Chapter 3

62 2 0
                                    

Chapter 3


"Pagmamay ari kita kaya akin kalang."


"Pagmamay ari kita kaya akin kalang."


"Pagmamay ari kita kaya akin kalang."


"Pagmamay ari kita kaya akin kalang."


"Pagmamay ari kita kaya akin kalang."


Paulit ulit pumapasok sa utak ko ang sinabi ni xander. Yun lang naman ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maigi kagabi.


Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil ayaw talaga umalis sa utak ko ng sinabi niya kagabi. Ugh, nababaliw nako!


Bakit niya naman sasabihin yun, diba? Ano bang gusto niyang mangyari? Suntukan? Aba, game ako diyan! Tadyakan kopa siya ng paulit ulit eh.


Tumayo nako bago pa maubos ang buhok ko sa kakasabunot. Humarap ako sa salamin at nagulat sa nakita ko.


"Mukha akong aswang." Nasabi ko habang nakaharap ako sa salamin.


Nag toothbrush ako at bumaba na si kitchen para kumain. Siguro pag kumain ako, mawawala na yung mga iniisip ko.


Pagbaba ko ay nakita ko si xander na kumakain at naka topless. Infairness naman talaga kay xander, maganda ang katawan niya. Halatang inaalagaan niya talaga kase meron siyang 6 pack abs.


"Tapos kana bang panuorin yung katawan ko? Free taste, baby." Namula naman ako sa sinabi niya. Umirap nalang ako para hindi niya makita ang pamumula ko.


Kumuha ako ng rice tyaka hotdog dahil yun yung nakahanda sa lamesa. Umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain.



"Kelan nga pala ang graduation mo?" Bakit naman niya tinatanong? As if namang pumunta siya.



"Next friday." Sabi ko at tinuloy ang pagkain ko.



"Pupunta ko." Nabigla naman ako sa sinabi niya. Pupunta ba talaga siya? First time kase yun eh.



Tumango lamang ako bilang sagot.


Bahala siya kung pumunta siya, pero sana makapunta siya. Gusto ko kase makapunta lahat sa graduation ko. Minsan lang kase yun mangyari eh. Last graduation kona kase kaya mas okay kung memorable.


Pagtapos niya kumain ay kinuha nya na ang suit niya at sinuot. Nag w'work na din kase si xander. Pero hindi siya ganun ka seryoso, wala pumapasok lang siya sa work pag may meeting lang sila. Pero ang totoo, daddy niya padin ang gagawa. At pagsapit ng gabi, ayun kasama nanaman yung mga friends niya at mga girls niya. Daily routine niya na yun, masyadong boring.


"Remember what i told you last night? Dont talk to boys or else.. I'll rape you." At umalis na nga siya. Kapal naman ng fes niyang sabihan ako ng ganun.


Siya pwede makipagusap kung kani-kaninong babae pero ako, bawal makipagusap sa lalaki. Duhh? As if namang susundin ko siya, psh.


"Asa kapang susunod ako sayo." Nasabi ko sa sarili ko. Tinuloy ko na lamang ang pagkain ko at dinamdam ang kinakain ko.


-

Nasa campus nako at kasama ko si em mag ikot ikot. Pumapasok na lamang ako pampalipas oras pero sa totoo, wala na talagang klase. Choice mona lang kung papasok ka or hindi na. At sa sitwasyon ko ngayon, naisipan kong pumasok na lamang dahil konting araw nalang naman at makakaalis nako sa university na'to.


Kinuwento ko kay em lahat ng nangyari kagabi at ang bruha, ayun tili ng tili. Kulang nalang maihi sa sobrang kilig eh.


Ano namang nakakakilig sa sinabi ko? Bangungot yung kinukwento ko sakanya pero siya, kinikilig. Nababaliw na ata si em, dadalin kona talaga sa mental to mamaya.


"Kyaaaah! Kinikilig ako girl, kyaaaaah! Baka naman naiinlove na sayo si asawa mo? OMG! Tapos may mangyayari sa inyo tapos mabubuntis ka tapos magkakaroon kayo ng 12 na anak! Tapos.. A-aray naman." Binatukan kona. Kung ano ano iniisip eh!


12 na anak? Ano ako, baboy? Sipain ko kaya to ng mawala na sa mundo.


"Kung ano ano sinasabi mo. Baliw kaba? Dadalin kita sa mental ng di oras."


"Sige, dalin moko sa mental pero dapat mga kasama ko boys ah? Yung fogi naman, please. A-aray naman! Bes naman eh!" Binatukan ko nanaman. Akalain mo, boys padin ang iniisip kahit sa mental ko dalin.


Malala na talaga tong kaibigan ko. Pasalamat nalang talaga siya at kaibigan ko siya kundi nako, baka nasagasaan ko to ng di oras.


"Ewan ko sayo! Tara, mall nalang mamaya ng mahimasmasan yang utak mong hilaw." Sabi ko sakanya. Miss kona din kaseng mag shopping kasama si bes eh.


"Maka hilaw naman to. Hinog na to'no! Game, shopping later?"


"Sureness!"


Naglalakad lakad kami ng biglang mag ring ang phone ni em. Lumayo ito sa akin at sinagot ang tawag. Nako, baka kung sinong lalaki nanaman yun. Minsan nga iniisip ko kung naisuko naba ni em ang bataan, ang harot harot kase ng babaitang iyon!


Nang matapos siyang makipagusap ay agad na itong lumapit sa akin. Mukhang malungkot.


"Bes. Hindi pala tayo makakapag mall mamaya." Sabi niya.


"Bakit? Anong problema?" Hinarap ko ito at mukha padin itong malungkot. Bakit nanaman kaya?


"S-si daddy kase, umuwi na siya galing states. G-gusto niya akong makausap."


Mahigpit ang daddy ni em kaya ganun nalang ang takot niya dito. Gusto kase ng daddy niya na masunod lahat ng gusto nito kaya madalas na kontrolado nito ang buhay ni em.


"Okay lang bes. May next time pa naman eh. Sige na, sundin mona si tito para hindi kana mapagalitan, okay?" Niyakap niya ako at nag thankyou. Si em kase, parang kapatid kona yan. Parang bunso kong kapatid, may saltik nga lang. Haha.



Hays. Wala akong choice kundi mamasyal ng magisa mamaya. Goodluck to me.

Status: Married to a PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon