Thank You 2015 - Hi 2016

62 3 0
                                    

I know I'm a bit late for this but lemme still share my thoughts.

2015? Wala akong masyadong maalalang significant event na nangyari sa buhay ko sa taong ito maliban sa ako'y grumaduate sa college. I wasn't that lucky in terms of Job. Siguro hindi pa tamang panahon para sa'kin.

Hindi naman ako pinepressure ng pamilya ko. Wala naman silang sinasabi. Pero mas lalo akong napepressure sa katahimikan nila. Kaya gustung gusto ko na talagang makapagtrabaho.

Ay wait, wala man masyadong significant events sa 2015 ko, marami naman akong firsts na na-experience. Andyan yung:

-First time kong mabaliw/ma-adik sa isang local loveteam, AlDub. Yung tipong naging active ako sa twitter ko para lang maging updated sa mga nangyayari sa kanila. Yung twitter ko na dati eh puros kadramahan ang laman, ngayon, puros tungkol sa AlDub na. Yung tipong lahat ng commercials nila sa TV eh inaabangan ko talaga kahit pwede ko naman ulit uliting panuorin sa internet. Yung tipong hindi ako nagbabasa o bumibili ng magazines pero dahil sila ang nasa cover, gagawin ang lahat makabili lang na nakaya kong hindi muna bumili ng libro. Yung tipong nagpabalik-balik ako sa McDo para lang makumpleto ang 2016 AlDub Calendars? [Thanks for my friend who helped me complete it]. Yung tipong kapag KS na tapos moment nila, halos pumutok na litid ko katitili/kasisigaw, magwala sa sobrang kilig, especially sa #ALDUBMostAwaitedDate at #ALDUBEBTamangPanahon. Kapag nga tinatanong ako ng mga kaibigan o kakilala ko kung bakit ganon na lang reaksyon ko sa AlDub, lagi kong sinasabi na "ewan", "hindi ko alam", "hindi ko ma-explain", "basta"... Parang love lang yan eh, wala concrete explanation kung bakit gusto o mahal mo ang isang tao o loveteam.

- First time kong pumunta sa isang mall show ng isang local celebrity, Alden Richards, dito sa lugar namin. Tamad akong tao. I'd rather stay at home and do nothing kaysa sa makipagsiksikan pagkaramiraming tao para lang makita ang isang particular na artista ng ilang minuto lang. Pero believe it or not, nagawa ko yan. Sabi nga nung kaibigan ko, tao na raw ako. Haha XD

-First time ko din humanga sa isang local female celebrity. Si Maine Mendoza [Nicomaine Dei Capili Mendoza] Yung tipong, oo nga at naaapreciate ko ang kagandahan ng ibang artista pero siya lang ang pinakamaganda para sa'kin. Nung una, panood nood lang ako ng mga dubsmash videos nya. Pero nung naging si Yaya Dub na sya sa KS, dun ako nahing curious sa background niya, then yun, nalaman ko na kung isa syang Yaya sa KS, prinsesa naman sya sa totoong buhay. Inspite of the famw she's experiencing now, super down to earth pa din sya and I salute her parents for that, kitang kita kung paano siya pinalaki ng maayos. Mas lalo akong humanga sa kanya at mas lalo ko syang minahal nung she took the initiatibe to apologize to Jullie Ann San Jose in behalf of Aldub Nation, those who bashed JA. Tapos nung nabasa ko yung interview niya sa PeopleAsia Mag, lalo na yung sa "TLC", grabe yung iyak ko dun. Who would have thought na inspite of her wittiness and jolly personality that's she's showing, may ganun pala syang dinadala inside her. I was like "come here, Menggay, I'll give you that TLC." After reading that shared interview, mas naging fragile ang tingin ko sa kanya. Yung tipong, ako na lang sabihan ng masasakit na salita, huwag lang siya. Apektado talaga ako sa mga hate messages na pawang paninira, ka-bitter-an lang naman ang sinasabi tungkol sa kanya. Grrr! From now on, always remember na laging andito AlDub Nation para sa'yo, sa inyo ni Alden, susuportahan, poprotektahan at mamahalin ka/kayo forever. God gave us you, Aldub. Kebs lang sa mga bashers mo, Meng. Hindi mawawala yan, kaakibat ng pagpasok sa showbiz yan. Aldub you! <3

-First time ko din maging part ng isang charity event. JSL-Zamboanga Chapter Lovedrive giveaway sa St. Francis House Oraphanage. Never kong in-expect na sa pagiging isang JSL ko mararanasan yun. Super sarap sa feeling makatulong. Grabe, hindi ko ma-explain ying nararamdaman ko that time. Sara sa feeling makita yung mga ngiti sa mukha ng mha bata.

So ngayong, 2016, isa lang yung wish ko. Stable Job o Career. Sana. Sana talaga. *Crossedfingers* Lovelife? Kahit wala na basta may trabaho lang.

HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!

PS. Sorry for the typos, on the spot eh XD Haha

-RimaÜ

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon