II. PROMISE

19 3 2
                                    

"A**HOLE!?" sigaw ni Cheska na napatayo pa sa pagkakabigla.

Napalingon ang ibang mga tao sa amin kaya bahagya ko siyang hinila paupo.

"Lower your voice, Cheska. We're in public place, nakakahiya" saway ko sa kaniya.

"SO!? I can buy this Starbucks branch! Even that b*tch and that a**hole, kaya kong bilin buhay nila! Mga walanghiya!" sigaw pa din ni Cheska.

May ilan na natatawa na lang dahil sa sinabi ng pinsan ko.

"You're so loud, Cheska" mariing sabi ko sa kaniya.

I'm starting to feel a 2nd hand embarrassment. Hindi ko na nakayanan.

Kaya lumipat kami sa labas. Napahinga ako nang maluwag nang makita na kami lang ang tao sa gawi na 'to dahil lahat ay nasa loob.

"Hindi mo na babalikan 'yon. Don't you dare, Chandra" he said habang nakatitig sa akin nang mariin.

"Of course not! Nakita mo na ngang hindi ko na pinapansin eh" irap ko sa kaniya.

He was about to say something nang may marinig kaming pamilyar na boses.

"Hon"

I hardly closed my eyes nang mabosesan ang lalaki.

Nagulat ako sa biglaang pagtayo ng pinsan ko.

He close his fist and hit the table na siyang ikinabigla ko at maging si Kenzo na napaatras pa dahil sa ginawa ng pinsan ko.

"Ikaw na naman!? Ang kulit mo din eh. Back off, cheater!" sigaw ni Cheska na tumayo pa para harangan ako.

"Please, Cheska. I need to talk to Chandra" pakiusap ni Kenzo.

"Bakit hindi 'yung kabit mo ang kausapin mo?" sagot naman ni Cheska.

Hindi ito pinansin ni Kenzo at pilit pa din na lumalapit sa amin.

"Hon, let's talk please" sabi ni Kenzo na pilit inaalis si Cheska sa pagitan namin.

"Hon? Eww? Hindi ka ba na-inform na wala na kayo?" sabi ni Cheska.

Napatigil sa pagsagot si Kenzo at nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya.

"W-What? Sino nagsabing naghiwalay na kami?" hindi makapaniwalang sagot ni Kenzo.

I laughed without humor kaya napatingin si Cheska sa akin dahilan nang pagkawala nito sa pagitan namin.

"The moment you cheated on me, wala na tayo. What a shame! You still think that I'll settle to a kind of boy like you?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"You can't do that, Hon. P-paano 'yung taon na pinagsamahan natin? Hindi ka ba nanghihinayang man lang don? How about our plans, our f-future" nababasag na boses ni Kenzo.

"What a sad boy. Hindi ako na-inform na gaslighter ka na pala ngayon?" natatawang sabi ni Cheska na tuluyan nang tumabi para makausap ko si Kenzo.

"Well, surprise! 'Cause I'm not. Ano sayang don? Mas ayoko sayangin future ko na ikaw kasama ko. Manloloko" sabi ko.

"Hon, s-she blackmailed me. Hindi ko ginusto 'yon" sabi ni Kenzo na halos maiyak na.

"I don't care. That doesn't justify that you still kissed her. Whether you like it or not, that's still cheating. And please, stop bugging me. You're everywhere I go for pete's sake! Give me my personal space, okay? Let's go Cheska" mahabang sabi ko bago hinablot na ang kamay ng kaibigan.

"Ang lakas ng loob!" reklamo ni Cheska habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

He cursed Kenzo and Kim nonstop habang nasa biyahe kami pauwi.

SEE YOU IN MY DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon