Axion Pov.
"Wala talagang kupas 'yang si doctor texon haist."
"' 'yong mata subrang inosente. Pero yung katawan, makasalanan"
"Wag kangang ganyan baka mamaya sisantehin ka niya ng wala sa oras"
Bulong-bulungan ng tatlong nurse rito sa ward. Walang pagbabago, tsk. Alam ko namang pogi ako, may maskuladong katawan, mabango, matangkad, matalino inshort full package na pero hindi naman kailangan araw-araw ako ang laman ng bulungan nila. Ang aga-aga e.
"Ang aga-aga naka kunot-noo kana. Sige ka baka matakot ang kambal kapag nakita ka nilang ganyan" biglang sulpot ng kaibigan ko.
He's Chander Garcia, one of the best pediatric-neosurgeon in this hospital. At the same time isang gunggong sa buhay ko.
"Babae lang ang makakapagpawala ng badtrip mo oy" tukso niya ulit. Pero hindi ko siya pinansin. Wala akong oras para sa kalokohan niya.
"Whew, so girls no more naba? Sayang may bagong bukas na bar pa naman rito at balita ko magaganda mga babae roon" kaunti nalang talaga babatukan kana 'to.
Mahimbing na natutulog ngayon ang kambal sa loob ng incubator. Tsk, isang linggo na silang hindi dinadalaw nung babaeng iyon ah. Ni hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Tsk, kahit sa guess record nakalagay lang roon CMA. Haist.
Aminadong nung una ko siyang nakita ay parang umatras yung tapang ko. Paano ba naman, kahit walang emosyon ang mata niya e yung presensiya niya naman ay parang kakainin ako. Mabuti nga rin at hindi siya nagalit nung hindi 'ko nagawa ng mabuti ang trabaho ko roon sa isla. Bukod sa pag do-doctor ay isa rin akong tour-guide hobby ko rin iyon na pinagkukuhanan na rin ng pera.
Yung sweldo ko sa pagiging doctor ay sa mga importanteng bagay ko nilalaan, para sa charity, feeding program and etc. Yung galing naman sa pagiging tour-guide ay iyon ang ginagastos ko sa mga kalokohan ko.
I won't denied that i am a total jerk, i maybe look like an innocent man, but the fact is, i am not. They used to call me "Heart breaker" but as if i care. It was their choice to chase me not mine. I am not innocent anymore but it doesn't mean that i already fucked alot of girl, because i did not. Maybe i am kissing them, touch them, pero hinding-hindi ko kayang gumalaw ng isang babae not unless iyong babaeng papakasalan kuna.
"Sa tingin mo-----" halos mapahilamos ako ng mukha ng bigla nanamang sumulpot si loko. Kunti nalang susuntukin kuna siya e.
"Puwede ba lubayan mo muna ako? Saka hindi ba oras ng trabaho mo ngayon? Bakit nandito ka sa nursery room? Don't tell me may anak kana?" i tease him making him groan.
"Oh fuck you ax. Hindi ako magkaka-anak dahil nag-iingat ako oy, 'di gaya sayo na puro halik at hawak lang tsk, weak boy" he teas me back but i didn't mind.
Pinagmamasdan kung mabutin itong kambal. Kinuha ko ang pangalan serial from the word "serial tragedy" wala sa oras kasi silang inilabas sa sinapupunan ng mama nila dahil sa isang trahedya. And zavian from the word Save. Zavian pronounce as "Save-yan" and ian from my mother last three letter of her name.
YOU ARE READING
Owning that Badass Heart (Cinco Series)
Teen Fiction𝗖𝗵𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗲𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 the cold badass agent unexpectedly meet 𝗔𝘅𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗿𝗲𝗻 𝗧𝗲𝘅𝗼𝗻 a flirty but determined man. Because of that accident, chalina's life will change, the man name axion's will pursue his goal, and that...