2, to when you're anxious about...

15 2 0
                                    


~part two~

May errands na mangyayari sa aming mga second year, ang tibay ko nga, nakatagal ako sa field at kasalukuyang nangangalahati na sa college life, kaya wala na akong choice kung hindi ang ipagpatuloy na to.

So far, life between me and death is fine. I told you. My life is a huge burden in my family, but there is no option, I, the optional.

Alas syete imedya ng hapon, narito ako sa maliit na cafe kung saan hinihintay ko ang mga ka-groupmates ko mag review for quizzes, the ambiance here isn't that bad, slow and relaxing piano hums, tamang tama pa sa pwesto ko rito malapit sa bintana. Nagtitipa ako ng inonotes nang madako ang atensyon ko sa naka open na account ko sa facebook sa phone, nakalapag ito sa gilid at naka-charge.

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Jace sa akin nitong nakaraang araw, the last time I met him, there was something in him I couldn't understand, siya lang mag-isa at naka-civilian, nagmamadali siya na lumapit sa akin sa labas ng school pero bago pa niya ko makausap ay may tumawag kaya sinagot niya iyon, and then he just said na mukhang hindi muna makakatugtog ang banda ng isa o baka dalawang buwan, may emergency na haharapin daw, noong tinanong ko naman ay sabi niya baka aasikasuhin ng ilan ang family problems, especially ang kay Zed. Emphasizing his name.

What's with them? Bakit ayaw nilang sabihin sa akin, baka may maitulong ako. Pero kahit na itanong ko at sabihin na baka matulungan ko sila ay mabilis siyang umiwas, ngayon kahit nakikita niya ako sa club, ngumingiti na lamang rin siya, but never approach or talk to me instead, but what most bothering me at night is that one person, bihira ko na lang rin makita kahit makausap kahit sa text.

Nasaan na ba ang topak na 'yon?

Araw ng linggo, sa tabi ng simbahan pagtapos ng misa ay nakaharap ako agad sa phone ko at naghihintay ng himala sa kapatid ko-Matt- na mag textback.

Nag-chat na ako sa kapatid ko na sunduin ako at nang ma-send na iyon ay pinatay ko ang cellphone ko. Nakaupo ako sa bench at nakatitig sa sapatos ko, ginagalaw ko iyon nang may umupo sa tabi ko. Matandang babae na maraming burloloy sa katawan, nakaatras ako saglit nang lingunin ko ito ay masaya akong hinaharap.

"Kay gandang bata, maari ko bang basahin ang palad mo?" Kataka-taka mang bigla akong tinanong noon ay hinayaan ko na lang. Clairvoyants, eh.

Marahan niya itong pinisil at pumikit, napatitig siya sunod sa buong mukha ko at buong katawan, gosh, its awkward...

She sighed, base sa buntong hininga, pagod niya iyong nilabas. "Pagtitiwala, huwag kang masyadong magtiwala, kapalit nitoy kaakibat na pagkawala..."

"Hi!" Nagulat ako sa babaeng maulay ang mukha na lumitaw sa balikat ng matanda, binati niya ako, pero naputol na ang sinabi ng matanda nang bulungan siya ng babae para sumunod ito sa kaniya.

"Sige, mauna na kami!" Masigla itong nag wave hands sa akin, pero wait, is that... Joyce? Bakit nandito siya? Bakit niya kaya inaya yong matanda?

Nakatayo na ako at pinagmasdan silang umalis, that girl... siya 'yong kasama ni topak lagi. Feeling close naman, at bakit hindi sila magkasama ngayon? Ang alam ko pa engage na sila.

May fiance na pala, ang harot harot pa.

Naglakad na ako palabas ng gate ng simbahan, hindi pa ako nakakalabas nang makita ko ang isang pigura ng tao na nakasandal malapit sa sakayan ng tricycle at malalim ang iniisip, nakatitig to sa lapag, naka-attire at mukhang may pupuntahan ito. Nasa kabilang kanto siya kaya hindi niya ko makikita, bahala siya dyan. Baka babae lang hinihintay niya. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy maglakad.

 The Musician's DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon