Chapter 1

90 3 0
                                    

Chapter 1



"Oh bakit nakabusangot ka nanaman dyan?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si emily.


"Eh pano ba naman kase, em! May test tayo ngayon sa biology! Hindi ako nakapag aral dahil dinig na dinig ko ang ungol ng babae na dinala ni xander sa bahay!" Sabi ko kay em habang sinasabunutan ang buhok ko sa sobrang stress.


"Bakit kase dimo nalang hiwalayan yang asawa mong playboy?"


"Alam mo namang diko pwedeng gawin yun. Anong mangyayari sa business namin pag naghiwalay kaming dalawa? Kawawa naman si father dear, baka mawala ang investment ng kompanya nila xander."


Hindi na umimik si em dahil siguro naisip nya din yung pwedeng mangyari pag naghiwalay kami ni xander.


Oo, tama kayo! Kasal na ako. Kasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal! Kasal ako sa isang playboy na walang ibang ginawa kundi magdala ng babae sa kwarto nya gabi gabi at gumawa ng milagro!


Nakakaloka! Bakit ba kase magkatabi ang kwarto naming dalawa eh! Ugh, naiinis ako sa nangyayari sa buhay ko! Dapat nag e'enjoy ako ngayon eh, hindi nababadtrip!


Ay sorry, diko na napakilala ang sarili ko sainyo. Na bwisit lang talaga ako kay xander! Ahm hello madlang people! Ako nga pala si kate, graduating student sa pascual university. 4th year college nako, Tungkol sa business ang aking course which is sobrang hirap. Pero nagpapasalamat nalang talaga ako dahil 2 weeks nalang at graduation nanamin.


At sobrang nagpapasalamat din ako dahil hindi ko schoolmate si xander, mamamatay ako kung mangyayari pa yun! Hangga't maaari talaga eh ayokong kasama ang kumag na yun dito sa school. Diko keri ang pakikipag landian nya'no!


And FYI, arrange marriage lang ang lahat kaya mag asawa kami. Pero hindi namin tinuturing ang isa't isa na mag asawa dahil alam namin sa sarili namin na hindi namin ginusto ito at hindi namin mahal ang isa't isa.


Natapos na ang test sa biology kaya keri na namin umuwi or gumala kung saan man namin gusto ni em (Short for emily). Okay lang rin na mag cutting kase wala na rin namang ginagawa at wala na rin talagang pumapasok na professor dahil pinaghahandaan na nila ang graduation.


"Oh girl, san mo gusto ngayon? Tara, gala tayo!" Aya sakin ni em.


"Hayy, pahinga muna ako girl. Kailangan ko ng tulog dahil hindi ako nakatulog sa milagrong nangyari kagabi sa kwarto ni xander."


"Ay, sayang naman! Sigesige. Next time nalang!"


"Sige, sige. Una nako, bye em!" Nag beso beso muna kami ni em bago kami nag hiwalay.


Papunta nako sa parking lot dahil hinihintay nako ng aking asawa. Si red! Red ang pangalan ng car ko dahil kulay red ito at favorite ko ang red kaya red ang pangalan nito, hihi. Si red lang ang loyal sakin eh. (Si red ay kotse hindi tao.)

Status: Married to a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon