Chapter 6.1

50.7K 889 35
                                    

~Klint~

"Sweetheart! Yuhoo! Knock! Knock!"

Kanina ko pa kinakalampag yung gate ng bahay ni Blade ko. Blade na lang tawag ko sa kanya. Mas bagay sa personality niya e.

Wala lang. Sinusundo ko siya para sabay kaming pumasok sa school.  

Pinindot ko pa nang pinindot yung doorbell. I could already imagine her pissed off face.

Kung nagtataka kayo pano ko nalaman yung bahay ni Blade, aba'y dapat hindi na. Di ba nga hinatid ko siya kagabi. Or rather, sinundan ko lang siya hanggang dito sa bahay niya. Pinapasakay ko siya sa kotse ko kaso ayaw niya.

Hindi ko alam kung anong meron dun sa motorbike niya para hindi siya pumayag na iwan na lang yon don sa school.

So ang nangyari, pumunta kami sa bar na tinutugtugan niya. Siya nakamotor, ako nakakotse. Ganun din hanggang umuwi siya sa bahay niya.

Pero ang sama talaga ng ugali, hindi man lang ako inayang pumasok kagabi. Matipid na salamat lang yung sinabi niya tapos pinagsarhan na ko ng gate! Mukhang nahalata niyang balak ko ulit siyang halikan. Lol

Sabagay, di siya nagkamali dun. Diba nga dapat may 'gagawin' pa kami? I promised her that, right?

Pero dahil nga pinagsaraduhan niya ako ng gate, heto ako ngayon, maagang mang-iistorbo at kukulitin siya.

Nag-commute lang ako. Makikiangkas na lang ako sa motor niya. Gusto kong ma-experience eh.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Agad na umayos ako ng tayo, inayos ko pa yung kwelyo ng suot kong polo shirt, at sinuklay yung buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Pagkabukas ng gate, halos di ako makakilos. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa tapos pabalik ulit.

Si Blade ba talaga to? Gulo-gulo yung buhok niya, may muta sa parehong mata, may bakas ng laway sa gilid ng bibig niya, putlang-putla yung mukha niya, nakasuot siya ng oversized shirt na may print ng dirty finger.

Damn! Ibang klase talaga! Pero hindi nakalusot sa paningin ko na sumakto yung middle finger sa gitna ng dibdib niya na sigurado akong walang suot na bra.

Okay. Bakit parang biglang ang init?

Tae. Ang aga-aga nadedemonyo yung utak ko. Whew!

Ibinaba ko na lang ulit yung tingin ko. Nakayapak lng siya. Hmm. How come, pati paa niya ang sexy tingnan?

Nang makabawi na ko sa hitsura niya, nginitian ko siya at akmang magsasalita pero binara niya ko.

"What the fuck are you doing here?"  

Umaga, tanghali, gabi, puro mura talaga itong lumalabas sa bibig niya. Sarap tapalan ng bibig niya eh... Gamit ang bibig ko.

Pero kahit ganon pansin ko ang bango ng hininga niya ah. Wala ba siyang morning breath?

"Sinusundo ka. Sabay tayong pumasok sa school," ngiting-ngiti kong sagot sakanya.

Pinagtaasan niya ko ng kilay. Taray!

"Asan yung kotse mo?"

"Iniwan ko sa bahay. Makikiangkas na lang a--"

And she slammed the gate shut on my freaking face.

Sobrang sweet naman nitong girlfriend ko, walang katulad.

"Heyyy! Blade! Sweetheart! Baby! Honey! Asawa ko! Pagbuksan mo na ko ng gate! Yuhoo!"

Talagang nilakasan ko para maiskandalo din yung mga kapitbahay at wala siyang choice kundi pagbuksan ulit ako.

True enough, wala pang limang segundo ang nakakalipas ay agad na bumukas yung gate. Ngiti lang ang isinukli ko sa simangot niya. Tapos pumasok na ko.

Pero bago pa ko tuluyang makapasok ka loob, binatukan pa muna niya ako!

"Don't you dare do that again, jerk! Bwisit ka!"

"Ang pikon mo naman, baby..."

"Shut up!" inis na sabi niya.

"Hmm... Okay. But maybe this would shut me up."

I easily grabbed her waist, held her chin and kissed her fully on the mouth. Looong & sweet.. Ahh.. Sarap!

"Good morning, babe. Ang ganda mo pala sa umaga." sabi ko pagkatapos ng halik. Nanlalaki yung mga mata niya habang nakatingin sakin.

Ugh! Ang cute niya talaga pag ninanakawan ng halik! Kaya di ko mapigilan eh.

Kinuha ko yung cellphone ko at agad na kinunan siya ng litrato.

Tapos dumiretso na ko sa loob ng bahay niya. Pero agad din akong napalabas.

What the heck!

Sobrang dilim sa loob! Black yung kulay ng pintura ng bahay niya! As in yung kisame at dingding, black! First time kong makakita ng ganung interior! E kahit nga sa TV di pa ko nakakakita nun e!

"Are you a witch or something?" tanong ko sakanya.

"I'm a witch and something," she said matter-of-factly.

Bigla akong kinilabutan. Takot ako sa witches, sa multo, at sa aswang. Maangas lang akong tingnan pero kahinaan ko talaga ang mga usaping maligno.

Tapos ngayon I have a witch for a girlfriend?!

Fuck me.

Mukhang bumakas yung pagkatakot sa mukha ko. Kasi bigla na lang siyang tumawa nang malakas.

"You look funny!" HAHAHA!

"You're so ugly when you get scared!" HAHAHA!

"And you really believed what I said. Stupid!" HAHAHAHAHA!

Napatunganga na lang ako sakanya.

Kahit na tinatawag na niya kong pangit at stupid, wala akong pakialam.

All that mattered to me right at that moment was Blade and her hearty laugh. She looked so stunningly beautiful.

Yung maputla niyang mukha kanina, nagiging rosy pink na dahil sa kakatawa.

I was enchanted. Siguro nga hindi siya witch but she was indeed something. She was an enchantress in disguise.

This was the first time I heard her laugh, and I think, not sure though, but I swear I felt my heart skipped a beat.

Hindi ko alam kung sa tawa niya o dun sa tumatawa mismo. But I liked it. May ginising na namang bagong pakiramdam sakin ang Queen Bitch.

It's as if I want to see that laugh every time. At gusto kong ako lang ang makakapagpatawa sakanya ng ganon.

Damn it. Mukhang masisira na ang image ko as ruthless heartbreaker.

Because my own heart is in danger... Of falling for her, for Blade who could break it into pieces.

Damn. I'm so fucking dead.

Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon