Myka's POV
They're having fun.
Dapat ako din eh, pero ang sama-sama mo Ian!
Walang nakaka-pansin sakin kaya, lumabas ako para mag pa-hangin.
Hindi naman pala mainit dito sa school, mahangin nga eh.
Pero syempre umaga yon at gabi na ngayon kaya mahangin.
Nag lakad-lakad ako, hanggang sa makarating na naman ako sa School Garden.
Bakit ba dito?
Nakita ko yung isang bench, naalala ko na.
Dito ko naging MU si Ian.
Paulit-ulit kong naaalala yung video nila Ian kanina.
Paulit-ulit din sumasagi sa isipan ko na, niloko niya lang ako.
Feeling ko nababaliw na ako sa mga iniisip ko.
Ganito pala talaga pag na-inlove at nasaktan no?
This is the reason kung bakit ayoko ma-inlove, kung bakit ayoko mag mahal.
Kasi ayokong masaktan, takot ako masaktan.
Tumutulo na naman ang mga luha ko.
-Flashback-
Habang naglalakad kami ni Ian papuntang music room, nung day na naging MU kami.
Magka-hawak kamay kaming naglalakad.
Pero nasa-isip ko.
I like you too but, masasaktan lang tayo.
Maybe hindi pa ako ready, pero ayokong masaktan.
Natatakot ako na baka isang araw, masaktan lang tayo.
Pinipigilan ko ang puso kong magmahal, pero bakit pag dating sayo hindi ko mapigilan?
Ayokong maging tayo kasi masasaktan lang tayo.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, Mikay" Sabi ni Ian sakin.
"Naisip ko lang, what if masaktan lang tayo?"
Nag smile muna siya at humarap sakin.
"You know Mikay, part ng pagmamahal ang masaktan" Ian
"Kung masasaktan, edi masaktan. Normal lang naman yun diba?" Dugtong niya pa.
Nag nod nalang ako at naglakad ulit kami.
--------------------
Pinunasan ko yung mga luha ko.
BINABASA MO ANG
When I Was Your Man
Teen FictionDon't choose the one who is beautiful in the world. But rather, CHOOSE THE ONE WHO MAKE YOUR WORLD BEAUTIFUL.