NOTE: Hindi ako sure kung tama ba ang mga terms na ginamit dyan. Mianhe.
Sa pag-eedit ng kahit anong klaseng edit especially for book covers, wala yan sa klase ng editor na ginagamit. Nasa skills ng artist yan. Kahit naman kasi ang pinakalatest na Adobe Photoshop version ang gagamitin pero kung wala ka namang skills, useless. Hindi ko sinasabing magaling akong mag-edit, marunong lang. Nagsimula akong mag-edit ng book covers na sa pizap.com ko pa ginagawa. Ang hirap, as in, lalo na't limited lang yung tools. Pero yun yung naging stepping stone ko, dun ako nagsimulang matutong mag-edit. Yung book covers ng Hot And Cold at My Psycho Girl, doon ko ginawa pero yung sa title, photoscape ang ginamit ko :) Maraming nagandahan dyan sa mga covers na yan nung pinost yan ni Ate Yhel then inakala pa nila na sa Photoshop ko inedit eh wala pa akong photoshop software that time and hindi pa din ako marunong mag-edit using photoshop XD
Then yun nga, photoshop CS5 ang unang photoshop na ginamit ko, dyan na din ako nag-explore at nag-experiment sa pag-edit. Nganga pa ako nung unang beses na dinownload ko yan kaya ayun, ilang months yang tambay sa lappy hanggang sa naisipan kong manuod ng mga photoshop tutorials sa youtube. Opo, through youtube photoshop tuts lang po ako natuto, walang nagturo sa akin ng actual. CS5 kaagad ako, hindi ko tuloy gamay ang CS3 na mostly sa mga amateur artists eh dyan nagsisimula at natututo XD Mas nahihirapan ako sa CS3 kesa sa CS5 at CS6
I'm not a pro. Amateur graphic artist lang ako pero masasabi ko na nag-iimprove ang mga edits ko since the day I started editing. Yung maganda sa photoshop CS6 (yan ang ginagamit ko ngayon) is marami syang tools and options. As in marami talaga.
Hindi ako gumagamit ng mga PSD colorings kapag nag-eedit ako. Wala kasi akong stocks, hindi din ako marunong gumawa. Wala akong masyadong alam sa pag-eedit, basic lang. Ni hindi ko nga alam yung topaz clean eh. Wala din akong masyadong alam sa mga editing terms. Pfft!
I don't use PSD colorings, topaz clean, bushes, patterns and adjustments sa mga graphics ko. Wala akong alam dyan. Haha! Gumagamit ako ng mga gradient overlays pero mga presets lang sa photoshop software ko. Textures, blendings at overlay efects lang madalas kong gamitin.
Kahinaan ko ang Typography. Wala akong sense of font. Dyan ako natatagalan sa pag-eedit, minsan tapos ko na ang graphic pero wala panh typo. Hahaha! Ang hirap lalo na kapag may favorite font ka XD
Yung point ko is, kahit anong editor ang gagamitin, nasa skills pa rin ng artist ang kagandahan ng graphic art. Always remember, "Simplicty is Beauty" na-apply talaga yan sa mga graphic arts. Dati kasi, nagagandahan ako sa mga graphics na madaming stocks ang gamit pero ngayon, mas bet ko yung mga simple lang, yung mga vintage styles din.
Editing software: Photoshop CS6, Photoscape
Stocks/Resources: Google, Deviantart, Twitter, Tumblr
Fonts: DaFont.com-Rima Ü
![](https://img.wattpad.com/cover/11559480-288-k182548.jpg)
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
RandomThis is NOT a story. Made this to release my (rima/minmaeloves) thoughts on some issues or topics. Random thoughts, rants and etc.