Laking pasalamat ni Arken ng paglabas niya ng kanyang bahay ay wala doon si Harmony, araw ngayon ng sabado at day off niya hanggang bukas. At bilang dakilang tito ay gusta niyang dalawin ang mga pamangkin na si Matthew at Aella na anak ng mga kapatid niyang sina Supremo at Savannah. Dumaan pa naman siya kahapon sa M.D mall para bilhan ng mga laruan ang dalawang bata at tiyak na magrereklamo na naman si Savannah dahil kakabigay lang niya ng isang katerbang laruan noong huling off niya.
Pero ano bang magagawa niya? ito lang ang pinagkakaabalahan niya lalo na kapag ganitong walang pasok sa trabaho ang kulitin ang dalawang pamangkin. Pero ngayon ay lilinisan niya muna ang bagong bili na motor, kaya mahirap talaga magsasama sa kaibigan niyang abogado at motorcycle enthusiast na si Bullet Fierro dahil pati siya ay napabili ng motor ng wala sa oras. He bought Harley davidson CVO limited edition na kaseng mahal na ng isang kotse o kaya isang house and lot dahil tumataginting lang naman itong apat na milyon!
Inilapag niya sa lamesa na nasa garahe ang kanyang kape bago pumasok sa loob ng bahay at kumuha doon ng sabon, basahan at timba. His house a bungalow style house same on his twins Supremo. Gusto niya kaseng may bakuran at swimming pool sa likod at natupad naman 'yon dahil siya mismo ang nag-plano kung ano bang gusto niya sa bahay sa tulong na din ng kaibigang engineer na si Thunder Laurier.
Galing sila noong isang araw ni Bullet sa Zambales para i-break in ang motor at syempre ang inggitero din niyang kakambal na si Supremo ay may patampo-tampo pa talagang nalalaman dahil hindi niya daw nila ito inaya. His twins also like motorbikes, ang lakas naman kase ng dating at nakakaiwas din talaga sa walang kamatayan na traffic dito sa kamaynilaan. Pakanta-kanta pa siya palabas ng bahay, ngayon lang din kase siya nakauwi dito dahil sa Villamor base siya naglalagi pag may pasok siya, malayo din naman kase ang biyahe mula Quezon city hanggang Pasay, isa pa may barracks naman sila doon na puwedeng tulugan kaya doon na lang sya nag-iistay. Pero nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang babaeng nakatayo sa labas ng gate, na walang iba kung hindi si Harmony!
"Magandang umaga Colonel!" Masaya kong bati ng makita ko siya with matching pag-kaway pa, sabi na eh dito ko siya makikita sa bahay niya dahil sabi ng informante ko sa Air force ay day off nga daw ni Arken ngayon.
Padabog na binitawan ng binata ang hawak na timba at nilapitan si Harmony, akala niya ay hindi ito pupunta ngayon pero mali pala. Dapat yata nakitulog muna ko kila Supremo eh.
"Anong ginagawa mo dito? " Naka isang linya ang kilay na tanong ni Arken, Harmony really made her own way to know where he live. At ewan ba niya kung bakit pinapapasok pa din ito sa subdivision kung saan ang bahay niya, samantalang binibilinan naman niya ang guard na huwag itong papasukin. She's literally invading his privacy and he don't like it.
"Why so grumpy Colonel? masisira ang kapogian mo niyan sige ka." This is the third time I went here, he opened the gate for me but I look first inside before I entered. Meroon kaseng aso si Arken na ang pangalan ay Little pero hindi gaya ng pangalan ay parang hanggang beywang ko ang aso niya sa sobrang laki. He have rottweiler na matatakot ka talaga dahil sa laki at lakas ng tahol. Tapos parang galit pa sa akin ang aso niya lalo na ng una kong nagpunta dito dahil muntik na akong kagatin! And I'm really scared that time because I experienced before being bitten with a dog and promise masakit makagat at mas masakit lalo ang injection!
"Nasa kulungan si Little kaya huwag mo ng hanapin." Sabi ng binata na para bang ang aso niya ang hinahanap nito.
"Buti naman, nakakatakot pa naman ang aso mong 'yon, feeling niya yata kaagaw ko siya sa amo niya."
"Tsk wag mong ibahin ang usapan, your not answering my question Harmony, bakit ka nga nandito? may lakad ako kaya umuwi ka na."
"Off ko din ngayon at gusto ko makasama ang boyfriend ko ngayong araw." Tinaas-taas ko pa ang kilay ko with a smile, wala pa naman si Daddy ngayon sa bahay kaya feeling lonely lang ang peg ko kung doon lang ako. Sabadong-sabado nga pero pumasok pa din siya sa Senate, at ganyan ka-dedicate ang tatay ko sa trabaho!
"Hindi ka pa ba titigil sa kalokohan mong 'yan? Your Dad don't pester you anymore to get married right? so bakit ba sunod ka pa ng sunod sa akin hanggang ngayon?" Naiinis na tanong ni Arken, 'yon lang naman ang puno't-dulo nito eh. Kaya siya biglang hinila ni Harmony para makaiwas sa kasal pero hindi nga kase tama dahil napeperwisyo na siya.
Dapat talaga yata babae itong si Arken at hindi lalake eh. Daming reklamo at inarte sa buhay. "Hindi nga niya ko kinukulit ngayon sa kasal dahil busy siya sa Senate at alam niyang boyfriend kita."
Of course Senador Guevarra paid a visit to him on Philippines air force, kinausap siya ng senador patungkol sa anak nito. "At kailan mo naman sasabihin sa kanya ang totoo? You messed my silent life Harmony." Reklamo ng binata, nandoong halos lahat ng kasamahan niya ay tanungin siya kung totoong nobya niya ba talaga itong dalaga at kung paano daw sila nagkakilala. Even those who have higher position on Philippines air force asked him! At lalong-lalo na ang mga kaibigan niya na mang-aasar pa talaga! Pero buti na lang talaga at mabait pa din siya kahit papaano at hindi nilalaglag itong si Harmony sa Daddy nito, ayaw din naman niya itong mapahiya. Pero napatingin siya ng diretso ng maglakad ito palapit sa kanya habang seryoso ang mukha at sa kakaiwas niya nga ay bumangga na siya sa motor na nasa likuran niya.
"Hey, hey hey w-what are you doing?"
"Listen Colonel, I will not stop meddling your life okay? And you should be thankful na isang Harmony Guevarra ang naghahabol sa 'yo no!"
Arken breathe heavily, Harmony can really made his heart beat so fast! Bakit sa paglapit lang nito ay parang nagkarerahan ang puso niya? "Your not my type Ms. Guevarra naiintindihan mo? Ayoko ng makulit na katulad mo." May diin na sabi niya dito, bastos na kung bastos pero atleast malaman nito na naiinis na siya sa ginagawa nitong pangungulit sa kanya.
"Eh di don't! Makaalis na nga!" At tsaka ko nag-martsa palabas ng bahay niya. Ang sama ng ugali, ang layo pa naman ng dinrive ko papunta dito tapos sasabihin niya lang ako nga gano'n? Wow just wow! Mag-cecelebrate na lang ako mag-isa ng birthday ko!
Nakahinga naman ng maluwag si Arken ng tuluyan ng umalis si Harmony, finally he can have a peaceful day off without her.
This story is completed on vip group and Patreon apps.
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A series #13 Arken Dela Luna
RomanceArken Dela Luna and Harmony Guevarra story This story is now completed and pay to read on patreon apps and VIP group. Dm me on my fb page how to join.