~Sugar~
"W-wifey. Anong gagawin ko?!" tarantang tanong sakin nitong engot kong asawa.
"Lintik ka, Yuzon! Malamang dadalhin mo ko sa ospital! Tanga ka ba? Nagawa mo na kaya 'to dati! Ugh!"
Jusko! Ano ba naman 'tong asawa ko! Ang sarap tadyakan. Lintik na!
"Sorry, wife! Ikaw naman kasi eh! Wag mo 'kong madaliin!"
Saka niya ako pinangko.
"At ano'ng gusto mong gawin ko? Magpakahinahon??!"
Leche. Ang sakit na ng pakiramdam ko.
"Teka! Yung mga bata tawagin mo!"
Jusmiyo. Walang bantay yung mga bata tapos iiwan niya? Tae ka talaga, Klint!
I heard him hissed under his breath.
"Oy kambal! Get over here quick! Manganganak na mommy niyo!" sigaw niya.
At nagpatuloy na sa pagbuhat sakin si Klint papunta dun sa sasakyan nang marinig ang mga yabag ng kambal.
Iniupo niya ko sa passenger seat at kinabit yung seatbelt. Agad naman akong nilapitan ng kambal.
"Mommyyy! Please don't die!" umiiyak na sabi ni Kyla habang hinihimas naman ni Kyle yung tiyan ko.
"She's not dying, Kyla. And stop touching your mom's belly, Kyle. Go to the backseat now."
Ang seryoso na niya. Sa wakas.
Lumapit siya sakin, held my hand and then kissed it.
"I'm sorry, wifey. Hold on, okay? I love you."
I smiled.
Di talaga mauubos sa ka-sweet-an tong lalaking 'to. Ilang sandali pa, tinatahak na namin ang daan papunta sa ospital.
~Klint~
"Ughhhhh!!!!"
"Push a little bit more, Mrs! One, two, three, push!"
"UGGHHHHH!! Whoo. Whooo."
Pakiramdam ko madudurog na yung mga buto ko dahil sa sobrang higpit ng hawak ni Blade sa kamay ko.
Pero hindi ko na ininda yung sakit dahil alam kong mas nasasaktan siya ngayon. I wiped the sweat on her forehead and then whispered sweet nothings in her ears.
"Isa na lang!"
"HINDING-HINDI KA NA TALAGA MAKAKAULIT, KAHLIL ANTHONY YUZON! LECHE KA!!!! UGGHHHHHHH!!!"
Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumalahaw ang isang iyak.
"Congratulations, Mr. and Mrs. Yuzon. It's a boy," sabi nung doktor.
Hindi ko namalyang umiiyak na pala ako habang pinagmamasdan ko yung sanggol na hawak nung doktor. And then, I turned to Sugar who was lying limply and smiling through her tears.
"You are so brave. Thank you so much, wife. I love you!" I said laughing.
And then once again, I cried.
Tears of joy syempre.
Nakatatlo na kami. And there are many more babies to come! Haha I just know it! Kaya wag kayong maniwala kay wifey na di na ko makakaulit. Dahil alam kong kahinaan niya ang alindog ko. Haha
Napatingin ulit ako dun sa anak namin nang ipinahawak muna sakin dahil nakatulog na si Sugar. Panigurado paglaki nito, ubod na naman 'to ng gwapo.
Wala eh. Nasa genes lang iyan. Mana silang lahat saakin.
:)
A/N:
And that's the last special chapter, I guess? Hahaha
Hello guysss!! Grabe. Super duper sorry sa sobrang late neto. Pati book 2 wala pa. Haha Pasensiya na talaga. Sobrang busy kasi sa school kaya di na ko nakakahanap ng leisure time para magsulat. Kaya for now, di ko muna ma-po-post ang book 2. I'm really, really sorry. Hope you understand. Sobrang busy lang talaga. Hirap pala ng 4th year! Hahaha
Osiya... Know that Me loves you all! :DD
God bless!
BINABASA MO ANG
Perfect Couple: A Jerk and A Bitch (COMPLETED)
Dla nastolatkówA story about two antagonists, a jerk and a bitch, who have long been disillusioned by love, but in some twist of fate, they'd soon find themselves hopelessly in love with each other. COPYRIGHT © 2012 by FirstLoveLasts