Chapter 4

63 6 2
                                    

Myka's POV 

Aish. Nai-inis na nga ako kanina, hanggang ngayon inis parin ako. 

Paano, nakaka-inis talaga! Topic kanina si Kim. Tss. Nakaka-inis lang eh. -_-

Marami siyang ginawa samin dati kaya hinding-hindi ko malilimutan yon! 

Tok.Tok.Tok! 

"May tao!!!" sigaw ko. Nagmo-moment pa ako dito eh. Namumula na nga yung mata ko kaka-iyak eh. Pasensiya na ho kung iyakin ako, Pero wala eh masiyadong masakit talaga yung ginawa niya samin eh. Hindi ko talaga makakalimutan yun.

"Bhe! Tara na! Yung order mo nandun na, Kain na tayo." sabi ni Alyssa. 

"Okay lang. Sige mauna na kayo kumain" sabi ko. Eh kung babalik naman ako dun, baka yung babaeng yun parin ang topic nila. Hays -_-

"Ok sige. Basta sumunod ka dun. Bhe pag 5 mins. wala ka parin pupuntahan na ulit kita diyan, hihingin ko sa office yung susi niyan sige." sabi niya

"Ok. Susunod na ako." 

Maya-maya lumabas na ako ng comfort room, at pumunta na ako sa Cafeteria. 

"Oh Partner! Bakit ka umiyak?" sabi agad ni Gesnia paglapit ko palang sa table namin. 

"Di ano. Wala to humikab lang ako." Pagkukunwari ko. Interogation na naman kasi kapag sinabi kong umiyak ako eh. 

"Humikab pero namamaga yang mata mo, kilalang-kilala kita kaya alam ko kung umiyak ka o hindi. Bakit ka umiyak ha?" Aish. Sabi ni Andrei. Sabi na eh. 

U-upo na sana ako nang...

"Galit ka ba sakin ha? Kanina sa kotse, hindi mo ko kinikibo. Tapos kanina hindi mo sinasagot yung tawag ko, tapos ngayon ang layo-layo mo sakin. Pero mostly naman tabi tayo. Galit ka ba?" sabi ni Andrei. Ano ba yan di ko kayang magalit sa kanya eh. Syempre bestfriend ko siya eh. 

Nakatingin ako sa kanya na di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko. Eh nakaka-inis eh, sya naman yung lolokohin ni Kim ngayon. Una palang na nalaman kong may gusto si Andrei kay Kim, Winarningan ko na siya pero hindi niya alam na may ginawa sakin o samin si Kim. 

Pinunasan ko yung luha ko at lumapit sa kanya. Itinaas ko yung kamay ko na ready na makipag fist bump sa kanya. Remember lagi kasi namin ginagawa yung fist bump lalo na pag nagkikita kami. Hahahaha XD

Nag fist bump kami nang...

Clap.Clap.Clap

"Ang galing ng drama. Abangan ang susunod na kabanata, Gutom na ako eh" sabi ni Sean. Hahahahaha. Kahit kailan loko to eh.

"Hahahaha. Sira ka talaga pre" sabi ni Andrei sa kanya. 

Alyssa's POV 

Alam naman naming 3 kung bakit nawala sa mood yun si Mikay eh. Yung dalawang lalaki lang naman yung hindi alam eh. Hahahaha XD 

Kahit naman kasi ako yung nasa lugar niya eh, at puro Kim Villaricio yung pinag-uusapan masisira mood ko eh. 

Pupunta kami sa bahay nila Andrei. dun daw kasi kami mag pa-practice para sa War of the bands. 

Since dalawa yung kotse. Isa kay Andrei at isa kay Sean. Syempre si Mikay kay Andrei yun sasabay.

Sasakay na kami ng kotse ni Sean nang..

"So iwanan? Can I go with you guys?" sabi ni Mikay. 

"Samahan mo nalang yan bespren mo!" sabi naman ni Sean. 

"Oh relax lang pre, bat ganiyan ka mag react?" sabi ni Andrei. Hahahaha. Dun ako natawa eh. 

"Aish. Leche ka pre with feelings" sabi ni Sean. Grabehan to ah, pero napag hahalataan to si Sean ah. 

"Guys. tara na" sabi ni Erica and Gesnia. 

"Diyan ka nalang Mikay. Magkikita padin naman tayo eh, Hahaha" sabi ko. 

Nakita kong sumakay na si Mikay at sumakay nadin kami.

Nauna silang umandar at biglang tumigil at binusinahan kami. Ibinaba naman ni Sean yung bintana.

"Problema mo Pre?" ito na naman sila. Wahahahahaha. 

Walang reaction si Andrei. Hahahaha.

"Alyssa. Get out and sumakay ka sa kotse ko" Sabi ni Andrei. Hala bakit? 

"Ughm ako?" sabi ko, kasi baka kapag ako yung bumaba assuming ako. Hahahaha. 

"Hindi si Erica kasi tinawag ko siyang Alyssa eh." Hahahahaha. Kahit kailan loko to eh.

Tumingin ako kanila Erica at putekk, Ngumiti ng pang-asar.

-------------------------

A/N: Sorry ngayon lang nakapag-update. May pasok na kasi eh. Vomment po :)  

When I Was Your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon