V. GAMOT

13 0 0
                                    

"Truth or Dare" tanong ni Franco na siyang nagpapaikot ng bote.

We're still here in the poolside playing games na gusto ng mga kaibigan ko. Hindi pa din kami nakakapagpalit ng damit dahil balak pa nilang maligo mamaya after magsawa sa paglalaro.

"Dare" matapang na sagot ni Dawson.

"Wow! Matapang" pangaasar ni Cheska.

"Ayy, gusto ko 'to" sabi naman ni Franco.

"Comment to the last posts ng taong gusto mo sa lahat ng social media accounts niya" pagpapatuloy ni Franco.

"Para may thrill, tell her that you like her" sabi naman ni Parker na naniningkit na ang mga mata sa kaibigan.

"Damn you all" sabi ni Dawson at padabog na kinuha ang cellphone niya.

Nagsilapitan ang lahat sa gawi ni Dawson para tignan ang gagawin nito maliban sa amin ni Parker na mukhang kilala na kung sino.

"Sino na, bilis!" hindi makapaghintay na tanong ni Angel.

"Ang tagal!" reklamo ni Franco.

Sinamaan siya ng tingin ni Dawson bago bumuntong hininga. Nagsimula na siya mag tipa sa phone niya

"OH MY GOSH!? IS THAT SELENE?" napapasigaw pa na sabi ni Cheska.

"WHAT THE F, BRO! 'Yan 'yung gusto ni Marcus! Bro code! Matagal nang gusto ni Marcus 'yan!" sabi ni Franco na malakas na sinuntok ang braso ni Dawson.

"Huwag na ituloy 'yan. Baka makita pa ni Marcus, mag away pa kayo" sita ni Parker sa mga kaibigan.

"Ang ganda niya, shocks! She looks like an angel" hindi makapaniwalang sabi ni Angel.

"Right!? Is she a model? What agency?" tanong naman ni Betanny na kinuha na ang cellphone ni Dawson para tignan pa siguro ang feed ni Selene.

"Tama na 'yan, ibang dare na lang" sabi naman ni Franco na kinuha na ang cellphone ni Dawson mula sa pagkakahawak ni Betanny.

"Why? Hindi pa naman daw sila sabi ni Marcus" nakakunot noo na tanong ni Dawson.

"Oo, hindi PA. Back off bro, simula pa lang alam na natin kung gaano kamahal ng kaibigan natin si Selene. Dapat noon pa lang, dumistansya ka na" pangangaral ni Parker sa kaibigan.

"Excuse me" paalam ni Dawson at tumayo na. Pumasok siya sa loob ng bahay na sinundan naman agad ni Parker.

"Ano meron? Sila ni Marcus?" nagtatakang tanong ni Angel.

"Childhood bestfriend ni Marcus si Selene back in Russia. Matagal nang gusto ni Marcus 'yon, lagi nga nagc-cutting para lang magpunta sa School non. Bukambibig ni Marcus si Selene sa amin kaya kahit anong pilit namin na makipag date siya sa iba, hindi namin magawa because he's into Selene eversince" kuwento ni Franco.

"Pano naman nagustuhan ni Dawson si Selene?" tanong ni Cheska.

"Model si Dawson, right?" tanong ni Franco.

"Ohh, parang alam ko na" sabi naman ni Betanny.

"Nagkasama sila sa isang photoshoot. Alam ni Dawson na Selene ang pangalan ng gusto ni Marcus, pero hindi niya kilala sa mukha. Hanggang sa nakasama niya si Selene, nagustuhan niya. Nalaman lang namin nang magpakita ng picture si Dawson, buti nga wala si Marcus that time. That would cause trouble" napapailing na kuwento ni Franco.

"If I were a boy, mal-love at first sight din ako doon panigurado! I bet she's more gorgeous in person" sabi naman ni Angel.

"Agree! She's obviously gorgeous in camera but my gosh! Iba talaga kapag nakita mo sa personal. Sobrang softy pa niya and super sweet! Ang lambing lambing ng boses. Actually, kung magugustuhan nga ako ni Selene, talagang magpapakalalaki ako!" sabi ni Cheska.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEE YOU IN MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon