Chapter 14

46 1 0
                                    

Chapter 14


Saturday ngayon at nandito ako sa bahay ni em. Kasama namin yung pinsan niyang lalaki at tyaka yung bago niyang boyfriend na si carlo. Natatandaan nyo paba si carlo? Siya yung kaibigan ni xander. Akalain mo nga namang nagtagpo pa yung dalawang ito.


Nasa kwarto kami ni em at nanunuod ng 'The conjuring' at ang bruhang si em ay grabe makakapit kay carlo. Yung isa naman, todo chansing kay em. Bagay nga sila, hays.


Binato ko kay em yung unan kaya natamaan din si carlo. "Ouch! Babe oh, si kate! Binato ako ng unan." Singhal ni em kay carlo.


Tumingin naman sa akin si carlo at binato din sa akin yung unan na binato ko sakanila. "Kate! Wag mo batuhin si bebe ko, nasasaktan eh."


Aba? Pinagtutulungan ako ng dalawang ito ah. At ano daw? Bebe ko? Pwe, nakakasuka!


"Gago! Lalandi nyo, mga hayop!"


Nasa kama kase ako ni em at si em at carlo naman ay nasa lapag at nakasandal sa higaan ni em. Si dindo naman (pinsan ni em) ay nasa sofa ng kwarto ni em at nakahiga. Kaya nga tanaw na tanaw ko yung landian nung dalawa eh. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa panunuod.


Biglang may lumabas dun sa taas ng drawer kaya napasigaw si em. "Kyaaaah! Pucha, ang pangit naman nun!" Niyakap naman siya ni carlo. "Wag kana matakot bebe, nandito naman ako eh."


ASDFGHJKL!! ANG LALANDI!!


"Packing tape! Palit na nga tayo ng pwesto em! Hindi ako makapanuod ng maayos sa kalandian nyong dalawa eh! Dyan na ako sa lapag! Dito na kayo sa kama!"


Tinawanan ako nung dalawa at tumayo. "Bes! Bakit ba ang bitter mo samin ni carlo? Uupakan na kita, hmm."


Dinala ko yung unan at umupo ako sa lapag at sumandal sa higaan ni em.


Nakatutok lang ako sa movie at kumakain ng popcorn ng biglang may narinig kaming nag ring na phone.


"Yes babe?" Ah si dindo pala. Okay, nevermind.


"Oo. Punta ka? Nanunuod kami.. Yuh yuh, imissyoutoo babe. No! Siya nanaman? Tss. Bye!" Humarap ako kay dindo at nakita kong naka simangot si astroboy. (astroboy kase yung hair niya.)


"Anyare?" Tanong ko sakanya. "Si mae, kasama yung bestfriend nyang lalaki. Psh, bwisit na yan." Aw, selos si astroboy.


Tumawa ako. "Wala. Bestfriend pala eh, talo kana. Break na kayo bukas."


Binato ako ng popcorn ni dindo. "Gago! Palibhasa hindi sweet sayo asawa mo!" Tumawa si em at si carlo. "Boom! Oo nga kate, hindi kase sweet sayo si xander kaya ganyan ka ka'bitter samin."


"Wala akong pake." Humarap nako sa movie at nanuod na lang ulit. Tuloy pa rin sa pangaasar yung tatlo kaya hindi kona lang pinansin.

Status: Married to a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon