WTY 10

287 8 0
                                    

Kai's POV




"Psst. Jah. Galit ka ba?" Pauwi na kami ni Jael at hindi ako kinikibo.


"Ba't naman ako magagalit? Ano naman kung may secret kayo?"


Pinisil ko ang ilong niya ng may panggigigil at napa-aray siya. Ang cute magtampo. Haha


"Sus! Parang bata 'to. May sinabi lang siyang secret sa akin at nangako akong hindi ko sasabihin sa iba. Syempre tumutupad naman ako sa usapan."


"Tsk."


"Cute cute naman magtampo ng bebe na yan! Haha" Namula naman siya ng tingnan ko at nauna ng naglakad sa akin.



Yare! Hindi na naman ako papansinin nito mamaya haha. Ang hirap pa naman suyuin nito.


Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad. Kapag sinasabayan ko kasi siya, binibilisan niya ang lakad niya para hindi makasabay sa akin. Haha paano ba 'to suyuin?


Hinawakan ko ang likurang bahagi ng laylayan ng T-shirt niya para mapatigil siya sa paglalakad. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako ng masama.


"Gusto mo ba talagang malaman ang pinag-usapan namin?" Seryoso kong tanong sa kanya. Ewan ko ba, pero parang ayoko na maulit 'yong time na hindi niya ako pinapansin. Nakakatrauma. Pero syempre safe parin sa akin ang secret namin ni Miggy.


"Tss. 'Wag na. Alam ko namang may dahilan si Miggy bakit sa'yo niya sinabi." Sabi niya habang pinapatid ang maliit na bato at hindi nakatingin sa akin.



"So, hindi ka na nagtatampo?" Tanong ko sa kanya at sinilip ang mukha niyang nakayuko parin. Inangat niya ang tingin niya ng mapansing nakatingin ako sa kanya at ilang segundo kaming nagkatitigan.



Una siyang umiwas ng tingin at hinila ang laylayan ng T-shirt niyang hawak-hawak ko parin.



"Hindi naman ako nagtatampo. . . ahm . . medyo . . . ahh hindi . . . kunti . . . kunti lang." Sabi niya habang nakanguso. Cute.


Pinisil ko ang pisngi niya ng hindi ko namamalayang kusa na lang gumalaw ang kamay ko. Gago?


"S-sorry. Hehe ang cute mo kasi." Napahawak naman siya sa pisngi niya, sa bahaging pinisil ko at nakita ko na naman ang pamumula niya.


"Tss!" Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Tumalikod siya at naglakad ng mabilis.


Hala? Nagtatampo na naman yata? Ba't ko ba 'yon ginawa?



"Jah! Hintay!" Sigaw ko sa kanya pero hindi man lang lumingon sa akin.




-





Kai's POV




"Kai, samahan mo ako." Bungad ni Jael sa akin nang makalabas ako ng kwarto.


"Saan?"


"Punta tayong bayan." Tipid niyang sagot habang inaayos ang bag niya.



"Ano'ng sakyan natin? Wala yatang available na sasakyan ngayon kasi nagdedeliver sila ng mga gulay."



"Hiniram ko ang sasakyan ni Kuya Stell."



"Marunong ka mag drive?"



"Hindi."



Baliw ba 'to? Nanghihiram ng sasakyan tapos hindi naman pala marunong magdrive.



Way To You | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon