WTY 7

281 5 0
                                    

Stell's POV

"Ha? Sa Manila? 'Wag muna Stell. Alam mo naman ang gagawin ni Papa 'pag umuwi ako sa bahay diba?" Pag-angal niya sa akin.

"Sa bahay nila Jael. Ano bang pinag-iisip mo?" Nakahinga naman siya ng maluwag ng sabihin ko 'yon.

Kinuha niya ang gamit niya pero halatang hindi siya mapakali.

Kinuha niya ang gamit niya pero halatang hindi siya mapakali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jael's POV

"Apo, may tao yata sa labas. Tingnan mo nga."

Sino naman kaya? Kagagaling lang ni Kuya Stell dito kanina ah.

"Opo Lo." Lumabas ako para tingnan kung sino bumisita ng ganitong oras. Gabi na kasi.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang sasakyan ni Kuya Stell.

"Kuya Stell, ba't bumalik ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "May naiwan ka ba—" Nakita kong bumaba ng sasakyan si Kai.

"Wala akong naiwan pero may iiwan ako dito. May sasabihin siya sa'yo. Sige Jah, hindi na rin ako magtatagal kasi gabi na. Ikaw na bahala sa alaga mo."

"Kuya Stell—" Hindi na niya ako nilingon at dumiretso na sa kanyang sasakyan. Pinaandar niya ito at umalis na.
Nakatayo lang si Kai mga dalawang metro mula sa akin habang nakatingin sa akin.

"Apo, sino ba 'yan?" Lumabas si Lolo Erning sa may pintuan para makita kung sink ang dumating. "Uy Kai apo! Ikaw pala 'yan. Nakabalik ka na pala. Halika, pasok na kayo rito at mahamog diyan." Pag-aaya ni lolo.

Sumunod na ako kay Lolo sa loob ng bahay habang nasa likod ko lang si Kai at nakatungong naglalakad.

"Naghapunan ka na ba apo? Ipaghahanda kita ng makakain."

"Tapos na po Lo. 'Wag na po kayong mag-abala. Magpahinga na po kayo." Sagot ni Kai.

"O siya, sige. Kung gutumin ka, may pagkain naman diyan. Magpahinga na rin kayo't ako'y magpapahinga na rin." Lumabas na si Lolo ng bahay at naiwan kaming dalawa ni Kai sa loob.

" Lumabas na si Lolo ng bahay at naiwan kaming dalawa ni Kai sa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Way To You | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon