Mabilis kong inayos ang mga panglinis na ginamit namin ni Won dahil nakakainis naman si Kuya! Sabi ko hintayin ako unti kasi cleaners kami ni Won ngayon.
Bansot bilisan niyo iiwan ko kayo ni pusa kapag wala pa kayo dito. Inis kong nireplyan si Kuya Theo. Kahit kailan talaga isusumbong ko to kay Mommy! Kala niya siguro eh!
Sabagay ganun siguro kapag graduating na ng highschool si Kuya Theo. Gurang na eh pero isusumbong ko parin siya!
" Won! Tara na! Iiwan na tayo ni Kuya Theo!"
" Saglit lika dito! Lika!" Kunot noo akong lumapit kay Won. Nakadungaw kasi siya sa bintana kaya ginaya ko nalang din siya dahil curious din ako kung ano ang tinitignan niya dun dahil kanina pa siya sumisilip sa bintana.
Sumilip din ako doon pero agad ding nanlaki ang mata ko sa nakita. May binubully kasi sa baba since nasa second floor kami ni Won.
" Sumbong na ba natin? Kawawa naman siya." Bulong ni Won saakin. Tinignan ko ang mga apat na lalaking binubully ang isa pang lalaki. Mga grade 6 laban sa grade 5? Paano ko nasabi? dahil sa Kulay ng Id lace niya. Siguro dahil sa dami dami din ng section ay hindi ko kilala ito.
Section B kasi kami ni Won kaya siguro ay ibang section siya pero grade 5 laban sa grade 6 plus nag iisa lang siya eh yung Grade 6? Apat sila.
Inis kong kinuha ang balde na may tubig. Ginamit namin to sa pagpunas ng bintana kaya madumi na din to. " Liam! Anong ginagawa mo?" Bulong ni Won.
" Grade 6 laban sa grade 5? tsaka mag isa niya lang!"
" So bubuhusan mo?"
" Oo!"
" Anong grade nasa first floor natin?"tanong ni won saakin.
" Grade 6 section E" Sagot ko. Ngumisi si Won at agad ding kinuha ang basura na naipon namin sa paglilinis. Nanlaki ang mga mata ko pero agad din akong napahagikgik sa pinaplano ni Won.
" Ibuhos mo muna yang tubig tapos isunod mo to. Look out mo ako." Kumindat pa si Won at binaba ang basurahan sa tapat ko bago naglakad papuntang pintuan para bantayan kung may mga teachers bang pupunta dito.
Sa likod pa kasi namin niyo bubulihin ang classmate namin ah! Although hindi ko siya kilala okeyy! Wala pa namang suntukan pero kasi parang magkakaroon na eh. Binuksan ko ng husto ang bintana at tinantya ko pa talaga na sakanila ko maibubuhos ang tubig at nagtagumpay nga ako.
Rinig ko ang mura nila at hiyaw dahil dun saka ko binuhat ang basurahan at tinapon sakanila dahilan para mas lalo kong marinig ang galit nilang boses at dahil tapos na din kami ni Won maglinis agad kong sinara ang bintana at dumungaw sa baba.
Kitang kita ko kung paano nila tanggalin ang mga duming dumikit sakanila at rinig ko parin pagmumura nila. Napatingin din ako sa Grade 5 sa harap ng apat na lalaki. Kinindatan ko muna siya bago ko binaba ang kurtina nagsitakbo nadin ang apat ng marealize nilang nanggaling sa second floor yun.
Agad din naming nilock ni Won ang pintuan saka kami tumakbo palabas ng gate. Nakabunggo pa si Won agad din siyang nagsorry bago ulit kami tumakbo. Nakita namin agad si Kuya Theo kaya agad kaming napabuntong hininga atleast kapag meron si Kuya Theo ay wala na kaming kakatakutan.
And We save a boy today no! Good student lang talaga kami laya namin tinulungan.
" Kuya!!!" Sigaw ko kaya napatingin si Kuya Theo saamin at kunot noo pa siya.
" Tagal niyo. Muntik ko na kayong iwan. Sakay na." Nagtinginan kami ni Won bago humagikgik.
" Kuya! May nabully po dun sa likod ng building namin." Pagsumbong ko habang pumapasok sa sasakyan ni Kuya Theo. Tumingin siya sa saamin ni Won bago umiling.
" Anong ginawa niyo? Sinumbong niyo ba?" Tumawa si Won at nag apir pa kami bago namin sagutin si Kuya Theo.
" Syempre hindi! Binuhusan po namin ng tubig tapos basura! Ako po yung look out!" Masiglang saad ni Won habang natatawa pa kaming pareho. Nakita ko pagngisi ni Kuya Theo.
" That's my little brothers! Mana kayo talaga saakin! Ganyan din ginawa ko noon sa mga bully nung elementary eh pero hindi basura tinapon ko sakanila." Tumawa siya ng mahina bago paandarin ang sasakyan.
" Ano po binato niyo?" Takang tanong namin ni Won.
" Libro. Binato ko sila tig iisang libro para naman maging matalino sila. Bobo na nga masama pa ugali." Pagtawa ni Kuya Theo. Ngumuso ako bago ko tinitigan ang Kuya ko.
Hindi ko talaga maimagine na sobrang sama din ng ugali ni Kuya noon sa mga bully eh! Pero atleast nakatulong siya diba.
" Hindi na po ba sila nangbully nung binato niyo ng libro?" Tanong ko mas lalong ngumisi si Kuya Theo dahil dun.
" Syempre paano sila makakabullg kung nasa Ospital na sila?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya.
" Kuya!?" Tumawa siya ng malakas. " Tottoo yun mga bunso. Tanungin niyo pa Kuya Kyle at Kuya Alex niyo."
" Kuya ang bad mo" Pagnguso ni Won. Natawa si Kuya Theo bago niya binato saakin ang bag niyang nasa hita niya.
" May chocolate jan. Kainin niyo bago ko kayo maiuwi. " Natatawang saad niya kaya agad kong hinalungkat ang bag niya at may dalawang chocolate bars nga doon. Binigay ko kay Won ang walang nuts kasi allergy siya doon.
Ilang minuto lang din ag nakauwi na kami. Ako muna iniuwi ni Kuya bago niya hinatid si Won sakanila. Mas malapit kasi bahay namin kesa sakaniya.
3rd pov
" You, Okay?" Tanong nito sa kaibigan. Habang pinapanood kung paano nito pagpagan ang damit niya dahil tinulak ba naman siya ng apat na grade 6 kanina.
" I'm good. Kilala mo kung sino cleaners ng 5 B ngayon?"
" Ah. Sina Won at Liam. Sila nakatoka sa paglilinis ngayon ng classroom nila. Mukhang mga nagmamadali nga eh. Nakabanggaan ako ni Won di man lang ako tinignan." Sagot nito sa kaibigan.
" Ganun?"
" Yeah bakit?"
" Wala." Tinignan niya muna ang kaibigan bago nito akbayan. " Okay. Tara na hinihintay na tayo sa labas ng gate."
Hinila nito ang kaibigan at tuluyan na silang lumabas ng school. He even look back sa 5 B classroom at inalala ang mukhang tumulong sakaniya. He smiles bago sumunod sa kaibigan palabas ng school.
Today is wednesday and third week of the month. Should I send him a gifts? He's really interesting.
BINABASA MO ANG
SAY YOU LOVE ME [ completed ]
RomanceStarts: 06/05/23 ends: 06/17/23 Enhypen au HEESUN AU written in Taglish