WTY 1

469 7 0
                                    

Kai's POV

"Anong gagawin ko doon?!" Galit kong tanong.

Kakauwi ko lang galing bar at ito ang bumungad sa akin. Si papa na galit na galit.

"'Wag na 'wag lang babalik dito hangga't hindi ka nagtitino. Kapag nalaman kong tumakas ka, pasensyahan na lang tayo. Alam mo na ang mangyayari." Pagbabanta niya sa akin.

" Pagbabanta niya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ipasok na ang mga gamit niya sa sasakyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ipasok na ang mga gamit niya sa sasakyan. Stell balitaan mo ako kapag sinuway niya ang utos ko." Sabi niya sa mga tauhan namin at kay Stell.

Isa-isa na nilang pinasok ang mga maleta ko sa sasakyan ni Stell.

"Opo." Sagot naman ng kapatid kong wala na lang ginawa kundi sundin ang papa namin.

Hindi talaga kami magkapatid ni Stell biologically. Inampon siya ni Papa no'ng namatay ang mama niya na mag-isang nagpalaki sa kanya. 8 years old pa kasi siya no'n at dadalhin na sana sa bahay ampunan.

Ang mama niya ang isa sa mga nangangasiwa sa hacienda kaya naging close na rin namin sila kaya kapatid na rin talaga ang turing namin sa isa't isa.

"Umalis na kayo't malayo pa 'yon. Baka gabihin kayo sa daan." Huli niyang sinabi bago kami talikuran at pumasok sa bahay.

Masakit pa ang ulo ko dahil sa hangover at may mga pasa pa dahil sa rambulan kagabi tapos hindi man lang ako nakapasok sa bahay dahil nakaabang na agad si papa sa may pintuan ng bahay katabi na niya ang mga maleta kong hindi ko alam kailan niya naempake.

At ang malala pa ay pinapalayas pa niya ako para ipatapon sa hacienda namin.

Padabog akong pumasok ng kotse ni Stell. Sumunod rin siya at siya ang nag drive.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Way To You | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon