If you were give the chance to choose between the man you love and the man who loves you, who will you choose?
If I were to choose between the man I love and the man who loves me, I’ll gonna choose the latter, the man who loves me . Mahal nya ako kaya alam ko at sigurado akong hindi nya ako sasaktan. Siguro kung lalake ako, pipiliin ko yung taong mahal ko pero hindi eh, babae ako kaya natural lang na piliin ko ang taong mahal ako. He’s also my reflection. Alam ko, higit kanino man, kung ano yung nararamdaman nya kasi pareho kame. Mahal nya ako pero may mahal akong iba. Alam ko kung gano kasakit na hindi ma-reciprocate ng taong mahal mo yung feelings mo para sa kanya so hindi ko hahayaan na maramdaman/maranasan yun ng ibang tao ng dahil sakin. Imbis na magpakatanga ako sa taong mahal ko nga pero wala naman paki-alam sakin, bakit hindi ko hayaan yung sarili ko na gawin sakin ng isang taong mahal ako, yung mga bagay na ginagawa ko sa taong mahal ko na hindi naman ito na-aappreciate. Yung taong hindi ako paiiyakin. Yung tanggap ako kung sino o ano ako. Yung laging andyan para sakin lalo na sa mga ups and downs ng buhay ko. Yung na-aappreciate yung existence ko. Yung gagawin ang lahat, mapasaya lang ako. Yung taong magpaparamdam sakin na ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ang sarap kaya sa feeling kapag nalaman mo na may nagmamahal pala sayo. Hindi mahirap mahalin ang taong ganyan, sa una siguro oo, lalo na kung pipilitin mo yung sarili mo na mahalin sya but if you’ll just let it go with the flow, eventually, magigising ka na lang na mahal mo na din pala sya. Ganyan kasi yung love, bigla-bigla mo na lang mararamdaman. Sabi nga ni John B. Watson (Father of Behaviorism) “Everything in this world is Learned.” Hindi ko sinasabi na naniniwala ako na natututunan ang pagmamahal pero hindi ko din sinasabi na hindi. May instances kasi na once na nalaman mo na mahal ka ng isang tao, unexpectedly and unknowingly, you’ll find yourself falling for that person. According din kay Watson, “Everything starts with the thought,” so kung iisipin mo na matututunan mo syang mahalin, matututunan mo talaga syang mahalin. Don’t rush, take your time. Hindi masarap kapag hinog sa pilit .
Why would I not choose the man I love? OO pa siguro kung alam kong may pag-asa ako sa kanya pero kung malinaw pa sa sikat ng araw na wala talaga, edi wala. OO nga at mahal mo pero kung nasasaktan ka na, tigil na. Ayokong pilitin yung sarili ko sa taong hindi naman ako gusto. Ayokong sayangin yung mga efforts ko sa kanya. Para lang akong naghihintay ng jeep sa bus station. Magmumukha pa akong tanga. Bakit ko pa pipiliin ang masaktan kung pwede ko naman piliin ang taong hindi ako sasaktan. Ano yun? Suicide? De joke lang. Haha XD Imbes na magpakatanga ako sa kanya, bakit hindi ko na lang bigyan ng chance yung mga taong nagpapakatanga para sakin? Hindi na nga ako masasaktan, napasaya ko pa sila.
My friend once told me, “Marry the man who loves you, not the man you love.” And I agreed with her. Hindi lang naman “love” ang pwedeng maging dahilan para pakasalan ang isang tao eh. Mahal mo nga, nasasaktan ka naman, useless lang, kaya maraming pagsasama ang nauuwi lang sa hiwalayan.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
RandomThis is NOT a story. Made this to release my (rima/minmaeloves) thoughts on some issues or topics. Random thoughts, rants and etc.