Prologue

6 1 0
                                    

6 years ago.

Matamang naghihintay si Jessica ng pagbukas ng tren matapos itong huminto sa istasyon ng Santa Rebecca. Pasado alas-nuwebe ng gabi'y wala na gaanong tao kung kaya't hindi siya nahirapang makipag-unahan sa pagsilid ng card sa turnstile. Ito narin ang huling byahe sa araw na 'yon. 

Mula pa sa maynila'y masugid na binabaybay ni Jessica ang ilang minutong sakay ng tren pauwi sa kanyang dormitoryo. Sa kadahilanang mas mahal sa maynila ay ninais niyang manatili sa bayan ng Santa Rebecca na kalapit ng Cubao at ang presyo'y hindi naglalaro sa apat hanggang anim na libo ang isang silid. Ipinagbili na ng mag-asawang Forteza nang magkasakit ang ama ni Jane ang dating dormitoryong inuupahan nila kung kaya't lumipat siya sa iba. Isa pa'y nasa ibang bansa na si Jane upang ituloy ang arkitekto at ang kapatid naman niya ay nasa Cebu dahil doon ito nadestino bilang isang inhinyero. Bagama't kalapit bayan lang ng Santa Rebecca ang Candelaria'y hindi na abot ang byahe ng tren dito kung kaya't pinili niyang sa Santa Rebecca maglagi. Ang byahe mula Santa Rebecca'y maaaring abutin ng isang oras lalo kung traffic. 

Maliit mang dalaga si Jessica sa sukat na 5'2 ay hindi siya takot bumyahe mag-isa. Isa pa'y sanay siyang nag-iisa. She loved the night's solace. Tahimik. Ang tanging ingay na nagmumula sa paligid ay pawang background sa kanyang tahimik na mundo. 

Paglabas ni Jessica  sa station ay isang mabining boses ang nagpahinto sa kanya. Pag-angat ng paningin mula sa lupa'y isang pares ng matiim at pamilyar na mata ang sumalubong. 

The eyes she has known in a million years! 

Iisa lamang ang nagmamay-ari n'on. Iisang tao lamang ang may mga matang kasing lalim ng gabi. Ang tanging nagdudulot sa kanya ng iba't ibang emosyon. 

Rafael. Jessica's first and greatest love.

Hindi makaapuhap si Jessica ng sasabihin. Natural na ang kanyang pagiging tahimik ngunit ang hindi mawawalan ng sasabihin. Hindi alam kung saan lilingon kung kaya't agad bumaba ang kanyang mata sa brasong nakalingkis sa braso nito. Isa ring pamilyar na personalidad taon na ang lumipas. Nakaramdam siya ng pamilyar na kirot sa dibdib. 

Sila parin pala

"Jessica?" Manghang ulit ng matangkad na babae. Maganda parin ito. Slim and yet so alluring. Ang maliit nitong dibdib ay bagay dito. Parang modelo. Maikli parin ang buhok at ang makapal na make-up ay lalo lamang nagpatingkad sa katangian ng mukha. Ang dalawa'y parehong nakasuot ng leather jacket. Para silang modelong loveteam kung susuriin. Rugged ang porma at malakas ang dating. 

 Agad namang kumislap ang mata ng lalaking katabi nito. Tila ba siya'y kinilala dahil talaga namang nagbago na ang itsura ng tahimik na si Jessica. 

Her three-block boy cut will make a man blink twice before recognizing the girl. From her waist long untamed waves to a very short hair. Isama mo pa ang oversized polo shirt na para bang sinadyang ibagay upang magmukhang lalaki. She looked as though a twin brother of the girl he knew since time immemorial. 

Nung nakaapuhap ng sasabihi'y ngumiti si Rafael. "Uy! Ikaw nga. Dis-oras na ng gabi, ha?" Nagkalambong ang mata niya. 

He never changed. Bilang lang sa daliri niya ang mga pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. 

"Pauwi palang ako." tipid niyang sagot. 

"Tagal narin nating hindi nagkita." she nodded in agreement. Her lips in a tight smile and avert her gaze to the woman next to him. Napansin naman agad ito ni Rafael.

"Si Lovi, kilala mo diba?" agapay nito. She gave her a warm smile and Lovi returned it sweetly. Kasabay niyon ay ang paghilig nito sa balikat ng binata. 

Kung hindi niya miminsang pinangarap maging artista'y hindi siguro siya sasali ng workshops. Ito nga ba't gamit na gamit na niya ngayon ang pinag-aralan. Bigla'y palihim siyang nagpasalamat dahil sa mga oras na iyon ay pinapatay na siya sa selos. 

She must hold onto her dear pride not to show it. Alam niya ang score and it will always be her on the last place. Wala siyang karapatan. Kahit pa pagiging kaibiga'y malayo na sa isip niya dahil hindi naman sila gaanong malapit ni Rafael sa isa't isa. There were exchange of kindness and banter but other than that, wala na. 

Naisip niyang tapusin na ang torture sa mga oras na ito dahil mukhang walang balak si Lovi tumigil sa paglingkis sa binata. Damn, she would kill for a sneer! Kung hindi lang sa pride ay tinaray tarayan niya na ito. Kanino pa ba siya magmamana kung hindi sa maldita niyang ina? 

"Paano, dito na ako anong oras narin, eh." again, she smiled; diverting her eyes somewhere but before anything, it landed on Rafael's light brown ones. Sino pa kaya ang nakapansin na napakaganda ng mata nito? His eyes were a set of light brown and even at night, she knew. She just couldn't forget. Kung may lahi itong iba o mula sa maharlika'y hindi siya magugulat. She will always dream of those eyes staring at her the same way she does to his. 

May kung anong emosyong nahagip mula sa mata ni Rafael. 

Was it longing? or my desperate imagination? 

Agad din itong nawala at nahalinhan ng blankong emosyon. 

He reached for her free hand and held it tightly; na hindi rin alam ni Rafael kung bakit niya nagawa. He missed her just as his friends. He feels like there's a lot of things need to be said and things he need to say sorry to. He wanted to sit with her in a long night. Curious and guilty as he was just, again, an absent friend that he was but things have changed. Lovi is pregnant and as a father and responsible boyfriend, he will always choose to be beside her masaktan man ang iba. Hindi niya alam kung nalimot niyang sabihin na balak niyang pakasalan si Lovi kahit sa mura nilang edad o di kaya'y buntis ito pero kahit man maalala niya'y sa hindi malamang dahilan ay ayaw niyang sabihin dito. He doesn't want her to look at him with dismay if ever she must be expecting him to be better than a young adult who can't control his raging hormones or maybe it was because it's Jessica. His sweet Jessica. Ang pagkislot ng daliri nito sa palad niya ang nagpabalik sa katinuan ni Rafael. Agad niyang binitawan ito at walang sabi-sabing inakay si Lovi paalis. 

He must go or else, he might want more...and there is no more for him.

Hindi na nakapag-react si Jessica sa kabiglaan. Agad itong binitiwan ni Rafael at sa isang iglap ay wala na ang dalawa sa kanyang harapan. Ilang segundo pa'y naiwang nakatayo parin siya sa kung saan nila siya iniwan. Hindi niya alam ang iisipin. Kung bakit ay gano'n na lamang ang reaksyon ng kanyang katawan sa simpleng pagdaop ng kanilang kamay. Hindi iilang beses na pinaglalaruan ni Rafael ang kanyang damdamin na para bang alam nito ang totoo. He will flirt with her all day and still end up dating the other girls. 

Napatiim-bagang si Jessica. Umiinit ang kanyang mga mata at sa kanyang pagyuko upang i-compose ang sarili'y tuluyang bumagsak ang nagbabadyang mga luha. 

Agad niyang pinahid ng palad ang bumukal na luha sa kanyang pisngi at dali-daling inilakad ang paa patungo sa kanyang inuuwian habang kipkip ang tela ng kanyang damit. 

Hindi na siya natapos. Matagal nang tapos ang lahat ngunit hindi na siya nakausad. Pabalik balik siya na parang ang mga pangyayari'y kahapon lang nasaksihan...

Destiny 1: RafaelWhere stories live. Discover now