Sean's POV
Wala akong gana pumasok. Leche eh mukha ngang sasagutin na ni Mikay yun e.
(Bakit nanligaw na ba yung tao? Drama e)
Hindi pa.(Eh kung ako kasi sayo sabihin mo na, unahan mo na, ligawan mo na. Torpe ka kasi e)
Hindi ako torpe. Syempre ayoko lang na mag-iba kami, syempre pag nalaman niya baka maging Awkward na kami. Alam mo yun?
(Ayts. Wag mo kasi pangunahan lahat. Hahahaha. Drama e)
Oo na Ms. Author talaga, hahanap at hahanap ka ng paraan para maka-extra dito sa story. Tsk. Hahahaha.
"Sir. May naghahanap po sa inyo." Sabi nung isa sa maid namin.
OH FUDGE! NAKIPAG CHIKAHAN PA KASI AKO KAY MS. AUTHOR EH, HAHAHAHA. DADAANAN NGA PALA AKO NG TROPA. SABAY-SABAY KAMI PAPUNTANG SCHOOL. HAHAHAHAAHAHA
"Yaya! Paki-sabi nga sa kanila antayin ako" Sabi ko.
"Opo sir"
Pagka-ayos ko nagmadali akong bumaba.
Lumabas na ng main door at...
"Uy pre!" Sabi nila Andrei.
"Si Mikay?" Tanong ko kaagad dahil siya lang wala samin. Malamang sinundo na yun nung asungot na mukhang palaka.
"Hinanap agad e" Sabi nila Alyssa.
"Hahaha. Chill bro, susunduin palang natin siya." Sabi ni Andrei.
"Okay." Sabi ko at sumakay na sa kotse ni Andrei. Di ko na dadalhin yung kotse ko.
Maya-maya nakarating na kami kanila Mikay.
"Yaya Loi, si Mikay po?" Sabi ni Andrei kay Yaya Loi.
"Ay nasa taas pa. Hinahantay na nga kayo nun e" Sabi ni Yaya Loi.
Nag nod nalang si Andrei.
Ilang minuto din lumabas na si Mikay. Takte, ganto ba talaga tong babaeng to? Ang simple simple pero ang ganda.
"Oh yang bibig mo, mapasukan ng langaw." Sabi ni Andrei. Sira talaga to.
"Sira." Sabi ko.
"Ughm tara?" Sabi ni Mikay.
Nag nod lang kami at pumasok na sa kotse at pumunta na sa school.
Andrei's POV
Pagdating namin ng Campus, syempre sa Parking Lot muna kami.
Pagbaba namin...
"Ughm pwede bang dumaan tayo sa hallway?" Sabi ni Mikay.
"Oo naman." Sabi ko.
"Mikay, alam ko kung sino dadaanan natin dun. Ayiiee" Sabi ni Alyssa.
So si Ian na naman. :3
Habang naglalakad kami...
"OMYGGGGG! NANDITO NA YUNG BLUE MOONS!"
"WAAAAAH. ANG POGI NILA, ANG GANDA DIN NILA MIKAY HUHU KAINGGIT!"
Okay fine. Fans. Joke pero ano pa nga ba tawag sa kanila? Tuwing umaga titili sila diyan kapag nakikita at nakakasalubong nila kami. Diba mga fans na yun?
BINABASA MO ANG
When I Was Your Man
Fiksi RemajaDon't choose the one who is beautiful in the world. But rather, CHOOSE THE ONE WHO MAKE YOUR WORLD BEAUTIFUL.