Chapter. 18

28 0 0
                                    

Chapter# 18

Naglalakad ako ngayon dito sa may gilid ng kalsada malapit sa school na pinapasukan ko dahil kagagaling ko lang sa may coffee shop na kalimutan ko kase yung walet ko doon kinuha ko lang.

At habang naglalakad ako malapit na sa may gate ng school ay may nakita akong matandang babae mga nasa below 60 ang edad nya pero hindi mahahalatang matanda na sya ang gara ng pananamit nya at mamahalin yung suot nya at halata sa kanya na mayaman syang tao at respitado at nakita kong may hinihintay ito kase nga nag-iisa lang sya.

Nang papalapit na ako sa kinaroroonan nya nagulat nalang ako nang napa hawak ito sa noo nya lalo na nang himatayin sya kaya agad akong napa takbo sa gawi nito at ipinatong ang ulo nito sa hita ko.

"Lola ay este Ma'am gumising po kayo..!"pagtatapik ko sa pisnge nito para magising ito pero wala pa din itong talab kase wala padin syang malay.

Kagad kong hinawakan yung leeg at noo nito at parang may sinat ito.

"Halah anong gagawin ko nito..?"natataranta kong sambit.

Kaya agad ko itong inalalayan at isinakay sa likod ko at ipinasan ko ito  at nag lakad papuntang bahay nila best. Pagka dating ko doon walang ka tao-tao sa loob kaya dumiretso akong kwarto namin ni best at inihiga sya sa may kama doon.

Agad akong nag unat ng likod dahil matagal ko syang ipinasan sa likod ko kaya medyo sumakit ito,at agad akong dumiretsong kusina at kinuha yung planggana na maliit at nilagyan ito ng tubig at kumuha ng malinis na towel at pumuntang kwarto.

Agad kong ipinatong yung maliit na planggana sa may maliit na lamesa doon at pinigaan yung towel at pinunas ko ito sa muka nya at tinanggal ko yung kulay pula nyang blaizer para mapunasan ko yung mag kabilaang braso nya at sunod ko naman pinunasan yung tyan nya at pang huli yung paa nya.

Matapos ko syang mapunasan ay tinabunan ko nang kumot yung tyan nya para pag pawisan sya at para bumaba yung sinat nya.

Agad ako pumuntang sala at kinuha yung phone ko at idinial yung number ni best.

"Hello best..! Nasan ka..?!"bungad ko sa telepono.

[Ahh pa uwi na ako kasama si Denzel katatapos lang namin mamili..!]sagot nito.

"Paki bilisan best..!"sambit ko dto.

[Bakit best...?]pagtataka nito.

"Kase kanina habang pa uwi ako dito may naka salubong akong matandang babae at hinimatay sa daan at dinala ko dito at dinala sa may kwarto natin at inasikaso kona sya... kaso hindi ko alam kung ano ang gagawin kung paano ko mahahanap, kung sino kamag anak nya ..!?"pagkekwento ko dito.

[Ahh..! Sige best parating na kame...!]sagot nito.

"Geh bye ingat kayo sa pag-uwi ha..!"bilin ko dto sabay baba ng phone.

Hinintay ko sila ng ilang minuto at mabuti dumating na silang dalawa.

"Ohhh..! Buti naka rating na kayo..!"bungad ko sa kanila.

"Asan yung matandang tinutukoy mo..?"tanong nito sakin.

"Nasa kwarto natin pinagpapahinga kona sya..!"sabe ko dito.

Kagad kame pumuntang kwarto para ipakita kay best yung matandang babaeng na iniligtas ko.

Agad na lumapit si best sa matanda at gulat nya itong tinignan na para bang namumukaan nya ito.

"Teka best anong problema..?"tanong ko dito.

"Best si Lola Ambella ang iniligtas mo..!"naka ngiting sambit nito.

YOU ARE THE ONE FOR ME (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon