"Kahit ang mga anak ko nalang ang iligtas ninyo, pakiusap hindi kuna kaya..... H-h-handa ako mamatay para sa kaligtasan ng mga anak...... M-m-may matanda sa loob diba? B-buhayin ninyo siya, pati ang mga anak ko" humihikbing saad ng babae.
"Pero ma'am, masyadong delikado kapag inilabas natin rito ang mga bata at may posibilidad na hindi ninyo kayanin" pilit na pinapakalma ng doctor ang babae.
"Is there no other way? Patuloy na yumayanig ang lupa, baka mas lalo lang tayong mahirap" kalmadong saad ko habang malalim na tinitignan ang babaeng buntis. Kagaya ng sa matanda ay hindi rin masyadong dumudugo ang sugat niya.
"Meron naman, pero wala tayong incubator na nakareserba. Kailangan e undergo natin agad siya sa surgery at dapat sa loob ng 30minutes ay matanggal na itong bakal, dahil pinipigilan nito ang maayos na pagdaloy ng dugo papunta sa mga bata" mabilis na sagot ng doctor.
Pinagmasdan kung mabuti ang bakal, medyo makapal ito, at mabigat naman ang batong gumuho sa likuran ng babae, kung kukunin namin siya ay kailangan may isang matira para manatili ang balanse.
"May pocket, lazer fire kaba?" i ask. Year 2023 na ngayon kaya sigurado akong meron. Tumango siya ngunit nagtataka akong tinignan. "May airpump ka rin riyan tama?" tanong ko ulit, tumango naman siya.
"Lagyan mo ang babae ng airpump. At bigyan mo rin ako ng isa rito, ibigay muna rin ang lazer fire sa'kin" medyo delikado ang gagawin ko pero kesa naman hayaan ko ang buntis na mamatay kasama ang mga anak niya.
"Anong plano mo?" bakas sa boses ng doctor ang kaba.
"Puputulin ko ang bakal, pero hindi natin kukunin, pero bago yun, kukunin ko muna ang mga batong nakaharang papunta sa kabilang suit" napabuntong-hininga ako at nagsimulang kunin ang mga bato isa-isa, hindi naman ganun karami pero mabibigat. Nag presenta ang doctor na tumulong pero pinanatili ko lamang siya.
"Delikado ang gagawin mo, baka bumigay ang bakal sa kabila" mahinang saad ng doctor na animo'y iniiwasan na marinig ng naghihingalong babae.
"Kaya nga humingi ako ng airpump sayo, ako na ang bahalang mag balanse ng bakal, siguraduhin mulang na mabubuhay ang mga bata, at gagawin ko lahat ng kaya ko para makalabas kayo rito" pursigido na talaga ako. Kailangan mabuhay ng babae. Kahit man lang sa kanya ay maitama ko ang mga mali ko.
Nakaalalay lamang ang doctor habang dahan-dahan kung nili-lazer ang bakal. Kahit papaano ay gumagana naman, pero Kailangan kung higpitan ang kapit sa bakal dahil ramdam kuna ang bigat nito. Malakas ang apoy na nanggagaling sa lazer fire, kaya naman wala pa sa kalahating minuto ay nakuha kuna ang bakal.
"Buhayin mo ang kambal..... At kung kaya mopa, buhayin mo rin ang mama nila.... Lumabas kayo rito ng ligtas, alam kung kaya mo. Sa itsura mo palang alam kung magaling kang Doctor e. Wag mo silang pabayaan, gawin mo ang para makita ng mga bata sa sinapupunan niya kung gaano kaganda ang mundo" totoong ganda nito na minsan sa buhay ko ay hindi kuman lang nasilayan.
"Pero puwede kang mamatay sa ginagawa mung iyan.... Bitiwan muna iyan, sumama kana sa'ming lumabas.... Masyadong mabigat ang bakal hindi mo kakayanin" tarantang saad nito habang hawak ang airpump ng babaeng buntis.
YOU ARE READING
Owning that Badass Heart (Cinco Series)
Teen Fiction𝗖𝗵𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗲𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 the cold badass agent unexpectedly meet 𝗔𝘅𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗿𝗲𝗻 𝗧𝗲𝘅𝗼𝗻 a flirty but determined man. Because of that accident, chalina's life will change, the man name axion's will pursue his goal, and that...