The Admirer.Amira P.O.V
“Did you know what happen to grandma?” Bungad na tanong ko kay kuya habang kakapasok palang sa opisina niya.
“Yeah I know, and why?” Balik niyang tanong sakin habang hindi man lang tinapunan ng tingin, dahil nakatuon ang tingin nito sa ginagawa niya sa laptop.
“I want to visit her, kahit man lang sa huling sandali niya.” Sabi ko at naupo sa couch na nasa center aisle ng office ni kuya.
Dahil sa sinabi kong 'yun ay napatingin sa direksyon ko si kuya Luhan ng may pagtataka sa mukha.
“What?” Iritable kong tanong sa kaniya. Tinanggal niya ang suot na eyeglass at muling nagsalita.
“I thought, you don't want to come back in that country?” Sabi niya at tumigil sa ginagawa, at di nakatakas sakin ang pag-igting ng kaniyang panga.
Kilala ko ang kuya ko, kapag ginagawa niya yun ay siguradong galit at naiirita siya sa kausap niya. And obviously, irita nga siya sakin. Ako lang naman ang tagasira ng mood niya, slash makulit na sister, slash maldita, at slash warfreak. Pero kapag alam kong seryoso talaga siya ay mas nakakatakot itong magalit kaya natatakot ako. Kahit pa hindi niya ako magawang saktan dahil ako lang naman ang nakakabata niyang kapatid ay talagang nakakatakot siya.
“Uuwe ako roon para kay lola, para maka-visit sa burol niya. Hindi para sa ama mo.” Pagsusungit ko.
“At ama mo rin. Pwede ba, 'wag mong pairalin ngayon ang kamalditahan mo.” Irita parin ang matigas niyang boses, bago tumabi sa'akin sa kina-uupuan ko.
“So, pano ang trabaho mo dito?” Tanong niya habang nakatingin sa'akin. Mataray ko siyang tiningnan, at pansin ko pa ang pagod niyang mukha ngunit hindi nawawala ang kagwapohang taglay ng kuya.
Nakaka-akit ang hooded tortilla brown eyes niya, his sharp nose and he has a kissable thin lips. Ang mga tingin niya na nakakatunaw, his athletic muscular body and even his 6'1 height ay nakakatindig balahibo, dumagdag pa sa kagwapohan niya ang kaniyang black hockey hair. Yung tipong susundan talaga siya ng tingin ng mga babaeng nakapaligid sa kaniya at for sure ay katitilian ng lahat. Ganon siya kagwapo.
At kung gano siya kagwapo ay ganon narin ang pinagtataka ko dahil wala man lang akong nakikita o nalalamang may dini-date siya. Ayukong isipin na bakla si kuya, I mean I'm not homophobic but I literally can't even think na magiging bakla siya sa ganoon niyang itsura.
“Well, I'll take a one week leave. Wag kana mag-alala sakin, kaya ko ang sarili ko.” Nakatinging sabi ko sa kaniya habang matamis na nakangiti. Tatayo na sana ako ng muli siyang mag-salita.
“Ok then, as you said...and before I forgot. Magkita man kayo ni dad, try to talk to him.” Seryosong sabi niya.
“And why would I do that?” Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Bwesit! Bakit niya pa binanggit 'yon, eh alam niya naman na ayaw na ayaw kong marinig ang ano mang tungkol sa lalaking 'yon.
“Hanggang ngayon ba naman Amira, di ka parin nakaka-move on? Its been five years already. Gusto kong magka-ayos na kayong dalawa. He's your father.” Sabi niya parin sa seryosong boses, at sa ngayon ay meron na itong matalim na tingin sakin, kaya nagsimula na akong matakot sa kaniya.
“You can't blame me kuya...” ang kaninang maldita kong awra ay napalitan, at ngayon ay halos maiyak na ako. He's really a beast kapag nagagalit siya, nakakatakot.
“...kasalanan niya kung bakit namatay si mommy, don't you remember that?” Nanginginig ang boses ko at nakayuko habang sinasabi 'yon sa kaniya.
“You're already 25 years old Amira, stop me with your dramas.” Strikto niyang sabi.
YOU ARE READING
VANGUARDIA SERIES #1: Guarding the Billionaire's Daughter
ActionWARNING!🔞 To: Mi Reina From: @CR4zy_3ye$ Hindi maiwasang magkaroon ng secret admirer ni Amira, dahil sa taglay nitong ganda at husay sa larangan ng pagdedesenyo. Ngunit ang pinagtataka niya lang ay kung kanino nanggagaling ang mga secret package na...