Chapter 7

35 5 0
                                    

Sikat ng araw na tumatama sa mukha ko ang nagpa gising sakin.

Pagkadilat ko. Inisip ko muna yung nangyari kagabi. Panaginip ba yun o Totoong nangyari?..

Biglang nag flash back sa akin yung nangyaring pag halik ni alex sa akin kagabi. Agad akong napabangon sa kama ko. Tiningnan ko si  alex sa hinigaan niya pero wala na siya.

Lumabas ako ng kuarto, Sakto namang nasa sala si tatay.

"Gising kana pala peter " sabi ni tatay.

Ngumiti lang ako, Gusto kung tanongin si tatay kung nasan si alex pero parang nahihiya ako sa sarile ko na hanapin si alex.

"Umalis na pala si alex. " Sabi ni tatay. Hinde ako umimik , pero nakikinig ako.

"Napaka bait na bata talaga ni alex. Hinde siya mayabang kahit mayaman siya." Nakangising sabi ni tatay. Tiningnan ko siya..

Ano ba naman tong si tatay. Talagang puring puri kay alex. Kung alam molang siguro pinag gagawa non sakin, Ewan kolang tay kung masasabi mo pa yan.

Pagpunta ko sa lamesa para mag almusal. Nagulat ako bakit ang daming pagkain sa lamesa na usually hinde naman ganito ang almusal namin .

Cape at pandesal ok na sa amin , pero ngayun aba my hotdog, itlog, sinangag, bacon at tasty bread.

"Tay..Bat ang daming pagkain sa lamesa?" Pagtataka kung tanong

Lumapit si tatay sakin na naka ngisi

"Binigyan kasi ako kanina ni alex ng pera, e bili ko daw ng almusal, kaya yang mga yan pinabili niya yan sakin kanina. Tapos nak binigyan pa niya ako ng tatlong libo, ibili ko daw ng gusto mong pagkain "

Kunot noo kung hinarap si tatay.

"Tay, bakit nyo naman tinggap yang pera na iyan? " inis kung tanong kay tatay. " At saka tay yang mga pagkain na yan bakit nyo naman sinunod si alex? Ano nalang iisipin non satin?" Asar kung sabi

"Nak, Hinde ko naman sana tatanggapin itong pera kaso mapilit si alex kaya kinuha ko nalang at itong mga pagkain siya ang nagpahanda nito, Kumain naman siya bago siya umalis"

"Maski na tay, ayoko parin na tumatanggap ka ng kahit ano lalot galing sa lalakeng yun."  Naka simangot kung sabi  "Akin na iyang pera na yan, e sasa uli ko sa kanya"

"Pero nak, e babayad sana natin ito sa kuryente natin at ibibili natin ng pagkain" sabi ni tatay.

"Tay... kung wala pala yang pera ni alex, Hinde tayo makaka bayad ng kuryente? At hinde ba tayo makaka kain?" ...Naiinis ako kay tatay..  " kung wala tay, sabihin mo sakin,Ako na gagawa ng paraan..Akin na yang pera na iyan, e sasa uli ko sa kanya".madiin kung sabi

Alangan inabot ni tatay yung pera sa akin, kaya hinablot ko ito sa kamay niya " Sa susunod tay,Huwag na huwag kang tatanggap ng kahit ano sa lalakeng yun"sabi ko sabay talikod na

"Nak.. Hinde kaba muna mag aalmusal?" Pahabol na tanong ni tatay.

"Hinde..." sabi ko.

Pag dating ko ng eskwelahan. Inabangan ko si alex sa entrance ng gate. Sinadya kung pumasok ng maaga para kausapin tong sira ulong lalakeng to.

Hinde nagtagal. Nakita kona yung sasakyan ni alex. Ipinarada niya ito sa tapat ng entrance ng eskwelahan.

Bigla akong kinabahan. Bumalik na naman sa utak ko yung nangyaring paghalik niya sakin kagabi.

Nagpakawala ako nang hangin sa dibdib ko, Dahil pakiramdam ko nahihirapan akong makahinga .

Nakita kona siyang bumaba ng sasakyan.

Napatitig ako sa kanya. Bakit parang iba ang awra niya ngayun. Naka brush up at my gel ang buhok. .

Pagpasok niya sa gate, Agad niya akong nakita kaya dali dali siyang lumapit sakin nang naka ngiti.

"Babe.. ina antay mo ba ako?" Naka ngiti niyang tanong

Napatingin ako sa paligid namin ,Baka my nakarinig sa tinawag nito sakin

"Huwag mo akong tatawagin ng ganyan. Baka may makarinig sayo. Hinde kaba nahihiya?" Pa bulong kung tanong.

"Ok..." sabi niya sabay pabulong sabi     
    " Babe.."

huminga muna ako . "Halika ka nga sandali ,mag usap tayo " pagalit kung sabi

"Gusto mo sa kotse tayo?" Naka ngiting tanong niya sakin.

"Hinde... "sagot ko agad.

Umakyat kami papuntang library.  Buti nga wala pang studyante sa labas ng library room

"So ano babe, Na realized muna bang Mahal mo ako? Kaya gusto mo akong makausap?" Tanong niya na naka ngiti

"Tumigil ka.. Kaya gusto kitang kausapin para dito " galit kung sabi.. sabay kinuha ko ang kamay niya at binigay ko yung tatlong libo na binigay niya kay tatay.  " Ayokong ginagawa mo to.Ano sa tingin mo sa pamilia namin, Wala nang makain? " ... Pagalit kung tanong

"Babe, Hinde ganyan ang intension ko, Binigay ko yan kay tatay, para kahit papaano makatulong ako sa inyo " seryoso niyang sabi

"Makatulong samin?" Natawa ako na naiinis " Bakit? Anong alam mo ba sa pamilia namin at nasasabi mong gusto mong makatulong ha?" Madiin kung tanong

"Babe. Wala akong masamang intension sa ginawa ko, Ginawa kolang yan dahil Mahal kita, Gusto kung maging parti ng pamilia mo" seryoso niyang sabi

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni alex sakin.. Bigla akong napa atras.. ewan ko para akong nabingi sa sinabi niya

"Anong sinasabi mong mahal? Hoy gumising ka!!! Baka nakakalimutan mo..Hanggang sa contest lang tong usapan natin, Alam mo naman siguro na pagkatapos ng contest ng music club, Titigilan muna ako"

Natahimik si alex.

"Sa susunod ha!!! Huwag kang assuming!!" Pagalit kung sabi sabay talikod.

Alas Kuatro ng hapon. Last subject ko ... kaya pupunta na agad ako sa music club room dahil e hahanda kona ang gagawing practise namin.

Nasa corridor na ako nang makasalubong ko si dave

"Dave, Anong ginagawa mo dito?"

Iba kasi ang kurso ni dave kaya nagtaka ako kung bakit andito siya sa engineering building

Ngumiti siya pagka kita sakin

"Wala, susunduin kalang sana para sabay na tayo pumunta ng music club "

"Papunta narin ako don, lika sabay na tayo" sabi ko

"Nga pala, andito na pala si alex, nagkausap kami kanina eh " sabi ni dave na agad naman akong napatingin sa kanya, ...Biglang kabog ng dibdib ko

"Ha... Ahhh oo , Pumasok na nga ulit..Sooo pupunta ba daw siya ng music club ngayun?" Tanong ko kunwari

"Sabi niya, Pupunta naman daw, Hinde ba kayo nagkausap ?" Tanong niya

"Ahhh... Hinde eh...Nakita kolang siya kanina sa campus " ...

Please tell me you Love me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon