Chapter. 1

210 3 0
                                    

Chapter. 1

Zion's P.O.V

Andito ako ngayon sa may coridor ng campust at tumatakbo ng mabilis dahil hinahabol na naman ako nang mga babae. Ang ayoko pa naman sa lahat yung ganito dahil na iinis at na iirita ako sa tuwing hinahabol nila ako at hinahawakan ang katawan ko.

Kasalanan toh nila Jake at Jusper dahil pina habol nila yung mga babaeng nagkaka gusto sakin dito sa campust. Nababad trip na talaga ako sa kanila. Sa tingin ba nila magiging play boy ako katulad nila kapag ginagawa nila ito sakin hindi noh...

"Zion pa kiss...!"

"I love you Zion...!"

"Please pa picture...!"

"Pumayag kana maki pag date samin please..!"

Ayun ang mga naririnig kong mga sigawan ng mga malalandeng babaeng patuloy padin na humahabol sakin. Hindi ba sila napapagod kaka habol sakin pwest ako pagod na pagod na pagod na pagod na...

Agad akong napad-pad sa may puno nang nara na malaki doon sa school at umakyat ako at nang maka akyat ako ay agad akong tumahimik dahil nasa baba lang silang lahat.

"Asan na sya..?"

"Bakit bigla syang na wala..?"

"Hanapin nalang natin sa canteen o kaya sa CR ng mga boys..!?"

Agad na silang umalis ng hindi ako makita at agad akong na bunutan ng tinik sa lalamunan ng maka alis na sila at naka hinga na nang malalim dahil pagod na pagod ako sa pag takbo.

Hi my name is Zion Grey Tobrio 21yrs old siguro kung mapapansin nyo habulin ako nang mga babae dito at ayaw ko sa lahat yung mga ganun kase dito sa campust ako ang tinaguriang handsome prince dahil itong school na pinapasukan ko ay pagmamai-ari ng Lola ko at yung Daddy ko naman ay may malaking sikat na company at yung Mommy ko naman ay may pagmamai-ari ng isang sikat na resort. At bukod sa mayaman ako ay isa din akong bad boy dahil kasale ako sa gang pero bihira lang naman ako maki pag away hindi tulad ni Alvin sya kase ang Boss namin sa gang nila Jake,Jusper,Kelvin,Mark,Zack,Hanz,Dave at iba pa at kasama na din yung kambal nyang si Aldrin.

Dito sa campust bukod sa pagiging habulin ng mga babae ay isa din akong basketball player at ako ang team captain at laging pambato ng school namin at bukod doon isa din akong racer at matalino din ako kase gusto kosa future ay maging business man ako or sundalo dahil gusto ko machalenge.

At kaya lang naman ako takot sa mga babae kase noong grade 1 to 4 ako ay nagka trouma ako dahil lahat ng taong naka paligid sakin feeling ko minamanyakan ako mapa classmate at teacher ko ay manyak maka tingin sakin ewan koba kung bakit. Pero simula ng makilala kosi Shakira noong grade 5 ako ay parang may something sa kanya na hindi ko nakita sa iba inaamin ko noong una takot ako sa kanya pero noong nalaman kong bisexual pala sya kaya yun nagustuhan ko sya at sya ang first love ko. Pero bawal maging kame kase gusto sya ni Boss kaya hinayaan kona lang na mapunta si Shakira kay Alvin dahil walang gugustuhing maka laban si Boss pati na ang kambal nyang si Aldrin.

Pero meron na akong bagong nagugustuhan at yun si Cris ang kaibigan ni Shakira sa fb nya lang yun nakilala pero sobrang gaang na nang pakiramdam ni Shakira sa kanya at ganun na din ako kase nga magka pareho sila ni Shakira kase parehas silang palaban. Kaya ko sya na kilala kase nga one time ginamit ko yung account ni Shakira at tinry kong ichat sya at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagalit sya sakin at yun yung time na natakot ako sa babae bukod kay Shakira kapag nakikita ko syang magalit. Noong time na yun lage kona itinatanong si Cris kay Shakira kung anong klase syang babae o ano yung favorite nya kaya nagustuhan kona talaga sya.

And one time ulit ginamit ko yung account ni Shakira eh noong time na yun may sakit sya kaya sinabi ko kay Cris yun at sobra syang nag-alala kay Shakira at doon kona din na isipan na umamin sa kanya na may gusto ako sa kanya pero alam kong hindi sya maniniwala at na inis pa sya sakin non kase ang akala nya pinagtitripan ko sya. At nalaman kosa kanya na bawal pa daw sya ligawan at strikto ang parents nya pero dahil doon mas lalo kopa syang na gustuhan kase hard to get syang babae at machachallenge ako sa kanya.

Habang nag-iimagine ako ay bigla nalang nagbibrate yung phone ko at agad ko naman itong sinagot kase si Shakira yung tumatawag.

"Hello Kira..!"bungad ko sa kabilang linya.

[Zion.. Nasaan ka..?]

"Andito sa taas ng puno..!"sagot ko.

[Hahahahaha.... Hinahabol ka naman ba ng mga babae ha..?!]pang-aasar nito

"Ano paba sa tingin mo ha..!?"sagot ko. "Why are you calling me..?"tanong ko dto.

[May good news ako sayo at sigurado akong matutuwa ka..!]

Agad akong nagka interes kase sobrang galak ang tono nya sa kabilang linya.

"Ano yun..?"sagot ko dito.

[Si Cris mag-aaral sya dito sa school na pinapasukan natin..!]nagagalak na sambit nito sa kabilang linya.

Nang marinig ko yun ay parang lumaki yung tenga ko at mata ko sa sobrang tuwa ko ng marinig bigla ang balita at lalo na ang pangalan ni Cris.

"What..? Really...!?"hindi ko maka paniwalang tanong ko dito.

[Oo... Dahil naka tanggap sya ng scholar ship galing dito sa school natin at hindi lang yun Zion dito din sya titira sa bahay ko kase nga naki usap sakin ang Mama nya na asikasuhin ko sya kase alam nya na tiga bulacan ako...!?]

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin kosa sobrang saya ko nang mabalitaan ko yun. Yes makikita kona din sya sa personal.

[Oiii bat dika nagsasalita dyan..? Kilig na kilig kana ba dyan ha..? Ayyyyiiieeee]pang-aasar nito sakin na nagpa init sa pisnge ko.

"Kailan sya darating ha..?"pagchachange topic ko dto.

[Sa sabado susunduin ko sya doon sa may terminal ng bus at ibibigay ko yung mga document nya sa school sa linggo sa principal at sa lunes isasama kona sya sa campust para ipakilala sa lahat..!]kwento nito sakin.

"Mabuti naman...!"pormal kong sagot dito para hindi halatang sobrang saya ako na darating na si Cris.

[Sa wakas makikita at mayayakap kona ang sweetie love ko..!]rinig kong sabe nito sa kabilang linya.

"What..!"cold kung sambit dto.

[Ay este sweetie mo pala... Ayyiieee]nang sabihin nya yun ay agad kona pinatay yung tawag sa phone at bumaba na nang puno na may ngiti sa labe.

(forward....)

Pagka uwi ko sa may mansyon ay agad akong bumeso kila Mommy at Lola at yumakap kay Daddy at kita ko yung pagtataka sa muka nilang tatlo nang makita akong naka ngiti. Kase hanggang ngayon hindi padin mawala yung ngiti sa labe kosa nabalitaan ko kanina kay Kira.

"Why your so happy my son..?"naka ngiting tanong sakin ni Dad.

"Because to special person...!"naka ngiting sambit ko.

Agad napa kusot yung noo ni Dad at napa tingin naman ng naka loloko sila Mom at Lola sakin.

"Who..?"pagtataka ni Lola.

"Boy or Girl..??"tanong ni Mom.

"Girl...!"naka ngiting sambit kosa kanila.

Nagulat sila at nagka tinginan tatlo dahil sa sinabi ko dahil ang alam nilang tatlo wala akong ka hilig-hilig sa babae at alam nilang si Kira lang yung babaeng nagpapa saya sakin pero alam nila na gusto sya ni Alvin kaya kita yung pagtataka sa muka nila kung sino ang tinutukoy ko.

"REALLY...???"gulat nilang sambit sakin.

Napa ngiti nalang ako dahil sa expresyon ng muka nila.

"Magpapahinga na ako sa kwarto ko..!"paalam kosa kanila.

Nang aakyat na ako sa may hagdanan ng bigla akong pigilan ni Mommy sa pamamagitan ng pagsasalita.

"Who is she...? At bakit hindi mo na iikwento samin..?"sunod-sunod na tanong ni Mommy.

Agad akong humarap sa kanila at binigyan sila nang masiglang ngiti.

"Parating na sya Mom at isa sya sa mga transfery sa school ni Lola..!?"naka ngiting sambit ko kay Mommy at Lola at umakyat papuntang kwarto ko.

Agad akong humilata sa may malambot kong kama at nagpa gulong-gulong sa sobrang saya.

YOU ARE THE ONE FOR ME (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon