Chapter 32

16 3 0
                                    

Alyssa's POV

Ang sweet nung ginawa ni Sean kay Mikay.

Hays kailan kaya darating yung para sakin?

"Alyssa, wag ka mag-alala mahal kita. Wag mo kong masiyadong iniisip." Biglang sabi ni Andrei.

Kapal talaga nito, akala mo naman siya talaga iniisip ko.

Sinamaan ko ng tingin.

"Ano na naman babe? Galit ka na naman sakin? Sorry na babe" Andrei

"Argh! Kapal mo talaga no? Kailan ka ba titigil ha?" Sabi ko.

"Sungit mo naman babe" Sabi niya.

"Babe ka diyan?! Pwede ba tumigil ka na, naiirita na kasi ako!" Pagsusungit ko.

"Ayieee. Babe pa ngaaa" Tropa.

"Aso't pusa lang e." Gesnia

"Kayo na ba?" Tanong ni Mikay

"OF COURSE NO!" Sabay naming sabi ni Andrei.

"Asus. Ultimo pagsagot nga nagkakasundo kayo eh." Sean

"Destiny tawag diyan." Sylvester.

"Dami niyong alam uy!" Sabi ni Andrei.

Nakaka-inis talaga yang si Andrei! Aish.

Napaka-hangin eh!

Babe babe babe pang nalalaman! Argh.

"Madapa ka sana." Bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Ano yun babe? Ako madadapa? Hahahaha wag ganun babe. Mahal naman kita, wag ka mag-alala walang iba ikaw lang." Biglang sabi ni Andrei.

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Ano yun? Bakit may ganun? Anong feeling yun?

"Ano? Na stuck up ka na diyan?" Sabi niya.

Tumingin lang ako sa kaniya at tumakbo papunta sa comfort room.

Pag pasok ko, tumingin lang ako sa mirror.

"Alyssa, chill lang. Alam mo namang joke lang lahat yun diba? Bakit ganun yung naramdaman mo?" Sabi ko sa sarili.

Para akong tanga. Wala lang kasi yun.















Myka's POV


"Anong nangyari dun kuya bestfriend?" Tanong ko nung nakita naming tumakbo sa cr si Alyssa.

"Ewan bigla nalang tumakbo." Kuya Bestfriend.

"Ayan kasi!" Erica

"Sundan kaya natin." Gesnia

"Tara." Sabi ko at sinundan namin si Alyssa sa cr.

"Oy Alyssa, anong nangyari?" Erica

"Ha? a-ano w-wala." Sagot niya.

"May hindi ka sinasabi e." Gesnia.

"Ano yun Aly?" Tanong ko.

Nag sigh siya "Okay sasabihin ko na kung ano nangyari."

"Buti naman." Erica

"Kanina kasi, sa sobrang inis ko kay Andrei binulungan ko yung sarili ko na sana madapa siya. Di ko naman alam na narinig niya pala yun at sinabi niya sakin na wag daw ganun kasi mahal niya naman daw ako at walang iba ako lang." Sabi niya.

When I Was Your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon