Chapter 10

50 1 0
                                    

Chapter 10


"Lets make a rules."


Napakunot ang noo ko sa sinabi ni xander. Rules? Rules ng kababuyan, ganon? Tapos kailangan siya masunod? Aba, sinuswerte ka naman atang lalaki ka.


Umiling ako sa sinabi niya.


"Look. Kung palagi tayong magaaway, walang mangyayari sa atin kate. Kung merong rules, edi maiiwasan natin yung gulo sa pagitan nating dalawa."


"What if ayoko?" Sabi ko sakanya habang nakataas ang isang kilay ko at nakahalukipkip.


He smirked. "Edi sasabihin ko kay daddy steve na ayaw mong sundin yung utos niya."


"The hell i care. As if naman mawawalan ako ng allowance kapag diko sinunod yung gusto niyo.."


Ngumisi pa siya lalo at kinuha yung phone niya. Mukhang may tatawagan.


"Hello, daddy steve. Ah yes po dad, nasa bahay napo kami.. Opo pinaguusapan napo namin. Kaso dad, ayaw niya eh. So pano ba yan? Mawawalan siya ng allowance.. Hanggang kelan?.. 1month? Ay masaya yan! Sige dad, i'll tell her. Thankyou, bye." Binaba na ni xander yung phone at humarap sakin ng nakangisi.


"Pag hindi mo sinunod si daddy steve. Mawawalan kalang naman ng allowance for 1month. Ang saya ng ganun, diba babe?"


Seryoso?! Paano nalang yung mga damit na bibilin ko every week? May bago pa namang labas na top ang jewels! At yung mga shoes na hindi kopa binibili! Shit, nagpareserve ako sa primadona! Hindi ko sila makukuha pag hindi ko sinunod sila daddy. Waaaah, no! Mamamatay ata ako pag nangyari yun.


"No! Paano nalang yung mga shoes and clothes na dapat kong bilin next week? Shit! Hindi pwede yun! I need money!" Singhal ko kay xander. Naloloka na talaga ako! Lagot talaga yan si daddy sa akin.


"Yup. Kaya kung ako sayo, sumunod kana lang."


"Aish. Sige na nga! Amin na papel at maglilista ako ng rules KO! Gumawa ka ng rules mo at sabihin mo sakin! Tss, badtrip ka!" Agad naman niyang binigay sa akin yung ballpen at isang papel at nagsimula na akong magsulat.


"Susunod din pala. Dami pang arte." Sabi niya. Tignan mo'to, kanina sa bahay ng parents ko ang bait niya. Tapos ngayon, ang sama nanaman ng ugali? Aish, ang plastik talaga.


Nagisip ako ng limang rules ko. Tignan nalang atin kung kakayanin niya yung mga rules ko. Ginusto mo ito diba? Ngayon, bahala ka sa buhay mo! Wahahaha.


"Done." Sabay wagayway ko ng paper ko sakanya. "You done? If tapos na, recite mo sa harap." Pahabol ko.


"Kanina pako tapos. Ikaw lang naman ang iniintay ko. Tss, turtle." Maka turtle naman to. Kung ako, mabagal lang kumilos. Siya naman, muka siyang pagong! Mas malala pa nga siya eh, tss.


"Turtle mo mukha mo! Oh ano na nga? Go! Sabihin mona rules mo!"


Status: Married to a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon