Chapter 24

35.6K 467 34
                                    

~Vince~

“Tama na nga yan, Kuya! Wala namang nagagawa yung pag-iinom mo! Hindi mo na mababalik pa sa’yo si Sugar! Just move on already, for Pete’s sake!”

Dinig na dinig ko ang panenermon ng kapatid kong si Vann sakin. Masakit man ang mga sinasabi niya, pero lahat ng yun ay totoo.

Patuloy ako sa pag-inom. Hindi man ako natutulungan ng alak para ibalik sa akin ang mahal ko, natutulungan naman ako nito para kahit paano mamanhid yung pakiramdam ko.

Tumayo ako at lumabas. Masyadong istorbo sa pagsesenti ko si Vann at naiinis na ko. Palibhasa kasi wala pa siyang alam tungkol sa pag-ibig at ang sakit na maaaring idulot nito.

Ano bang magagawa ko? Forgetting and moving on are things that are easier said than done. I'm still hurting and I'm starting to love it. 

Magiging masokista pa yata ako.

Haay.. Shooey. I miss you so bad.

I got in my car and sped away. Patuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa may tangang babaeng bigla na lang humarang sa harapan ng kotse ko. Buti na lang at agad akong nakapag-preno.

Nag-init lalo ang ulo ko. Masama akong magalit lalo na’t bigo ako. Buwisit.

I'm heartbroken, for Pete's sake tapos makakasagasa pa ko? Tanginang buhay 'to.

Frustrated, I got out of the car and yelled at the dumb woman who suddenly appeared out of nowhere.

"What the hell were you thinking?! Gagawin mo ba kong kriminal ha?!"

The woman still had her eyes closed. Napamulat lang siya nang sigawan ko.

"Oh my God! Oh, thank goodness! I'm still alive! Hallelujah!"

Aba't hindi ako pinansin?

"Hoy, Miss! Pwede ba? Kung magpapakamatay ka, wag kang mandamay ng ibang tao? Magbigti ka na lang. Buwisit!"

Napatingin naman siya sakin. At ang una kong napansin sakanya eh yung mga mata niya na nasisinagan ng ilaw na nanggaling sa sasakyan ko. They were coal black. At bilog na bilog. Agad siyang lumapit sakin.

"Mister! Pasensya na! Sa totoo lang, hindi naman ako magpapakamatay eh. May humahabol kasi sakin kanina. Kaya nang makita kong may sasakyan na parating, agad ko yung hinarang. Tulungan mo ko, please!" sabi niya.

Ano daw? Niloloko yata ako nito eh.

"Ayoko. Mangharang ka na lang ng ibang sasakyan. Wag ako ang istorbuhin mo."

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ko pabalik sa kotse ko.

"No! Sige na naman! Maawa ka na! Gagawin ko lahat bilang kapalit. Just help me get out of here," sabi ulit niya at hinawakan ang laylayan ng shirt ko.

Damn it. Don't you even dare think about it, Vince.

"Please... Ikaw rin, pag may nabasa ka bukas sa diyaryo na hinalay, pinatay, at tinapon sa talahiban, siguradong ako na yun."

Hinarap ko ulit siya. Mukhang naisip niya yung mga pinagsasabi niya. She looked disgustedly scared.

"Hindi ako nagbabasa ng diyaryo."

"Mumultuhin kita, akala mo."

"Hindi ako takot sa multo."

Napapadyak siya. Mukhang naaasar na.

"Punyeta! Ang pakipot mo! Tulungan mo na lang ako! Buwiset!"

I was taken aback.

Did she just cuss?

I bit my lip to prevent myself from laughing.

Oh well. Hindi naman siguro masama ang tumulong paminsan-minsan.

Pumasok na ko sa loob ng kotse.

"Fine. Get in."

~Sugar~

"Sugar, honey.. Date tayo ngayon gusto mo?"

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot.

"May gig pa ko."

"Pagpapaalam kita kina Jarvs. Papayag yung mga yun, promise."

"..."

"Sige na. Huh? Huh?" pa-cute na sabi niya at nilapit pa ang mukha sakin.

Tinulak ko naman yung mukha niya.

"Tss. Oo na."

"Yes! Hahaha!"

At tumalon-talon pa siya. Pinagbuksan muna niya ko ng pinto.

"Wait lang, tawagan ko lang si Jarvis," he said then winked.

Nakatingin lang ako sakanya habang nasa labas siya at tinatawagan si Jarvis.

Halatang-halata na sobrang saya niya. Kumikinang pa yung mata niya at hindi matanggal yung ngiti sa labi niya. Lalo tuloy siyang nagiging gwapo.

Wag kayong maingay. Magyayabang yan pag nalaman niyang naggwagwapuhan ako sakanya.

"Okay na." sabi niya nang pumasok na siya ng sasakyan. He leaned in and then fastened my seatbelt. Nakalimutan kong ilagay kanina, nawili sa pagtingin sa kanya eh.

*Tsup*

At tama kayo, mabilis na hinalikan na naman niya ko bago siya lumayo. Kumindat pa muna siya sakin bago pinaandar yung kotse..

Kuuu. Kung di ko lang to mahal, eh...

~3rd person's POV~

Sa di kalayuan ay may nagmamasid kina Sugar at Klint.

Pinanood niya lang na umalis yung sasakyan ni Klint, at nang mawala na yon ay naglakad na din siya paalis.

"Sige lang. Magpakasaya na kayo ngayon. Tutal di na rin naman yan magtatagal," bulong nito sa sarili at tumawa ito nang tumawa.


~
A/N:

Another update! Your thoughts?

  Vote and comment. :))

Yung babaeng humarang sa kotse ni Vince ---->

May naaamoy ako. Hahaha

God bless!

~FirstLoveLasts ♥


Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon