"Chandra, hindi ka ulit sasama?" nagtatampong tanong ni Angel sakin after dismissal.
"No, sorry" sagot ko habang nagaayos ng gamit.
"Ano ba pinagkakaabalahan mo sa inyo, aber?" tanong ni Cheska.
Tumayo siya at lumapit sa harapan ko. Mabilis niyang kinuha ang bag ko at medyo inilayo sa akin.
"What are you doing?" tanong ko na nanatiling nakaupo.
Hindi na nakasagot si Cheska dahil napalingon kaming magkakaibigan at ang iilang kaklase namin sa pintuan nang may grupo ng mga lalaki na pumasok.
"Hi guys! Buti naabutan ko kayo. Ohh, hey Chandra!" masayang sigaw ni Parker na nauuna nang lumapit sa gawi namin.
"You're too loud as hell!?" sigaw pabalik ni Betanny.
"Woah, etong boses ko, walang wala sa lakas ng sayo!" sigaw ulit ni Parker.
Kitang kita na ang inis sa mukha ni Betanny kaya nagtawanan kaming magkakaibigan. Bago pa magsalita si Betanny, inunahan na ito ni Parker.
"It's my 18th birthday this coming Saturday. I just wanted to invite the four of you, sa rest house namin in Palawan gaganapin. It's also my Ate's thanksgiving party. I hope makapunta kayo" masayang sabi ni Parker.
"Really!?" sigaw ni Angel.
"Palawan!? Oh my gosh!" sigaw naman ni Betanny.
"I'll go kapag sasama si Chandra" sabi ni Cheska na tumingin pa sa akin pero muling binalik ang masamang tingin kay Kenzo na nakatingin sa akin ngayon.
"Thanksgiving ni Ate Jen? Did she graduated in Medschool already?" tanong ko.
"Yes! She just finished her 1 year post graduate internship. Then review na siya for boards" sagot ni Parker.
"Wow, you must be so proud!" masayang sabi ko sa kaniya.
"Of course! Alam mo na, it runs in the blood" mayabang na sagot ni Parker.
"Runs in the blood? Ang alin?" nagtatakang tanong ni Angel.
"Intelligence!" mayabang na sagot ni Parker. He even pointed his temple using his index finger habang nanliliit ang mga mata kay Angel.
"Wow! Kay Ate Jen, oo. Pero sayo? Tingin nga ng grades mo sa Calculus?" sabat ni Betanny sa inisan ng dalawa.
"Mayabang!" sagot ni Parker sa kaniya.
Sasagot na sana si Betanny nang may tumawag kay Parker.
He immediately gets his phone to answer the call.
"Ohh, Bro!" sabi ni Parker nang masagot ang tawag.
"FR FR FR?" excited na sagot muli ni Parker sa kausap niya.
"For real 'yon, Bro! Aba, uso 'yon dito! Palibhasa laking probinsya ka" mayabang na sabi ni Parker.
"Sh*t Bro! Totoo nga!? See you on Saturday!" masayang sabi ni Parker bago binaba na ang tawag.
"Psst, sino 'yon?" tanong ni Dawson.
"Pinsan ko na mayaman pero mas gusto sa probinsya" sagot ni Parker.
"Si JM!?" sabat ni Franco.
"FR! ISTG!" sagot ni Parker na agad binatukan ni Kenzo.
"Ayusin mo mga salita mo" sabi ni Kenzo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SEE YOU IN MY DREAMS
HorrorChandra is one of those people who is diagnosed with psychosis. Psychosis affects her thoughts and perceptions. It alters how she process information, making it difficult to determine what is real from what is not. People with psychosis may hear, s...