F*ck.
Tatlong araw nalang ang natitira bago matapos ang isang linggong bakasyon ko dito sa Pilipinas at babalik na ulit ako sa France.
Pero itong si kuya ay mas piniling panatilihin ako dito sa hotel niya matapos ang nakitang nangyare sa club. Kaunti nalang ay maiinis na ako sa kaniya, pakiramdam ko kasi ay pinipigilan niya ako sa mga gusto kong gawin sa buhay at gusto niyang matulad ako sa kaniya na nasa trabaho nalang palagi. Ayuko ng ganito!
Tanggap ko pa ang mga dati niyang paghihigpit sakin dahil alam ko naman ang mga dahilan na 'yun para sa ika-bubuti ko, pero ngayon ay parang sumusubra na siya. Hindi na nakakatuwa!
Nasa kusina ako ngayon habang kumakain ng orange at nag iisip narin kong anong magandang gawin ngayong araw. Mukhang maganda ngayong mag-shoping, mag-aayos na muna ako at aalis na pagkatapos.
Saglit lang naman akong nagbihis at muling bumalik sa baba at agad kong nakita si Brynn na hawak nanaman ang mamahalin niyang laptop.
"Pahiram akong kotse, gusto ko mag-shoping" inilahad ko lang naman ang kamay ko sa kaniya pero embis na ibigay niya ang susi ay tiningnan lang niya iyun. Kaya naman pinilit ko siyang ibigay sakin pero halos matanggal na ang kamay ko pero wala.
"Bawal kang lumabas" mababa ngunit maawtoridad niyang sabi. So ano? Naging kuya narin ba siya? Like, hello?! Ano namang gagawin ko dito? Tumunganga?
"At bakit naman hindi?" Masungit kong tanong sa kaniya.
"Utos ng kuya mo" mababa parin ang boses niya ngunit wala na itong emosyon, at bumalik ang paningin sa laptop.
Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Nakaka-what the fuck naman itong buhay na 'to!
Dahil sa inis ay may naisip nalang akong ibang paraan. Kung ayaw niya sa iba nalang. Ang talino ko talaga!
"Kung ayaw mong ibigay sakin ang susi, ibigay mo nalang sakin ang cellphone number ni Mr. Harrison" saad ko sa kaniya dahilan para bumalik ang tingin niya sakin. Nakalimutan ko kasing hingin ang number ng lalaking yun.
And the fact that, that night was my first ever kiss. That guy, Dalton is my fucking first kiss and I won't deny that cause I like it. He's a good kisser, and I like the taste of his lips. Gosh!
Baka nga crush ko na siya e.
"Wala akong number niya" para bang sa pagsagot niya sakin ay boring na boring na siya sa buhay.
"Magaling ka Brynn, so, I know that you have your ways" pang gagaslight ko sa kaniya.
"Fine" rinig kong sagot niya.
Nakatayo lang ako sa harap niya habang nakatingin sa ginagawa niya sa laptop, at hindi talaga ako aalis dito kapag hindi niya naibibigay sakin ang kailangan ko.
Ilang minuto lang ay hiningi niya sakin ang phone, hindi na ako umangal at doon kita ko ang pag kopya niya sa numero sa laptop at tinatype niya ito sa phone ko. Pagkatapos non ay ibinalik niya narin naman sakin kaagad.
Pumunta ako sa labas ng kwarto at doon sa may lobby pumunta.
Kita ko pa ang labas ng hotel mula rito dahil sa glass lang naman ang pagitan kaya kita ko rin ang maaliwalas na panahon.
I dialed the phone number at naka-ilang ring lang naman ito at kaagad sumagot ang pamilyar na boses ng lalaki.
"Who's this?" Anang boses niya.
"H-Hi Mr. Harrison, it's me, Amira Campbell" maikli nalang akong nagpakilala dahil masyado ng mahaba kung ang buo ko pang pangalan.
"Oh! Hi! How did you get my number?" Tanong niya sakin na halata ko ang saya sa boses niya.
YOU ARE READING
VANGUARDIA SERIES #1: Guarding the Billionaire's Daughter
AksiWARNING!🔞 To: Mi Reina From: @CR4zy_3ye$ Hindi maiwasang magkaroon ng secret admirer ni Amira, dahil sa taglay nitong ganda at husay sa larangan ng pagdedesenyo. Ngunit ang pinagtataka niya lang ay kung kanino nanggagaling ang mga secret package na...