Paupat POV
Nanay pinapagising na po ni Aiden sila Ethan, Grayson at James po para sabay-sabay ng makapag almusal.
Yan ang sinabi ko sa aking ina habang nag aayos ako ng hapag kainan. Minsan lang magkasama sama ang magkakapatid at magkakasabay kumain kaya kapag may chance ay talagang sinusulit nila ang oras na magkakasama.
Nga pala ako si Paul Patrick Santos or Paupat maaaring naikwento na ako sa inyo ni JAM ang bestfriend ko, and for sure buong detalye na ang naikwento niya kaya di ko na din uulitin pa ikwento. Nag aayos ako ngayon ng mga plato dahil mag aalmusal kaming sabay sabay ngayon sa bahay, once in a blue moon lang ito mangyare kaya talagang pinaghahandaan. Naka leave ang mga kuya ni Jam hindi nila sinab sa bunso nilag kapatid para I surprise ito, since malapit na ang pag aaral ni Jam sa college kaya gusto nila mag laan muna ng oras at panahon sa kanya. Pinatawag ko na kay nanay ang magkakapatid gaya nga ng utos ni Aiden ang kuya ng magkakapatid. Hindi ko sure kung ako ang mag papakilala sa inyo ng magkakapatid or hayaan ko na si Jam since madaldal naman sya.
Maya maya isa isa ng bumababa ang magkakapatid, unang dumating sa hapag kainan ay si Grayson ang kababata ko pupungay pungay pa nga ang mokong habang naglalakad,for sure puyat pa yan dahil anong oras na kami nakauwe galing trabaho kagabi dahil sa daming inasikaso sa office, boss ko yang si Grayson personal assistant niya ako sa sarili niyang kumpanya.
Sumunod dumating si Ethan na nililinis pa ang kanyang eyeglasses habang naglalakad, at huling dumating ang BFF ko na sa tingin ko ay ayaw pa bumangon dahil sa antok pa pero pinipilit dahil ngayon na lang niya ulit makakasama ang mga kuya niya.Hindi rin nagtagal isa isa na silang umupo.Katabi ko si Jam, katapat niya si Ethan at katapat ko si Grayson, nasa gitna naman si nanay at si Aiden.
--------------------------------------------------------------
AIDEN POV
Kamusta ka James?, nakapag enroll ka na ba? Anong course ang kinuha mo?, at sang University mo napiling mag aral?, may tutuluyan ka na ba? May kakilala ka ba sa mga magigng kaklase mo?
Sunod sunod na tanong ko kay James habang kumakain, natatawa ako sa mukha ng bunsong kapatid ko dahil hindi maipinta ang pag mumukha habang punong puno ng laman ang kanyang bibig. Ikaw ba naman tanungin ng sunod sunod habang kumakain sino ang matutuwa? Oo nga pala need ko magpakilala para di na mahirapan ang kapatid ko dumaldal sa inyo para lang ipakilala kami isa-isa.
I'm Aiden Paul Mendrez panganay sa apat na mendrez, 27 years old 6 foot 1 ang height, nagtapos ng Civil Engineering sa isang kilala at sikat na unibersidad sa America at nagpapatakbo ng sariling developing and realty company. Simula ng mamatay ang mga magulang namin noong 3 years old pa lamang si Jam ay ako na ang tumayong magulang ng mga kapatid ko katulong si nanay carmelita lalo na kay Jam dahil bata pa lamang siya ng mawala sila mama at papa. Ngunit ng dumating ang panahon na nag simula na mag aral si Jam ay naging busy na ako sa trabaho at kumpanya kaya di ko na nasubaybayan ang paglaki ni bunso. Minsan na lamang din kami magkasama-sama dahil busy lahat ng mga kapatid ko sa kanya kanyang trabaho at kumpanya at tanging si Jam na lamang ang naiiwan mag isa sa bahay kasama si nanay Carmelita.