango.
"Gwapo, yes pero hindi ako interesado." Pakiramdam niya'y nagsinungaling siya pero ayaw niyang mapatulad kay Paula na mukhang gagawin ang lahat para sa lalaki. Kung utusan siguro ito ni Rafael na ipamigay ang lunch ay tiyak na gagawin. Ayaw niya na maki-agaw kung ganunman.
"Nah, of course gwapo. Daig niya yung mga kaklase natin na mukhang mga mommy's boy pa kung umasta!" again, nangingislap ang mata nito.
Lihim nalang na napailing si Jessica.
"Derrick, ano sama ba kayo sa party kila Shaina uli?" Narinig ni Jessica na tanong ni Paula dito. Sumagot naman si Derrick habang patuloy sa ginagawa.
"May party?" singit ni Jessica.
Tumango si Paula. "Kila Shai uli. Same people pero pwede ka naman sumama!" Excited nitong sabi. Natutuwa siya sa kagustuhan ni Paula na kasama siya kahit kakakilala lamang niya dito. Mukha naman tong mabait at palakaibigan. Wala din naman kaso sa kanya kung kakain siya mag-isa ngunit sinamahan siya nito kaysa sa grupo ni Rafael.
Tumingin si Jessica kay Derrick at Pietro. "Sasama kayo?" tanong niya. Ang dalawa'y nagkatinginan at tumango. "Oo. Sama ka, ayos lang. Pakilala ka namin sa tropa." Nabigla naman si Jessica sa paanyaya ng dalawa. Sinong tropa? Mukhang ang dalawang ito lang naman ang nag-uusap mula kanina.
"Kila Luci. Magtotropa kami hindi lang kami sumama ngayon dahil gusto namin maglaro. Demanding kasi yung mga babae na wag maglalaro kapag magkakasama." Si Pietro na mukhang nabasa ang iniisip niya. Mabait ito at tahimik ngunit sumasakay sa kalokohan ni Derrick. Nalaman niya kaninang 18 na ito at nahuli lang ng pag-aaral. Si Derrick naman ay 16.
"Iba kasi kami, gusto namin naglalaro." ani ni Derrick.
"'Yan si Luci 'di rin mahilig uminom yan." dagdag pa nito sabay nguso sa grupo nila Luci na nagkakantiyawan. Sinundan ito ng tingin ni Jessica. Halo ito ng lalaki at babae. Katabi nito ay isang mahabang buhok na babae na nakasandal sa balikat nito.
"Ah...pag-isipan ko muna. Baka hindi rin kasi ako payagan" Wala sa loob na sagot niya habang ang mata'y blankong nakatingin sa likuran ni Rafael at ng katabi nitong babae na inabutan nito ng mp3 player.
"Sumama ka na! Sunduin ka nalang namin para ipagpaalam." Pilit ni Paula. Ngumuso pa ito para magpaawa.
"Oo nga, tayo tayo lang naman magkakaklase." sabi ni Derrick.
"...saka si ma'am." napatingin sila dito sa gulat. Blanko ang mukha nanaman nito.
"Hay nako, Derrick!" hampas ni Paula sa balikat nito dahilan upang matawa nang tuluyan. Si Pietro ay iiling iling lang. Hindi naman alam ng professors ang kanilang ginagawa dahil tiyak na pagagalitan ng mga magulang. They were young as a mule!
Napabuntong hininga si Jessica. Siguro naman ay hindi siya pagagalitan. Hindi naman siya iinom, gusto niya lang subukan sumama. Hindi man niya gusto mapalapit sa mga kaklase ay natutukso siyang pagbigyan ang alok ng mga ito. What's wrong with starting fresh? Baka ito na ang maging daan sa better school life niya. Mabuti nga at niyayaya pa siya kaysa iwasan.
What she doesn't know is that this will bring a new path to her quiet life.
Napabuntong hininga si Jessica.
"Sige na nga. Ipagpaalam niyo ako, ha?"
YOU ARE READING
Destiny 1: Rafael
Romance"I'll remember to love, you taught me how.", 'yan ang linyang tumatak sa isip ni Jessica noong mabasa niya ang ang lyrics ng kantang "First Love" ni Utada Hikaru. Walong taon na ang nakalilipas noong makagraduate si Jessica ng Senior High School at...