CHAPTER 03

5K 118 16
                                    



"My god Arken ang dami mong biniling laruan para kay Aella." Reklamo ni Savannah sa kapatid habang pinapanood nila ang anak niya na busy sa pagbubukas ng mga binili ng Tito Arken niya. 


"Kuya Savannah, Kuya." Pagtatama naman ni Arken, step sister lang nila si Savannah pero hindi kailanman nila tinrato ni Supremo na kapatid lang nila ito sa labas. Sa kanya hindi ito nag-kukuya pero pagdating sa kambal niya ay Kuya Supremo ang tawag nito.


"Bahala ka diyan mas sanay talaga ako na tawagin ka na Arken kesa sa Kuya." Ani ni Savannah, alam niyang iniiba lang ng kapatid ang usapan pero naiinis siya dahil ang dami na namang binili nito na laruan para sa anak. ButI sana kung ito lang ang gumagawa no'n kaso pati ang Kuya Supremo niya at asawang si Azul ay gano'n din. 


"Hayaan mo na, tsaka si Matthew din naman binilhan ko para pareho silang mero'n." Pangangatwiran pa ng binata na ang tinutukoy ay ang anak ng kambal niya. Doon siya muna pumunta kanina bago nagpunta dito. Matapos kaninang umalis ni Harmony sa bahay niya ay nagkaroon na siya ng payapang umaga. Nilinis niya ang bagong biling motor at pinaliguan ang asong si Little bago siya umalis kanina para nga dalawin ang mga pamangkin. Harmony knew his number and she didn't text or call him after she leave. Hindi niya din alam kung paano nito nakuha ang numero niya pero atleast ay hindi na siya nito kinulit pa pagka-alis nito. Mabuti na din siguro ang ginawa niya kanina dito na pinrangka niya ito at sinabing hindi niya ito magugustuhan kahit kailan dahil 'yon naman talaga ang totoo. 


Harmony is a sophisticated woman and came from on a wealthy family, she is the only daughter of Senator Javier Guevarra, her mom passed away after she was born kaya din siguro na-spoiled ito ng husto ng ama. She's so open minded too and talkative at matapos nga nitong ipangandalakan sa publiko na boyfriend daw siya nito ay hinila na lang siya ng dalaga sa isang sulok ng party at kinausap. 


"I'm so sorry for bothering you and for the trouble I made but I'm just helpless right now. My Dad is forcing me to marry someone pero ayoko, as in ayoko talaga."


And yes Arken was speechless and trying to understand what happened that time even if Harmony kept saying sorry and sorry to him. And that's it bigla na lang siya nagkaroon ng girlfriend ng gabing 'yon. 


"Tsk, siguro kaya ka nandito kase tinataguan mo na naman 'yong anak ni Senator no? naku ikaw talaga pahabol-habol ka pa sa babae." Naka ismid na sabi ni Savannah, ganito din kase ang ginawa ni Arken makalipas ang ilang araw matapos sabihin nga ni Harmony na boyfriend niya daw ang kapatid niya. Dis oras na ng gabi at nangatok pa talaga ito dito sa bahay nila para makitulog at magtago. Hindi pa niya nakakausap o nakikita ng personal ang nagsasabi na girfriend nga daw nito si Arken pero sana lang hindi din pahabol effect itong Kuya niya. 


"I don't like her Savannah as simple as that." Kibit balikat na sagot ng binata.


"Susss talaga lang ah? baka bandang huli magsawa 'yang Harmony na 'yan sa kakahabol sa 'yo at ikaw naman ang maghabol." Sabi pa ni Savannah, finollow niya kase 'yon sa social media nito at madalas niya ngang nakikita na nasa Philippines air force ito na sigurado siyang pinupuntahan ang kapatid niya. Meroon din ilang post ng picture na palihim lang ang kuha kay Arken na naka post sa mismong account ni Harmony pero hindi naman kita ang mukha ng kaaptid niya. And she like how Harmony protecting her brother for those who might say bad things on them on social media. 


"Ay naku, tigilan mo na 'yan Savannah ang mabuti pa mag-order ka na ng pagkain natin para makakain muna ako bago ako umuwi." Sabi ni Arken na inakbayan pa ang kapatid. 


 Drinker's lodge bar..

"My god Rios ko dati natutuwa pa ako sa kaibigan mong si Arken pero ngayon hindi na. Look what he did to my friend? birthday na birthday nung tao inindiyan niya!" Lasing na sabi ni Amethyst sa asawa. Pinuntahan siya kanina ng college friend at college classmate niyang si Harmony sa bahay nila. They separate ways after she leave their school and she went to Switzerland. Ang huli din niyang balita ay nagpunta si Harmony sa Amerika pagkatapos ng graduation at lately na lang sila nagkita na dalawa. 


"Alam naman nating hindi naman sila tototong mag-boyfriend at mag-girlfriend kaya hayaan na natin sila." Pangatlong beses ng paliwanag ni Rios, buti na lang at wala siyang pasok kanina kung hindi siguradong mauulol na naman siya kung saan hahanapin si Amethyst. Sinamahan niya na nga lang ang dalawa na mag-bar kahit labag sa loob niya dahil ayaw niya ng maulit 'yong nangyari noong niyaya ng mga ito si Kae na asawa na ngayon ni Supremo na mag-bar noon sa Timog, his wife so wasted that time at kulang na lang ay umusok ang ilong niya ng makita itong sumasayaw sa harap ng maraming tao. And he don't like to happen again. 


"Huwag mo ng ipagtanggol ang kaibigan mong 'yon Daddy Rios dahil hindi ko na siya bet para kay Harmony." Nakanguso pang sabi ni Amethyst sa asawa. "Kawawa naman 'yong friendship ko tayong dalawa lang kasama niya mag-celebrate sa birthday niya." 


Hinawakan naman ni Rios ang asawa sa balikat at bumulong sa may tenga nito. "It's getting late na Amethyst sabihan mo na si Harmony na umuwi na tayo." Pakiusap niya ulit. 


"Nahhh ayoko, nga dito muna tayo." At muli lang tumungga ng hawak na alak si Amethyst at ininom 'yon bago tinawag si Harmony. 


   Arken kissed her niece first before he leave, nagreklamo pa nga ito na amoy beer siya. Dumating na kase si Azul na asawa ng kaibigan niya at nagka-yayaan nga silang uminom ng ilang bote bago siya umuwi. 


    "Do you know what's the date today?"


"Ha? ano bang sinasabi mo Rios? anong date today?" Ani ni Arken matapos sagutin ang tawag nito, ni-loud speaker niya na nga lang 'yon dahil nagda-drive na siya.


"Ang sabi ko alam mo ba kung anong petsa ngayon?' Ulit uli ni Rios sa kabilang linya habang nakatingin kila Amethyst at Harmony na hindi talaga nagpaawat man lang sa gusto ng mga ito. 


"September 08 ngayon Rios, my god pati ba naman petsa hindi mo na alam ngayon? ano ba 'yan sign of aging?"


"Gago anong sign of aging pinagsasabi mo? alam mo ba kung anong mero'n ngayon? at sino ang may birthday?" Muling tanong ni Rios. 


"Alam kong hindi ako relihiyosong tao pero alam ko na birthday ngayon ni Mama Mary, oh bakit? don't tell me nasa simbahan ka at nagdadasal?" Sabi ni Arken, kanina niya pa kase naririnig ang ingay sa kabilang linya kaya alam niyang wala sa bahay si Rios. 


"Siraulo, birthday ngayon ni Harmony at kanina pa siya lasing na lasing dahil sa 'yong hinayupak ka. At pati si Amethyst ay nadamay na din dahil asawa ko ang niyaya niya."


Napa-preno naman si Arken ng malakas, ano nga ulit? birthday ni Harmony ngayon?


"Hurry up pare, i-uwi mo na si Harmony dahil kanina pa may video ng video dito habang nagsasayaw siya."


"Oh shit!" malakas na mura ng binata. 


This story is already completed and pay to reads on vip group and patreon apps. Dm me on my fb page to join.


#maribelatentastories

M.A series #13 Arken Dela LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon