CHAPTER 2

17 6 0
                                    

Nagising ako sa malakas na pagring ng phone ko at kaagad ko naman itong kinuha kung saan, sinagot ko ang tumatawag at inilagay ito sa tenga ko.

“Kuya?” Nakapikit kong pagboses. Kahit hindi ko nakita kung sino ang tumatawag ay sigurado naman akong si kuya iyun.

“Kanina pa kita pinapahanap kay Brynn at Teodor, but you're no where to be found! Where are you, Amira?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Nagmulat ako ng mata at inilibot ang paningin ko sa paligid, at tyaka ko lang napagtanto na andito pala ako sa kwarto ni lola nakatulog.

“Relax, I'm here at Lola's room. Nakatulog ako sa subrang pagod” pagpapaliwanag ko sa kaniya.

“Oh, thank god! Pinag-alala mo 'ko” malalim ang pagbuntong hininga niya.

“I'm fine, kuya. No need to worry” pagkaklaro ko sa kaniya.

“You should go back to the hotel, I'll see you tomorrow” utos niya sakin, kaya naman tumayo na ako sa pagkakahiga ko.

“Okay, bye” pagpapaalam ko.

“Bye”

Naghilamos lang ako ng mukha at inayos ang nagusot kong damit, kahit gusto ko magpalit ay wala din naman akong dalang pamalit. Naglagay narin ako ng unting foundation sa mukha at simpleng lipstick, para kahit papaano ay maayos parin naman akong tignan pagka-labas ko dito.

Naabutan ko parin naman sila tita at tito sa sala, ngunit wala na roon si dad at ang mga kasama niya.

“Tita, uuwe na po muna ako. Babalik nalang po ako bukas” salubong ko kay tita Daisy at niyakap na siya.

“Di na kita ginising ng dumating si Teagan, mag-ingat ka sa pag-uwe” sabi niya pa sabay halik sa pisnge ko.

“Sige po, tita”

“Hija, hindi mo man lang ba kakausapin ang daddy mo?” Biglang tanong ni tita Clarita. Wala akong naging imik at nilapitan nalang siya para yakapin.

“Aalis na po ako” hindi ko pinansin ang tinanong niya, humalik narin muna ako sa pisnge niya bago umalis.

Ayuko na ulit umiyak. Kung iiyak man ako ulit ay para na yun sa libing ni Lola bukas. At pagkatapos non ay isasama ko naring ililibing ang mga sakit ng nakaraan ko, dahil ayuko ng maging duwag pa sa harap ni dad.

Gusto kong makita niya na hindi ako katulad ni mommy na kailangan siya lagi. Ayukong makita niya na mahina ako.

Bago ako makalabas ng gate ay malalim na muna akong napa-buntong hininga dahil sa naisip ko.

Hanggang sa ang kaninang lalaki na kasama ni dad ang sumalubong sa akin.

“Hi! Are you going home?” Tanong ng malalim niyang boses, napa-angat pa ako ng tingin sa kaniya dahil sa katangkaran nito na hanggang balikat lamang ako.

Bakit nga ba nandito siya?

Sa hula ko ay magkasing-tangkad lang sila ni kuya pero halata ang batak na batak nitong pangangatawan, na mukhang alagang alaga sa gym.

Mukhang mas matanda din siya kay kuya dahil sa matured niyang pagmumukha pero kita parin ang taglay nitong kagwapohan.

“Uhm... Oo, masyado na kasing late kaya kailangan ko ng umuwe” nakangiting sagot ko sa tanong niya.

“If you don't mind, I can take you home” sabi niya pa na ikina-kunot ng noo ko. Hindi ko siya kilala, at hindi niya rin naman ako kilala pero kung maka-aya siya sakin ay parang closed kami.

“Sorry to say but, I don't trust stranger” may pagka-ilang ko iyong sinabi sa kaniya. Oo at gwapo siya pero hindi niya naman ako madadala sa moves niyang iyan.

VANGUARDIA SERIES #1: Guarding the Billionaire's Daughter Where stories live. Discover now